Chapter 1

13 3 0
                                    

Samantha POV

Maaga akong bumangon dahil pupunta si tita dito sa mansyon na pinagmamayari ng pamilya ko bago mamatay.

Dumeretso ako sa banyo para maligo at bumaba papuntang kusina dahil naamoy ko na ang luto ni manang Felly. Si manang ay mahigit 20 years na nagaalaga saamin ng magulang ko.

Sabi ni mommy sakin ay wala pa ako ay si manang na ang nagtayong nanay nya magmula nung mamatay ang lola ko dahil hindi kinaya ang pagkamatay ni lolo.Si lolo naman daw ay namatay dahil sa sakit na Cancer

"Manang ambango naman nyan patikim." malabing na sabi ko.

"Hay nako sam hija,Hintayin mo ako dyan teka."

Pumunta si manang sa sink at nagkunwari akong sumasayaw at umiikot palapit sa luto ni manang.Kinuha  ko ang kutsara at tinikman ng mabilisan at ibinaba ang kutsara. Sarap. Umiikot parin ako at ngiting nagkunwaring kumakanta.

"Sam.." natigilan ako ng makitang nakatayo si manang sa gilid at tinitingnan ang ginagawa ko.

Agad akong tumakbo papunta sa taas habang tumatawa.

Pero pagdating ko sa hagdan ay tumunog na ang doorbell.Dali-dali naman akong pumunta dun dahil alam kong si tita na yun.

"Tita, mano po." bungad ko sakanya at nagmano.

"Sam,pagsabihan mo yung ilang guard nakaka-stress." Sagot ni tita at umaktong naiinitan.

Maraming Guard dito sa bahay dahil ang sabi ni tita ay nasa piligro daw ang buhay namin dapat lang daw maingat. Kahit nagsho-shopping ako ay kasama ko ang dalawa sa close kong guard samin. Si kuya gary at kuya cj.

"Bakit tita?"tanong ko.

"Pagkalabas ko sa kotse di ako pinayungan ang init kaya."Sagot ni tita.

"Madali na talaga initan ang mga matatanda tsk.tsk.tsk." sabi ko at umiling.

"Hoy, aba dalaga pa ang tita mo. Nakikita mo tong gandang toh,Wala itong kasing ganda." Sabi nya sabay taray.

Nagtinginan kami at nagtawanan.

Pumasok na kami sa loob para kumain.

"Good Morning Mrs.Lacey." bungad ni manang kay tita.

"Nako nako manang dapat Mrs.Sexy." iling iling na sabi tita at tumawa naman kami.

"Upo na po kayo may hinanda akong pagkain." inalok ni tita sa upuan.

Masaya ang naging kwentuhan namin habang kumakain. At si tita naman ay naglakad lakad para usisain ang buong mansyon ako naman ay nasa kitchen para kumuha ng tubig na maiinom ko.

Dahan dahan akong uminom dahil sarap na sarap ako sa lamig neto dahil mainit ngayon.

"Sam!!!" Agad kong naluwa ang tubig at laking pasasalamat ko at nasa tapat ako ng sink.

"Oh hija anong nangyari sayo?" tanong ni manang.

"Ah wala ho sige pupuntahan ko muna si tita." paalam ko kay manang at tumakbo papunta kay tita.

Laking gulat ko na nasa kwarto ko na si tita.

"Ano ka ba naman. Ang kalat ng kwarto mong bata ka.Linisin mo yan parang dinaan ng ipo-ipo tong kwarto mo nako kaka-stress." bungad ni tita ng makita ako sa pinto.

"Sige ho busy lang." Malambing na sabi ko.

"Busy busy. Nako di ka nga nagaaral dahil lagi ka nalang home class. Nako pag ako nakahanap ng private school na tahimik at walang mangaaway sayo dun kita ipapaaral." sabi ni tita at umalis sa kwarto ko.

ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon