CHAPTER 1

803 11 1
                                    

CARRIE's POV

"Carrie Ann! Gumising kana riyan!" sigaw sa akin ni mama isang umaga bago mag pasukan.

"Inaantok pa po ako," inaantok kong ani.

"Ang batang ito talaga! Tanghali na! Marami nang tao sa bayan ngayon! Baka hindi tayo makapili ng maayos na gamit ninyo sa school!"

"si kuya na lang po ang utusan ninyo,"

"Carrie, hindi pwede dahil kasama ng tatay mo ang Kuya Carlo mo,"

"Sige po mama. Maliligo lang po ako at bababa na rin po ako pag tapos," inaantok kong paring ani dahil kulang pa rin talaga ako sa tulog!

Naligo ako ng mabilis, nag bihis rin ng mabilis at nag ayos lang ng saglit. Dahil hindi naman ako sanay ng maraming inilalagay sa aking mukha. Basta't mag lalagay lamang ako ng Pulbos at Lip Balm dahil kapag naglalagay ako ng Lip Tint ay nagbabalat ang aking labi.

"Carrie Ann! Pagka tagal mo naman riyan! Aalis na tayo!" sigaw ni mama na nasa ibaba.

"Saglit na lang po mama!" sigaw ko rin upang marinig niya ako. Agad kong sinuklay ang aking buhok at saka bumaba sa hagdan ng kanilang bahay.

"Carrie Ann kahit kailan ay napaka bagal mo!" sigaw niya sa akin pagkababa ko.

"Mama kasi sa mall naman tayo mamimili ng mga gamit namin ni kuya!"

"Kahit na! Maraming mamimili ngayon dahil sa isang linggo na ang pasukan!" sabagay may point naman si Mama don pero kasi inaantok pa talaga ako!

Sa totoo lang ay hindi naman talaga siya ang tunay kong nanay. Na galit kasi si Mommy at Daddy sa amin ni kuya noong bakasyon dahil si Kuya Carlo ay palaging pumupunta sa bar at umaga na kung umuwi. Habang ako naman ay hating gabi na rin kung umuwi dahil pumupunta pa ako sa bahay ng mga kaibigan ko kung baga tumatambay pa ako bago umuwi sa bahay. Kaya't ito ang punishment niya sa amin mananatili kami ni Kuya rito sa loob ng isang School Year. Mag aaral kami sa isang public school sa loob ng isang Taon! Nakakainis pero ayos lang basta't sila mama at tatay naman ang kasama namin.

Si Mama ay ang aming kasam bahay sa aming bahay sa manila. Habang si Tatay naman ay ang kaniyang asawa. Nagpadala rin sina Mommy at Daddy ng pera para sa aming pangangailangan kaya nga lang hindi na katulad dati na kapag may gusto kami ay mabibili namin kaagad. Ngayon kasi ay mga importanteng gamit lang ang maaari naming bilhin.

Mama at Tatay ang tawag namin sa kanila dahil iyon ang gusto nila wala kasi silang anak at gusto raw nila na maexperience na may tumatawag sa kanila na Mama at Tatay. Parang nanay na rin kasi namin si Mama sa Manila pa lang dahil palagi niya kaming pinapayuhan at inaalagaan sa tuwing wala sina Mommy at Daddy.

Sumakay kami ng tricycle dahil wala namang kotse. Wala ang kotse ni Kuya. No choice talaga ako.

Nang makarating kami ni Mama sa Mall dito sa lugar nila ay agad kaming pumasok sa National Book Store.

"Carrie Ann, hija. Anong kulay ng Notebook ang iyong gusto?" dinig kong ani Mama.

"Pupwede po bang lahat ay kulay itim?" tanong ko sa kaniya. Paborito ko kasi ang kulay na itim.

"Bakit tila ang lahat ng paborito mong kulay ay puro dark colors, hija?" nagtatakang tanong ni Mama.

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now