CARRIE's POV
Katabi ko pa rin ngayon si Pangit parang hindi nadala sa dalawang sapak ko. Matapos ang recess ay pumasok na ang susunod na teacher. Tinanong niya kung sino ang gumawa ng pasa ni Pangit sa mukha at tinanong niya rin ako kung bakit ko 'yon ginawa. Pero at the end of the day si Pangit pa rin ang napagalitan dahil sa ginawa niya kay Josh. Natapos na ang tatlong subject at Lunch Break na. Hindi ko na iniwan si Josh kahit sa pag bili ay sinamahan ko siya hanggang mag uwian ay nasa tabi niya lang ako.
"Carrie, Ipagpapara pa ba kita ng tricycle mamaya?" tanong ni Eligia nang maayos niya na ang gamit sa bag niya.
"Oo nam---" sagot kong hindi natuloy dahil kay Josh.
"Hindi, Carrie. Sasabay ka sa 'kin." bigla ay singit ni Josh.
Bigla ay napatingin ako sa kaniya. Pero bago pa man ako tuluyang maka tingin sa kaniya ay naagaw na ni Pangit ang atensyon ko. Tila galit siyang nag lalagay ng gamit sa bag niya. Tiningnan ko siya hanggang sa matapos.
"Anong tinitingin tingin mo?" tanong niya.
"Galit ka ba sa 'kin?" tanong ko pabalik.
"Hindi." madiin niyang sambit saka isinukbit ang bag sa kaniyang balikat at nagmamadaling umalis. Anong problema 'non sa 'kin?
Kunot noo ko siyang sinundan ng tingin. Nagtataka. Pero bago pa man siya lumabas ay lumingon siya sa 'kin.
"Sorry sa ginawa ko!" sigaw niya na medyo sincere. Natulala ako sa kaniya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis sa isip ko ang pag amin niya kanina. Bakit kasi kailangan niyang saktan si Josh?
"Carrie!" pasigaw na pagtawag ni Josh sa 'kin dahilan para magising ako sa reyalidad na wala na pala si Pangit sa pintuan.
"Ha?!" nagugulat kong sagot.
"Sabi ko sasabay ka sa 'kin pauwi," pag uulit niya 'ata.
"Oo, sige ayusin ko lang ang gamit ko..!" kunyari ay masigla kong ani.
"Una na 'ko! Kita na lang tayo sa gate!" sigaw niya nang nasa pintuan na siya ng classroom kaming tatlo na lang kasi ang natitira.
Agad kong inayos ang bag ko habang inaayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko ay nakatingin lang sa 'kin si Eligia.
Bakit kaya? Ano nanaman kayang problema ng babaeng to?
"Bakit?" tanong ko pero nakabaling pa rin sa inaayos na bag ang atensyon.
"Ang swerte mo!" magana niyang sabi. What?
"Pano mo naman nasabi?" tanong ko.
"Di 'ba nasabi mo sa 'kin kahapon na may kuya ka?" tanong niya na ikinatingin ko sa kaniya. Ngumiti ako ng mapait naalala ko nanaman yung mga sinabi ni kuya. "Oh? Bakit? Anyare sayo?" kunot noo niyang tanong.
"Hmm.. Wala!" Kunyare ay masaya kong ani. "Ano namang maswerte sa mayroong kuya?" tanong ko. Iniiba ang usapan.
"Di 'ba may kuya ka nga. May kuya ka na may Josh ka pa! Ambongga mo ha?" natatawa niyang sabi. Tama siya swerte ako kay kuya noon... Noong akala ko ay hindi siya nag lilihim sa 'kin.
"Ha?! Oo nga HAHAHA!" kunyari ay natutuwa kong ani. "Tara na nga lumabas!" pag aaya ko.
"Ano nga palang sinabi ni Jeremy sayo kanina? I mean nung sinapak mo siya? Bakit niya daw ginawa 'yon kay Josh?" tanong niya habang isinasara ang pintuan ng classroom. Natigilan ako. "Ano na, Girl! Nasara ko na yung pinto wala ka paring sagot!" sigaw niya dahilan para mapatingin ako sa pintuan na nakasara na nga.