Matapos naming kumain ay agad na nagbihis si Josh sa taas. Pagtapos ay umalis na kami. Kaya nakarating kami ng maaga. Kagaya nga ng sabi ni Mama. Halatang hindi siya excited! Nang makapag park siya ay bumaba na ako. Dahil malamang ay mag rereklamo iyon kapag bumagal ako. Nang makapasok sa room at kaunti pa lang ang tao. Kung bibilangin ay 15 to 20 pa lang. Malamang ay nasa labas pa ang iba. Naghihintay ng teachers. Nang makaupo ako ay agad ding naupo si Josh ngunit sa tabi ni Eligia. Napapailing akong naupo. Hindi halatang excited siyang makasama at makatabi si Eligia. Kapag dumating ang seat mate ni Eligia ay aalis 'to HAHA! Nang mapansin ni Eligia na nakatingin si Josh sa kaniya ay hinampas niya ito sa braso. Natawa ako ng mahina. Natawa rin si Josh sa ginawa ni Eligia. Kaya naman kinurot niya ang pisngi nito. Napanguso si Eligia sa ginawa niya kaya naman pinisil ni Josh ang pareho nitong pisngi. Tawang tawa ako sa kanilang dalawa. They are so cute together. Ganyan ang sinasabi ko noon. Ganyan sila kabagay. Iyong dating seryoso na Josh ay nagiging makulit na. Hindi tulad ng dati na halos minsan lang kung magsalita. Nababago ang ugali niya dahil kay Eligia. Nababago ito in a good way. Ilang minuto ko rin silang tinitingnan dahil natatawa ako sa ginagawa nila.
"Bakit mo sila tinitingnan?" Laking gulat ko nang may nagtanong sa tabi ko. Si Jeremy pala!
"Wala lang," ngiti ko.
"Talaga ba?" Asar niya.
"Wala, ang cute kasi nilang dalawa." Nakangiti kong ani habang nakatingin sa dalawang nakatingin sa isa't isa.
"I agree, they are really cute together," tawa niya.
"And I think they deserve a happy ending, they deserve to be together.. for life.. and I think.." sambit ko saka humarap ulit sa kaniya.
"Forever?" Sabay naming ani. Nagtawanan kaming dalawa.
"Tayo, deserve ba natin?" Ngiti niya.
"I think.. hindi mo deserve.. pero ako deserve ko. Ganon siguro.." Pang aasar ko bagamat pilit na ginagawang seryoso ang mukha.
"Ha? Bakit naman..?" Malungkot niyang tanong.
"Just kidding, of course we also deserve a happy ending, kahit na nasaktan mo ako noong umpisa.." naiusal ko.
"I am really sorry for that, sorry for what I did, again I didn't mean it." Sincere niyang ani.
"Again i'm now fine. Again I forgive you." Ngiti ko dahilan para makahinga siya ng maluwag.
"You're such a kind person and thank you for everything.. thank you because you forgive me, eventhough the things i've done is hurting you.." sincere niya pa ring ani.
"That was fine, forget about it." Simple kong ani. Binabaling ko na lang sa iba ang topic para naman hindi maging awkward.
"Thank you ulit," ngiti niya. Tumango tango na lang ako.
"GOOD MORNING CLASS!" Pasigaw na pagbati ng teacher namin nang makapasok sa classroom. Agad naman kaming nagtayuan at bumati sa kaniya pabalik. Matapos iyon ay tinanong niya ako ng kung ano ano. Akala mo naman itinuro niya!
Matapos ang ilang subject ay recess na. Kaya naman agad kong iniligpit ang mga gamit ko para makasabay kami kina Eligia at Josh mag recess. Ngunit napansin kong nananatili paring nakaupo si Jeremy. Kaya naman hinawakan ko siya sa pulsuhan saka ko siya hinatak papalapit kay Eligia at Josh halos sampu na lang kami dito sa room dahil kasunod na agad ng teacher namin ang iba. Nang makalapit kami kina Eligia at Josh ay nagsalita agad ako.
"Sabay kami," ngiti ko.
"Anong kami? Ikaw lang ang allowed!" Bulyaw ni Eligia saka ako hinatak. pero kahit na malakas ang paghatak niya nagawa ko paring pigilin iyon.