CARRIE's POV
Nang makababa ay nakita ko silang nakaupo sa hapag kainan. Inaantay siguro ako. Gusto kasi nila Mama na sabay sabay kami kung kumain.
"Maupo ka na rito sa tabi ko, Carrie." ani Mama ng mapansing naka tayo pa rin ako sa harap ng hagdan.
"Uhm! Mukhang masarap ang luto niyo, mama!" masigla kong ani.
"Lahat naman ay masarap para sa 'yo, Carrie." nanunuksong ani kuya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"hindi ba 't totoo naman? HAHAHAHA!"
"Masarap lang talaga kung mag luto si mama!" depensa ko.
"Asus maryosep! Huwag kayong mag sigawan sa harap ng pagkain, Carrie Ann at Bryan Carlo!" seryosong ani mama.
"Sorry, ma" sabay naming sabi ni kuya.
"Tara na 't mag dasal at saka tayo kakain,"
Si Tatay ang nag lead ng prayer. Habang kumakain ay hindi maiwasan ni kuya na paalalahanan ako.
"Carrie, alam mo namang hindi ako mag aaral sa school na papasukan mo. Sa Public School ka pa mag aaral. Ingatan mo ang sarili mo. Sayang at walang College sa school niyo. Saka umuwi ka agad ha? Kapag naunahan pa kita ay susunduin talaga kita sa school mo!" paalala ni kuya. Tama siya Grade 11 pa lang kasi ako habang si kuya naman ay 2nd year College na.
"Naiintindihan ko naman si Mommy, Kuya. Gusto ko nang matapos ang taon na ito para makabalik ulit ako sa dati nating school." nakangiti kong ani.
"At ang huli kong paalala, Carrie. 'wag kang mag bo-boyfriend! Nako! At 'wag ka ring mag papaligaw! LOVE CAN HURT. Tatandaan mo yan!" seryoso niyang sabi.
"kuya! Hindi porket ganon ang nangyari sa inyo ni Ate Li---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla akong tingnan ng masama ni kuya. "K shut up na 'ko! HAHAHAHA!" Masaya kong ani.
"Alam mo, Carlo. Hindi masama ang mag mahal," pangaral sa kaniya ni Mama.
"Alam ko naman po, Mama. Ang ayaw ko lang po ay ang masaktan ang kapatid ko." seryosong seryoso si kuya sa sinabi niya.
"Hindi porket nasaktan ka sa umpisa ay masasaktan ka hanggang dulo," patuloy pa ni nanay.
Napayuko na lang si kuya.
"Hindi rin porket hiwalay na kayo ni Lizeth ay tapos na ang lahat sa inyo. Malay mo may mas maganda palang binabalak ang tadhana para sa inyo."
"saka, kuya... Hindi naman porket ayaw sa 'yo nung pamilya niya ay bibitawan mo na siya. Matuto ka rin kasing kumapit! Malay mo biglang isang araw kaya ka nang tanggapin ng magulang niya. Magbago kana kasi kuya! Matalino ka naman hindi mo lang ginagamit!" singit ko.
"Hoy ikaw, Carrie Ann! Saan mo napupulot ang mga ganyang sinasabi mo!?" sigaw sa akin ni kuya.
"Napapanood ko sa TV? HAHAHAHA kuya naman! Wala pa nga akong nagiging boy friend e! Tapos inaakusahan mo ako!"
"Yun na nga wala ka pang nagiging boyfriend pero ganiyan ka na kung mag salita!" sigaw niya ulit sa akin.
"Ikaw nga nagkaron na ng Girl friend pero hindi ka pa rin marunong mag handle e!" biro ko sa kaniya.