CHAPTER 13

115 5 0
                                    

CARRIE's POV

Matapos 'yon ay umuwi na kami half day lang daw kasi kuhaan ng Card keme. Sabay sabay kaming lima na lumabas.

"Carrie, una na kami ni Mama ha?" Paalam ni Eligia sa akin.

"Gano'n ba? Ingat kayo ha? Get well!" sambit ko bago bumaling kay tita. "Ingat po kayo! Nice to see you po, tita!" magiliw kong ani.

"Sige mag ingat din kayo ha? Josh, Carrie at Noreen. Mag iingat kayo ha?" paalala ni tita sa aming tatlo nina Mama. Tumango tango kami saka sila pinanood na lumabas. Nang makalabas sila ay saka nagsalita si Josh.

"Tara na po, tita." pag aaya ni Josh saka inalalayan si mama papasok sa loob. Napangiti ako saka sumakay sa harap.

Nang makita ni Josh na nakasakay na ako ay napakamot siya sa kaniyang ulo. Malamang ay gusto niya akong alalayan. Hindi naman na ako bata at mas lalong hindi pa ako matanda! Umikot siya para makasakay sa drivers seat.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan kanina?" seryoso niyang tanong na ikinatawa ko. Kunot noo niya akong binalingan habang iniaayos ang kaniyang kotse. "Masaya ka na niyan?" tanong niya pa. Seryoso pa rin.

Natatawa akong sumagot. "Alam mo bagay kayo ni Eligia!" pang aasar ko. Habang si mama sa likod ay nakatingin sa labas.

Inirapan niya lang ako.

"Seryoso ako 'no! Kung hindi ka lang masungit minsan ay pinagkamalan na kitang kapatid ni Eligia! Madaldal kasi kayo parehas!" pang aasar ko pa.

"Carrie Ann," pag tawag ni mama.

"Po?" nahihiya kong sagot.

"huwag mong inaasar si Josh! Alam mo namang ikaw ang gusto niyan!" natatawang ani mama. Napatingin naman ako kay Josh na natigilan. Nagkatinginan kaming dalawa agad akong umiwas.

Awkward.

"Oh 'di ba! Natahimik kayong dalawa!" napatingin ako kay mama.

"Mama," pagtawag ko rito. Nahiya kasi ako kay Josh.

"Hindi ba't totoo naman? Noong nasa maynila pa lang tayo ay may gusto na sayo itong si Josh?" napayuko ako. "Sabagay! Wala ka naman nga palang alam sa mga ganoong bagay noon!" batid kong nakangisi si mama.

"Mama.. " pag tawag ko pa.

"Pasensya! HAHAHA! Josh hijo. Sa mall tayo." sambit ni mama.

"Pero 'ma? Nagpadala na po ba si Mommy?" tanong ko. Baka kasi hindi pa. Nakakahiya naman.

"Oo, Kinuha ko kanina, kaya natagalan akong makapunta sa school niyo." kaya pala.

Itinuro ni mama kay Josh ang daan papuntang mall. Hindi na 'ko nagsalita. Nahiya kasi ako dahil sa sinabi ni mama.

Nang makarating sa mall ay nagpunta kami sa Jollibee. Sa Jollibee rin kami laging kumakain ni Josh dati sa manila.

"Anong gusto ninyo?" tanong ni mama.

"Steak, Sundae and Fries na lang po yung akin." sagot ko.

"Yun na lang din po, Tita." ngiti ni Josh.

Si mama kasi ang pipila. Naupo na kami sa isang bakanteng mesa na dalawa lang ang upuan. Dalawa lang kasi ang bakante. Tig dalawang upuan nga lang kaya ang nangyari. Magkasama kami ni Josh sa isang mesa. Parang nagde-date ang peg. Dati ay hindi ko binibigyan ng kahulugan ang lahat. Pero bakit nung nalaman ko ang nararamdaman niya ay nabibigyan ko ng kahulugan ang mga aksidente lang na nangyari?

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now