CHAPTER 10

122 6 0
                                    

CARRIE's POV

Naglakad kami ni Eligia papunta sa room habang ako ay hinang hina. Mabuti na lang at inalalayan niya ako. Hindi ko akalain na makakaabot pala kami dito. Sobrang nanghina ako dahil sa narinig ko. Hindi ko akalain na magagawa niya sa 'kin 'yon sa kabila ng mga magagandang ginawa niya sa 'kin. Masyado akong naging kampante na wala siyang gagawin sa 'kin.

"Have a sit, Carrie." mahinahong ani Eligia. Alam kong galit pa rin siya hindi niya lang pinapahalata.

"Thank you, Eligia.." nanghihina kong ani. Nanggigilid ang luha sa mga mata ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Tama si kuya... Nasabi ko sa isip ko. Sana nakinig na lang ako sa kaniya. Tama siya. LOVE CAN HURT..

"Manahimik ka muna dyan, Alam kong nasasaktan ka.. Dahil ako rin nasasaktan para sayo.. Sorry, akala ko naman kasi seryoso si Jeremy." tila naiiyak niyang ani.

"I know.. Even me akala ko totoo.. " sambit ko habang unti unting tumutulo ang luha ko.

"Sana pala kay Josh na lang kita pinush! Para naman hindi ka ganyan!" sigaw niya na ikinagulat ko. Josh? Matagal ko na ring hindi nakakausap si Josh dahil ayaw ni Jeremy na kausap ko siya.

"What do you mean?" nagtataka kong tanong.

"Alam mo hindi ka lang tanga! Manhid ka rin! Hindi mo ba napapansin kung paano nag ke-care sayo si Josh?!" sigaw pa niya.

"Hindi, kasi naman ganon na siya dati pa!" depensa ko.

"Kung ganon e 'di bobo ka! Siraulong 'to! Kinwento ni Josh sa 'kin lahat! Nung sinapak siya ni Jeremy! Sabi niya dati pa lang ay may gusto na siya sayo!" sigaw niya pa. "Ang kaso.. Hindi niya raw maamin sayo kasi natatakot siya.." Nalulungkot niyang dagdag.

"Natatakot na ano?" tanong ko.

"Siguro na mareject mo siya," nakanguso niyang ani.

Napabuntong hininga ako. "Pupuntahan ko si Josh." sambit ko saka tumayo.

"Kaya mo ba?" nag aalalang tanong ni Eligia.

"Kayang kaya!" sigaw ko saka naglakad palabas tutal ay 1 hour naman ang lunch kailangan ko ng confirmation kay Josh. Pumunta ako sa Canteen. Kahit na medyo naninikip ang dibdib ko. Wala siya doon. Pumunta ako ng food court. Agad ko siyang nakita kausap si Toasted Chocolate Elle!

Nilapitan ko sila. Napatingin naman sila sa akin. Nagtataka akong tiningnan ni Josh malamang ay nagtataka siya kung bakit ako lumapit.

"mag uusap tayong dalawa," simple kong sabi saka umambang aalis ngunit hinila ako ni Toasted Chocolate Elle pabalik! "Anong kailangan mo?" tanong ko dito.

"Ito!" sigaw niya saka ako sinampal! Akma ko siyang sasampalin ngunit pinigilan ako ni Josh!

"'wag mo siyang sasaktan, Carrie." sambit niyang tila naiinis.

"Pero ako okay lang na saktan niya?! Sabihin mo sa 'kin siya na ba 'yung gusto mo!?" pasigaw kong tanong. Nasaktan ako.

"Carrie, Kung gusto mo ako makausap ay 'wag dito." mahinahon niyang ani.

"E 'di 'wag dito!" sigaw ko saka siya hinila papunta sa lugar kung saan alam kong walang tao. Sa loob ng sasakyan niya kung saan naka park sa loob mismo ng school. "Buksan mo ang kotse mo!" utos ko na sinunod naman niya.

"Anong kailangan nating pagusapan?" tanong niya habang naka sandal sa upuan ng kotse niya.

"Tungkol sa nararamdaman mo!" sigaw ko. Nagulat siya.

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now