I'm here walking at the park with Nathalia. Inaya niya kasi ako na lumabas naman daw kami dahil as in iilang beses lang akong lumabas sa ganitong lugar. I mean lumalabas ako pero kapag papasok lang sa work. Sa nakalipas na pitong taon ay ganito pa rin ang nararamdaman ko. Still inlove with the guy na matagal ko nang hindi nakikita. Minsan na din kaming pumunta sa probinsya baka kako sakaling magkita kami. Pero hindi nangyari ang iniisip ko. Pakiramdam ko ay pilit na talaga kaming pinaglalayo ng tadhana para sabihin sa akin na hindi talaga kami para sa isa't isa.
"Alam mo, Carrie. Mag hanap ka na kaya ng jowa," suggestion ni Nathalia.
"Ayoko nga," tanggi ko agad.
"Carrie Ann, tumatanda ka na kaya," inirapan niya ako.
"Tanga, mas matanda ka sa'kin." Gumanti ako ng irap.
"Kahit na! Ilang buwan lang naman yon!" Inirapan niya ko ulit. Hindi ko na lang siya pinansin dahil alam ko namang kagagahan lang ang suggestion niya na iyon. Alam naman niya na hindi pa ako nakakamoveon sa nakalipas na pitong taon. Siya din naman ay ganon. Ayokong makipag relasyon habang alam ko na iba pa talaga ang mahal ko at ayokong makipag relasyon hanggat alam kong hindi pa handang magmahal ang puso ko ulit.
Muli kaming naglakad ni Nathalia hanggang sa may nakita akong nadapang bata agad ko itong nilapitan dahil naalala ko yung kapag nadadapa ako noong bata ako palagi akong umiiyak sa sakit niyon.
"Hi, are you okay?" Tanong ko sa bata. Bago lumuhod at tiningnan ang tuhod at siko niya.
"I'm okay po, thank you po," ngumiti siya ng maganda sa akin bago tumayo. Para bang hindi siya nasugatan sa pagkadapa niya.
"Ella! Janella!" Dinig kong sigaw ng isang lalaki mula sa likod ko. Nilapitan ito noong bata agad naman akong tumayo upang tingnan yon.
"Jeremy yon di'ba?" Tanong sa akin ni Nathalia sa gilid ko.
"O-oo.." naiusal ko habang nakatingin ng deretso kay Jeremy..
"Thank you, Miss." Ngiti ni Jeremy sa akin tumango ako sa kaniya.
"Anong miss? Miss mo? Charot lang," pagbibiro ni Nathalia sa gilid ko agad ko naman siyang siniko. "Sakit non, tanga." Bulong niya.
"Sa susunod wag mo na lang siya papakawalan at iiwan.. baka kasi mawala pa sa'yo.." napalunok ako matapos sabihin yon.
"Bongga may konti ka pa atang hugot don ah!" Muling biro ni Nathalia dahilan para muli ko siyang sikuhin.
"Sasakalin ko yang bungo mo," banta ko.
"Sabi ko nga," natatawa niyang sabi.
"Wag ka mag alala, wala na akong iiwan, di ko na iiwan lahat ng mahal ko," ngumiti siya ng maganda sa akin.
"Eh siya ba di mo mahal? Bat mo iniwan?" Singit ni Nathalia na mataray na nakatingin sa kaniya. "Charot lang, Carrie, bili lang ako ice cream gutom na'ko e," ngiti niya bago umalis.
"Yeah, tama dapat lang, wag mong aalisin ang mata mo sa kaniya baka kasi makuha pa ng iba," ngiti ko.
"Kung masaya siya doon sa iba na yon, mas magiging masaya naman ako," madamdamin niyang sabi.
"Anak mo pa ba ang pinaguusapan natin?" Nagtataka kong sabi.
"Ano sa tingin mo?" Tanong niya pabalik.
"Parang hindi na kasi," pagsasabi ko ng totoo.
"Edi hindi na nga," seryoso niyang sabi.
"Wag mong pabayaan iyong 'anak mo' baka kasi masaktan ulit." Seryoso kong sabi.
"My daughter is brave like the woman I love." Nanggilid ang luha sa mga mata niya pero agad niya itong pinunasan.
"Stay inlove with each other, I'm happy for you," sabi ko nang makitang paparating si Elle.
"If you're going to get married invite me okay?" Biro niya.
"If I'm going to get married.." ngumiti ako ng mapait. "I'm leaving.." pagpapaalam ko bago hinanap si Nathalia sa buong park. Nasan kaya yong babaeng yon. Natagpuan ko siya sa isang bench nakatulala habang kumakain ng ice cream.
Dahan dahan akong naupo sa tabi niya bago inagaw ang ice cream sa kaniya.
"Hoy!" Sigaw ko.
"Bakit?" Tanong niya.
"Problema mo?" Tanong ko.
"Wala," sagot niya.
"Nakita mo nanaman?" Malungkot kong tanong.
"Paalala mo pa sige," sarkastiko niyang ani.
"Sorry, uwi na tayo," pag aaya ko.
"Tara," bored niyang sabi bago kami naglakad papalabas doon.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko nang makasakay sa kotse niya.
"Mukha ba?" Mataray niyang ani.
"Taray mo, kaya wala kang jowa e," Asar ko.
"Wala akong jowa kasi ayoko, may hinihintay ako," mataray niya pa ring sabi.
"Kbye!" Tawa ko.
Walang nagsalita sa pagitan namin hanggang sa makarating kami sa bahay at maihatid niya ako sa loob. Nag asaran pa sila ni Kuya bago siya umalis.
"Ayan ha binalik ko ng buo yang kapatid mo," irap ni Nathalia kay Kuya.
"Mabuti yan, dapat lang," ngisi ni Kuya.
"Uwi na'ko, wala ako sa mood e," paalam ni Nathalia bago tuluyang lumabas.
"What happen?" Tanong ni Kuya.
"Nakita niya ata si Lexus kasama yung bago," ngiwi ko.
"Kadiri di pa rin nakakamove on," ngiwi din niya.
"Talaga?" Tinaas ko ang kaliwang kilay ko.
"Just kidding, ako din e," tawa niya. Umakyat na lang ako sa taas matapos iyon. Sa sobrang bored ay nakatulog na lang ako sa kama ko nang makaakyat.
Nagising ako kinagabihan hindi ko alam kung bakit pero dahil siguro sa pagod ko sa trabaho dahil kanina lang naman ako nagpahinga.
From: Jeremy.
you did not do my favor. that means you don't really love me.
Nakita kong message nang buksan ko ang cellphone ko.
To: Jeremy.
We are the same. You did not do your promise.
Agad naman siyang nag reply sa sagot ko.
From: Jeremy.
Really? Is that what you thought?
Nireplyan ko naman siya agad.
To: Jeremy.
you will not have children if you do not love her.
Pambabara ko.
From: Jeremy.
Janella was just adopted.
Reply niya sa akin dahilan para matigilan ako. So it means they adopted the girl because Elle want a daughter or what? So I can see that they have a child? Is it like that? I don't get Jeremy's point as he says her daughter was adopted. Does it mean he still love me? But he's trying to stop himself to go near me because Elle might kill his family? Even if the situation is chaotic but I'm sure.. he still love me after all..