Freya's POV
"Freyaaaaaaaaa! Ano ba?! Malalate kana!" Kukusot kusot mata akong bumangon at naginat ng kamay.
"Freya ano ba?! Gising kana ba ha?!" Nadampot ko yung cellphone ko sa gilid kaya naibato koyon sa pinto. Senyales na gising nako.
"Freya nakakailang cellphone kana lagi mong ibinabato! Sa susunod hindi na kita bibilan!" Sigaw ni mama sa labas.
"Tss. I can buy it on my own." Bumangon ako at nakita kong basag na iphone ko. Pumasok ako sa banyo at naligo.
Matapos akong maligo nagbihis ako at sinuot ang salamin ko. Nagsuklay ako at inayos ang bangs ko.
Bumaba ako at nakita kong kumakain na sila.
"Kumain kana Freya. Narinig kong ibinato mo nanaman daw yang iphone mo? Sino bang nagturo sayo ng bagay nayan hija?" Sabi ni papa kaya naman umupo ako sa upuan na kaharap si kuya.
"Alam nyo pong hindi maganda ang mood ko tuwing umaga papa. Pasensya napo." Paghingi ko ng tawad. Kumuha ako ng makakain at sinimulang lamunin.
"Freya magayos kanga. Tignan moyang itsura mo. Red longsleeves, Mini skirt, Black leggings then vans? Tapos may malaking salamin kapa at nakabrace kapa. Nerd na nerd ang dating mo." Nahinto ako sa pagkain sa sinabi ni kuya.
"Hindi naman to nakakaapekto sa pagaaral ko kuya. Tsaka ako naman to hindi naman ikaw yung nasasabihan ng kung ano ano. Wala silang pake kung anong gusto kong isuot. Bakit? Pinakielamanan ko ba sila sa mga suot nila? Hindi diba? Kaya wala din silang pake sa suot ko. May kanya kanya tayong buhay. Tss." Mahabang sabi ko at umirap. Tumayo ako at nagaalalang tumingin sakin si mama.
"Anak, hayaan moyang kuya mo. Wag mong pakinggan yan. Kumain kapa baka magutom ka." Sabi ni mama. Ngumiti ako at hinalikan sya sa pisngi at ganun din si papa.
"Ma, ayos lang po ako. Sa school nalang ako kakain. Nawawalan ako ng gana dito." Lumabas ako ng bahay at sumakay ng kotse.
Nagdrive ang driver ko papuntang Choi Highschool University. Ang school na pinapasukan ko ay pagaari ng pamilya ko. Ayokong sabihin na magulang ko ang may ari nun kahit halata naman sa surname ko. Lagi akong inaasar ng mga kalalakihan at mga kababaihan sa school namin pero wala akong pake. Basta ako may utak ewan kona lang kung meron din sakanila.
Huminto ang kotse at inayos ko ang sarili at bag ko.
"Ingat po Ma'am.Freya anong oras ko ho kayo susunduin?" Tanong ni manong driver.
"Wag na ho manong. Uuwi ho ako magisa." Lumabas ako ng kotse at pumasok ng campus. As usual pinagtitinginan ako ng taong makakasalubong ko.
"Omygad! Pano nakapasok dito ang isang hampaslupa? Sa pagkakaalam ko puro mayayaman ang nakakapasok dito? Bat sila nagpapapasok ng mahirap? Nakakadiri!"
"Ya! Tignan mo naman yung suot nya! Mukang galing pa sa ukay ukay! Hindi sya dapat nandito! Baka mahawa tayo sakanya!" Umirap ako sa mga naririnig ko. Kung pagusapan nila ako para akong may sakit na nakakahawa.
Nagtuloy ako sa paglalakad at pumunta ng Faculty. Nakasalubong ko si Ms.Lucero.
"O Ms.Choi? Anong kailangan mo?" Tanong nya sakin kaya ngumiti ako.
"Goodmorning po Ms.Lucero. Kukunin kolang po sana yung schedule ko." Tumango naman sya at may kinuha sa table nya ibinigay nya yun sakin. Agad akong pumunta sa room ko at pagbukas ko ng pinto may papel na lumipad at tumama yon sa mismong muka ko.
"Oh, sorry. My bad." Sabi ng maarteng babae. Hindi ko pinansin at nagtuloy ako sa dulong upuan na katabi ang bintana at tumanaw sa labas.
Nakaramdam ako ng gutom. Naalala ko hindi ko pala natapos yung pagkain ko kanina. Lumabas ako ng room at pumunta ng canteen. Kada madadaanan kong tao ay pinaguusapan ako. Hindi na sila nasanay sakin paulit ulit yung sinasabi.