2.

5.1K 141 11
                                    

Freya's POV

Nagising ako ng maaga. Naligo agad ako at nagbihis. Hindi ko alam pero mas inayos ko ang suot ko ngayon. Baby pink na blouse at black pants at yung favorite vans ko. Inayos ko ang buhok ko at sinuot ng salamin ko.

Nakita kong may box ng iphone sa side table ko. Kinuha koyon at nakita kong nandun na yung sim card ko. Nilagay koyon sa bag ko at nakita koyung calling card na ibinigay sakin ni Xavier. Kinuha ko ulit ang phone ko at sinave ang number nya at tsaka ako bumaba sa sala. Pumunta ako sa kusina at nakita kong nandun na silang lahat.

"Goodmorning sister! Wow! Mukang medyo umayos ang outfit mo ngayon a? Marunong kana pala makinig sa kuya mo a?" Umirap naman ako sakanya at naupo.

"Hindi para sayo to." Natigilan ako sa sarili kong nasabi.

"E para kanino naman yan ha?" Napalunok ako sa tanong ni kuya.

"P-para kila mama at papa." Nakahinga ako ng maluwag ng kumain na lang ulit sya at hindi na nagtanong pa. Sabay kaming pumasok ni kuya.

Kasulukuyan na kaming nasa kotse ng bigla syang magsalita.

"May nagugustuhan kana ba bunso?" Napatingin ako ng deretso sa tanong nya.

"Bat mo naman naitanong kuya?" Kunwaring walang alam na tanong ko.

"Masama ba?"

"Hindi naman."

"Meron naba?" Paguulit nya sa tanong.

"W-wala pa naman kuya." Tumango tango naman sya.

"Hanggat maaari ayoko munang magkaboyfriend ka." Natigilan ako sa sinabi nya.

"B-bakit?"

"4th year highschool kapa lang. Tapusin mo muna pagaaral mo. Madaling maghanap ng lalaki." Psh. Porket gagraduate nasya ngayong taon. College graduate na si kuya. Business Management ang kinuha nya dahil sya ang mamumuno sa lahat ng kumpanya nila mama at papa.

Meron silang kumpanya sa iba't ibang bansa. May sariling mall at mga flower shop. Idagdag mopa yung school na pagmamayari din namin at may sarili din kaming restaurants. Top 3 sa pinakamayaman sa buong mundo ang pamilya ko dahil sa kasipagan, katyagaan naabot nila ang gantong estado ng buhay at masasabi kong maswerte ako.

"Kuya kahit nga hindi ako magaral alam kong kaya kong bumuhay ng isang daang pamilya." Sabi ko.

"Anlayo mo bunso. Balakajan. Basta wag ka munang magboboyfriend hanggat maaari." Hindi kona sya pinansin at maya maya lang ay huminto na ang kotse at naunang lumabas si kuya at syempre parang artista nanaman sya. Maraming nagaabang na babae sa gate para lang sa pagdating nya at pinagpipicturan sya na akala mo model e.

Pinagmasdan kolang si kuya at talaga namang walang pake sa mundo. Dere deretsong pumasok at hindi manlang lumingon sa magaabang sakanya. Ng makapasok sya sa loob ng school nagsisunuran lahat ng mga FANS nya. Nakita kong wala ng tao kaya naman bumaba nako ng kotse at pumasok na ng school.

Habang naglalakad ako papuntang building namin nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko.

"Easy. Sabay na tayo umakyat. Hindi moko tinawagan." Natigilan ako sa sinabi nya. Ibig sabihin hinihintay nya yung tawag ko? Bakit?

"Ah, sorry. Nakatulog nako kagabi e. Kanina kolang nasave yung number mo." Bumuntong hininga sya at hindi na nagsalita.

"Bakit magkasabay sila?! Sino ba yang hampaslupa nayan?! Ang panget panget naman nya at di hamak na mas maganda ako kesa sakanya!" Sigaw nung isang babae kaya akmang mauuna akong maglakad ng bigla akong hawakan ni Xavier sa braso.

The Nerd Girl Change Into Princess (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon