Chapter 20- Reserved

347 16 20
                                    

Hope Scenery

Maaga akong gumising. Alas nueve ang usapan namin pero ala siete ay gising na gising na ko.

Agad akong naligo at nagbihis. I just wear a white sweetheart top and a black fitted skirt. Something that is casual but looks formal.

Eksaktong alas otso ako bumaba. Agad akong kumain at tsaka umalis ng bahay.

8:45 am. Yan ang mismong oras na nakarating ako sa Pasithea. Hindi naman halatang excited ako diba?

May kaba at saya akong nararamdaman. Hindi muna ako bumaba sa aking kotse dahil baka wala pa sa loob si Stell. Tsaka apat na kotse palang ang narito sa parking area. Masyado ata akong napaaga.

Exactly nine am ay bumaba nako sa kotse. Pagbukas ko ng pinto ng restaurant ay nagtaka ako.

Bakit parang walang tao?

Bigla namang may lumapit sa akin na staff. “Excuse me ma'am, are you Miss Hope Lavoisier? ” Tanong sakin ng isang lalaking staff. Para syang waiter sa itsura nya.

“Yes. Why?” Bakit ako kilala ng staff dito? “Mr. Ajero is waiting for you ma'am. He reserve the restaurant for you. C'mon I'll assist you” Parang nagdiwang ang puso ko sa tuwa. Ansarap namang malaman na pinareserve pa nya 'tong restaurant para sa aming dalawa.

A smile automatically plastered on my face. Hindi ko mapawi ang ngiti ko.

“Ma'am hanggang dito nalang po ako. Good luck po” Nasa labas ako ngayon ng VIP room. Sarado ang pintong gawa sa kahoy kaya hindi ko malaman kung ano ang nasa loob.

Dahan dahan kong pinihit ang seradura ng pinto at parang nagningning ang mga mata ko sa aking nakita.

Patay ang lahat ng ilaw pero nagkakaroon ng liwanag na nagmumula sa mga nakasinding kandila. There's a table that is arranged romantically. Ginawa ba to ni Stell para sakin?

Nakakatunaw ng puso!

Inilibot ko ang aking mata sa loob ng silid.



Para akong nabato sa aking kinatatayuan. Sinasabi ng isip ko na umalis na ako pero tila ayaw gumalaw ng katawan ko. Ang saya na nararamdaman ko kanina ay parang biglang nawala.

Antanga ko naman para isipin na nag-effort si Stell ng ganito para lang makausap ako.

Tang *na Hope! Antanga tanga mo! Sinisinghalan ko ang sarili ko. Gusto kong manakit!

Bakit? Bakit nagawa to ni Stell sakin? Ano ba ang naging kasalanan ko?

Napadako ang mga mata ni Stell sakin pagkatapos nilang maghalikan ni Angela. Oo naghahalikan sila ni Angela kanina! They are kissing torridly awhile ago and I witnessed it!

Baka nga para kay Angela tong romantic set-up sa restaurant na to. Baka si Angela ang dahilan kaya nya pinareserve ang buong restaurant!

“H—Hope?! Hope magpapaliwanag ako!” Shock is very evident on his eyes. Bakit sya magugulat kung ito naman ang plano nya? Ang pasakitan ako ng sobra.

Malalaki ang hakbang ni Stell papunta sakin pero para namang bumalik ang lakas ko na naglaho kani-kanina lang.

Agad akong tumakbo palabas. “Hope sandali lang” Hindi ko sya pinakinggan. Tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo.

“Riri magpapaliwanag ako. Pakinggan mo naman ako” Nagmamakaawa ang boses nya pero binalewala ko ito. D*mn baka mamaya umasa nanaman ako sa wala!

Bakit ba Stell? Bakit ba kailangan mo akong saktan ng ganito?!

I am aware that I'm already crying. My vision is blurred. Paglabas ko sa restaurant ay parang bumangga ako sa isang matigas na bagay. Akala ko'y mahuhulog ako sa sahig pero may matitipunong mga braso ang sumambot sa akin.

“T—Typhoon?”  Si Typhoon ang nasa harapan ko ngayon. May pag-aalala sa mga mata nya. Dala na rin ng aking emosyon ay napayakap ako sa kanya.

“Shhhh. Stop crying Hope. Don't worry I got your back. Ilalayo kita. I'll take you away from here, from him” His voice is calm and soothing.

Ang tanong, ligtas nga ba ako sa mga kamay nya? Sa kamay ng kababata ko?

Ang tanong, ligtas nga ba ako sa mga kamay nya? Sa kamay ng kababata ko?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The restaurant's set-up

Hater to Lover | FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon