Chapter 1- Text Mate

541 21 13
                                    

Hope Scenery

Napatingin ako sa cellphone ko na nagring kaya binuksan ko ito.

From: Stell

Hi! Wala ka bang gagawin ngayon? Pwede ba tayong lumabas?

Napakunot noo naman ako sa text ng isang to. Wow lang ha, ambilis naman nito. Kakikilala lang sakin nung isang araw tapos ngayon inaaya na agad akong lumabas!

To: Stell

At bakit ako sasama sayo? Close ba tayo?

Di ko alam kung bakit nirereplayan ko pa ang isang to. Dapat galit ako kasi kasalanan ng kaibigan nila kung bakit wala ngayon ang bestfriend ko sa tabi ko.

Muli nanamang tumunog ang cellphone ko kaya alam kong nag reply na ito.

From: Stell

Kaya nga kita inaayang lumabas para maging close tayo.

Bakit kaya napakakulit ng isang to? Walang lusot eh. Lahat may paliwanag.

Buti nalang magaling akong lumusot sa mga ganitong sitwasyon.

To: Stell

I'm sorry but I'm not feeling okay. Hindi ako makakasama sayo.

Yan ang reply ko.

Siguro naman di na ako guguluhin ng isang yon diba?!

Ilang sandali at Hindi na ulit Ito nag reply.

Tss. Pare-parehas lang talaga halos lahat ng lalaki. Mas gusto ang mga easy to get. Pero di ko nilalahat yung mga lalaki ha.

May matino naman pero mahirap nang matagpuan.

Nag buzz ang doorbell ko at kasabay non ang pagtunog ng cellphone ko.

From: Stell

No need to go out just open the door. Nandito ako sa labas ng condo mo

Sh!t!

Nailaglag ko ang aking cellphone sa pagkataranta.

What to do?!

Inayos ko ang sarili ko at pilit pinakalma ang sarili.

Nang maramdaman kong kumalma na ako ay dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng condo ko.

“Hi! Pwede bang pumasok?” Right here in front of me is no other than the heavenly voice of SB19, Stell. Smiling at me while holding some paper bags na may lamang iba't ibang gulay at Kung ano-ano pa

“Masama ang pakiramdam mo diba? So I'm here, ipagluluto kita” Naluwangan ko ang pagkakabukas ng pinto dahil sa pagkatulala.

Myghad Hope galit ka dapat sa kanila, sa kanya!

Feeling ko pinagtataksilan ko ang kaibigan ko.

Why do I see him attractive?

Bakit naaattract ako kay Stell?!

Hater to Lover | FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon