Chapter 21- His Place

328 18 30
                                    

Hope Scenery

Where do broken heart go? Saan nga ba? Sa bar?

Gusto kong makalimot. Gusto kong magpakalasing para kahit papano ay mawala yung sakit na nararamdaman ko.

“One more tequila please” I said to the bar tender. “No Jake. Ako ang boss mo kaya ako ang pakinggan mo. Wag mo na syang bigyan” It's Typhoon. Kasama ko sya dito sa bar na pagmamay-ari nya. Kaninang umaga ay kung saan saan ako ipinasyal ni Typhoon para daw madivert ang atensyon ko. Pero bigo sya. Bigo sya dahil hanggang ngayon ay parang sirang plaka iyon na paulit-ulit na nagpeplay sa utak ko.

“W—wag mo k—kong pagbawalan T—Typhoon. O—one more tequila” Hindi nako makapagsalita ng diretso dahil sa pag-iyak ko at dahil medyo lasing na rin ako.

“Stop it Hope. Hindi ako natutuwa na makita kang nagkakaganyan. Hindi ganan yung Pag-asa na nakilala ko” May pagbabanta na sa boses sya. Alam ko namang nagkakaganyan lang sya dahil nag-aalala sya para sakin.

Buti pa sya.

Tumingin ako sa kanya. Agad kong nakita ang lungkot at galit sa mga mata nya. Lungkot para sakin at galit para kay Stell.

I am wasted right now! “B—bagyo b—bakit ganon? M—may ginawa ba a—akong mali? May k—kasalanan ba a—ako? Bakit nya ako s—sinasaktan ng ganito?” Andami kong katanungan sa isip ko. Mga tanong na hindi ko masagot sagot!

“Wala kang kasalanan Hope” Sa halip na makampante sa sagot nya ay lalo akong napaiyak. Wala naman pala akong kasalanan eh. Wala naman pala akong ginawang hindi tama. Kung ganon, bakit pakiramdam ko ay pinaparusahan ako!

Ansakit sakit! Ansakit makita yung taong mahal mo na may kahalikang iba! Ansakit dahil parang wala akong naging halaga sa buhay nya. Bakit ganon? Bakit andali sa kanyang kalimutan ako? Bakit andali sa kanyang saktan ako? Bakit ambilis sa kanya na palitan ako?

“T—Typhoon bakit ganon? Bakit h—hindi a—ako s—sapat? Bakit kinailangan n—nya pang h—humanap ng i—iba?” K—kailangan ko bang m—maging k—katulad ni A—Angela?” Hinawakan ni Typhoon ang magkabila kong pisngi. Pinunasan nya ang mga luha ko. “Shhh. Stop crying Hope. Kahit kailan ay hindi mo kailangang tularin si Angela. Hindi ka lang sapat, sobra sobra pa. You're a woman who's worth fighting for. You're an ideal woman, an ideal girlfriend and an ideal wife. Many bachelors are wanting to be in Ajero's place. Now stop thinking like that. You're not a low class woman. You're a treasure. My treasure”  Hindi ko inintindi ang huling sinabi nya. If I am really ideal, then why does it seems like Stell doesn't want me. He makes me feel unwanted!

Dahil na rin sa kalasingan ay nakahiling ako ng bagay na tila pagsisisihan ko. “Sana ikaw nalang. Typhoon sana ikaw nalang ang minahal ko” Hindi ko alam pero sa sandaling iyon ay diretso ang pananalita ko.

I saw spark on Typhoon's eyes but it immediately faded away. “You're drunk Hope. C'mon I'll take you home” Hindi ako pwedeng umuwi sa bahay ng ganito. Ayokong makita nina mommy na wasted ako.

“ I—im w—wasted T—Typhoon” Para namang naunawaan nya ang gusto kong iparating. He take a deep breathe.

Fine, let's go to my place” Hindi ko alam kung bakit hindi ako kumontra. Hinayaan ko syang alalayan ako pasakay ng kanyang kotse.

May condo ako pero bakit hindi ako doon nagpahatid?

Hater to Lover | FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon