Chapter 34- Code Blue?

352 20 15
                                    

Stell

“Fvck! D*mn! Baby, please hold on. Malapit na tayo sa ospital” We are able to rescue my girlfriend. D*mn! Muntikan pa kaming mahuli. Kung nalate lang kami ng konti ay baka hindi na namin naabutan na buhay si Hope.

Wala na syang malay noong nakalapit ako sa kanya kanina. Ngayon naman ay nasa ambulansya kami.

“Hope, please hold on”Agad kaming nakarating sa ospital. Luckily, prepared na ang emergency room para sa pagdating ni Hope at ready na rin ang ilang doktor na mag-aasikaso sa kanya.

“Our daughter is a fighter ijo. We know na lalaban sya para sa inyo ng anak nyo. Just trust her ijo and of course, pray to God” Sabi ni Tita—ang mommy ni Hope.

Tinawagan ko sila kanina pagdating namin dito sa ospital.

Kanina pa 'kong pauli-uli sa paglalakad dito sa labas ng emergency room. Paro't parito na ako kanina pa dito sa hallway ng ospital. Bawat segundong dumadaan ay nadadagdagan ang kabang nararamdaman ko. Habang tumatagal ay para akong pinapatay sa takot...Takot na baka mawala ang mag-ina ko.

Ilang sandali pa ay may doktor na nagmamadaling lumabas sa emergency room. Lalampasan sana ako nito pero hinarang ko sya. “How's my girlfriend?” Kinakabahang tanong ko. No hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin. “ She's having vaginal bleeding, sir. Please excuse me because I need to call for more assistance” Walang preno nitong sabi. Agad akong umalis sa dadaanan nya.

Sh*t! Nanghihinang napaupo ako sa daan habang nakasandal sa pader. Pumikit ako at nanalangin . Almighty father, please save my girlfriend and our baby. Piping usal ko.

Sana naman....

Tahimik lamang akong nagdadasal nang biglang nagkagulo sa emergency room. Andaming nurse ang pumasok.

“Code blue! Code blue!” I heard from the emergency room. Napatulala ako sa daan. Para bang nandito pa ako pero ang utak ko ay naglalakbay na. Nanginginig ang buong kalamnan ko at nanlalamig na rin ako. Kung may salamin lang siguro sa harapan ko ay makikita kong napakaputla ko na.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako kung hindi ko lang nakita ang mga patak ng luha sa sahig. No. Hindi pwede!

Mabilis akong tumayo at tsaka dali-daling pumasok sa loob ng emergency room.

“Sir hindi po kayo dito pwede” Pagpipigil sakin ng isang nurse. Ang isang nurse ay nadagdagan pa ng isa at nadagdagan pang muli. Hanggang sa limang nurse na ang pumipigil sakin.

Pilit akong nagpupumiglas sa kanila habang nakatingin kay Hope. Napadako ang tingin ko sa
electrocardiogram.

Para akong naubusan ng hangin sa katawan sa nakita ko. I saw flat line! Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko para maitulak ang limang nurse na pumipigil sa akin.

Agad ko syang nilapitan. “Wake up, Riri” Bulong ko sa kanya. “P—please Riri, wake up. We'll still build our own family, r—right?” Nautal na ako at umiiyak rin ako habang binibitawan ko ang mga katagang iyon. Hawak-hawak ko ang kamay nya habang pilit syang nirerevive ng doktor.

“P—please wake up. For me and our b—baby, please” My voice cracked again. Live for me, please. Piping usal ko pa. Ayokong tumingin muli sa EKG. Ayokong makita ang tuwid na linya.

Hindi ako naniniwala! Ayokong maniwala! Buhay pa si Hope, ramdam ko yon. Alam kong lumalaban sya.

Napatigil ako sa pag-iyak nang magsalita ang isang nurse. “Doc, the EKG” Napatingin ako sa bagay na iyon. Thank God! Hindi na diretsong linya ang naroon.

Thank God! Niyakap at hinalikan ko ang isang kamay ni Hope.

“Thank you. Thank you for fighting” I whispered to her ears. Di man nakamulat ang mga mata nya, alam kong nakikinig lang sya.







——————————_———_———_——

A/N: Electrocardiogram (EKG) machines record the electrical activity of the heart over a period of time and allow health care providers to monitor the overall rhythm of the heart and identify any abnormalities.

Hater to Lover | FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon