Chapter 35- Going Home

427 19 7
                                    

Hope Scenery

“When will you gonna wake up, Hope? We miss you so much. I know that you can hear me because that's what the doctors said. Please baby, gumising ka na oh. Miss na miss na kita” Hindi ko man nakikita ang taong nagsasalita ay kilalang kilala ko naman ang boses na iyo. O slowly opened my eyes. At first, everything is blurry. Ilang minuto pa ang nagdaan ay luminaw na rin ito.


I looked at my right side and there, I saw him holding my hand. I tried to speak but I can't. Medyo masakit ang lalamunan ko at tila nawalan ako ng boses.

I'm in the hospital, I know that. Ilang oras na kaya akong tulog? Muka kasing wala pang tulog itong nagbabantay sakin.

I tried to move my forefinger and I succeed! Napatulala doon si Stell. “Dinadaya lang siguro ako ng mga mata ko” So hindi pala sya makapaniwala na iginalaw ko ang daliri ko? Kung kaya ko lang tumawa ay baka nagawa ko na. Kaso parang nanghihina pa ako.


I moved my finger again. This time, Stell take a look at me. “G—gising k—ka na!Teka, totoo ba to?” He stuttered. Tila hindi sya makapaniwala sa nakikita nya. Medyo nakaawang ang mga labi nya.

Isang tipid na ngiti lamang ang ibinigay ko sa kanya. “W—water” Tanging nasabi ko habang itinuturo ang isang baso ng tubig na nakapatong sa bedside table.

Muka namang naintindihan nya at agad nya akong inalalayan paupo. Then, he handed me a glass of water at inalalayan akong uminom. “Thank you” Mahinang sabi ko. He smiled before kissing my forehead.


“Intay ka lang dito ha, pupuntahan ko lang yung doktor mo” I nodded at him before smiling. Ngiti pa lang kasi ang kayang-kaya kong ibigay sa kanya.



Ilang sandali pa ay dumating na rin si Stell kasunod ng isang doktor. Sinuri muna ako ng doktor. “Well, she's already fine. Nabawi na rin nya ang lakas nya. But, I'll still ask her ob-gyne to check her and the baby. If the ob-gyne don't find something wrong, bukas na bukas rin ay maaari na syang lumabas” Pagkalabas ng doktor ay agad akong bumaling kay Stell.

“Stell, ilang oras o araw na ba akong nakatulog?” I'm so curious 'cause he looks so exhausted.

“Oras? Araw? Tatlong linggo ka na dito sa ospital, Riri. Naging kritikal ang lagay mo and you've been in coma for almost two weeks!” Ganon katagal? Hindi agad ako nakareact. Paano ba naman? Akala ko kasi mga pitong oras hanggang tatlong araw lang akong tulog. Yun pala kulang-kulang dalawang linggo!



“Nabigla ka? Wag mo na nga 'yong isipin. Tara na, dadalhin pa kita sa ob mo para macheck na kayo ni baby” He chuckled. Binuhat nya ako at tsaka ako iniupo sa wheel chair. Hindi ko nga alam na may wheel chair na pala sa tabi nya. Kailan at saan nya kaya kinuha yon?



Dumiretso kami sa ob ko at pagkatapos ay sinuri ako nito.


She's already done checking me up. Ngayon ay nakikinig na lamang kami sa mga sinasabi nya. “Well, it's good that the baby is able to survive. But the problem is, medyo mahina ang kapit ng bata. Kaya ngayon ay reresetahan ko kayo ng pampakapit. Hindi mo naman kailangang magbed rest pero hindi ka pwedeng gumawa ng mabibigat na gawain” Dinala muna ako ni Stell pabalik sa aking kwarto.


“Bibilhin ko lang 'tong mga nireseta ng ob mo ha” He kissed my forehead before kissing my lips. It's just a peck. “Bye, I love you” Sabi pa ni Stell bago nya pihitin ang seradura ng pinto. “I love you too” Sabi ko pa bago sya makalabas sa aking kwarto.

I saw him smiled. A smile that shows true happiness.

















This is it guys! Ngayon na ang labas ko sa ospital. Stell just paid for my bills habang ako naman ay nandito sa kwarto ko sa ospital at hinihintay sya.

Nakita ko ang paggalaw ng seradura ng pinto. I know it's Stell. “Ready to go home?” He asked with a bright smile. “Yup?” Excited ko namang sabi. Aba, namiss ko na kayang umuwi.


Hindi na ako gumamit ng wheelchair. It's not necessary naman. Pero kahit ganon ay nakaalalay naman sakin si Stell.

Pagdating namin sa parking lot ay pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse. “Gentledog” I teased him. Ngumisi lang sya sa akin. “Baby, ang pogi ko namang aso kung ganon” Tinawanan ko lang sya. Medyo nagtaka pa ako dahil sa amoy ng kotse. Hindi naman sya mabaho. Actually, ambango nga eh. Amoy bulaklak but, hindi ito ang usual na amoy ng kotse ni Stell kaya nagtataka ako.


He started to drive. Buong durasyon ng byahe ay hawak-hawak nya ang isa kong kamay. Akala mo naman ay makakawala pa 'ko. My gosh! Pinunlaan na nga ako oh. Konting panahon nalang at lolobo na 'tong tiyan ko.

Muka lang kasi akong busog at konti lang rin ang itinaba ko. Sabi nga ni mommy ay maliit daw akong magbuntis.


Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang bahay namin—yung bahay ng parents ko. Doon muna kami tutuloy dahil ayaw ni Stell doon sa talagang bahay namin. Gusto raw nya ay yung may magbabantay at mag-aalaga sakin sa tuwing nasa trabaho sya.


He opened the door of the car at tsaka ako inalalayan palabas. Marami syang dalang gamit. Teka, nasaan na ba yung house helpers dito sa bahay? Bakit walang natulong samin? Hindi ba nila alam na ngayon ang labas ko sa ospital?


“Baby, may nakalimutan pala ako sa kotse. Andyan lang sa likod. Pwede bang pakuha? Nandito sa bulsa ko yung susi oh” Kinuha ko naman ang susi sa kanya. Muka na syang Christmas tree sa dami ng gamit na dala. May bag sa balikat tapos may bitbit pa sa magkabilang kamay. Gustuhin ko mang tulungan sya ay ayaw naman nya.

Binuksan ko ang likod na part ng sasakyan. “OH GOSH!”Napasigaw ako at nabitawan ko ang susi dahil sa pagkabigla. Sobrang bilis rin ng tibok ng puso ko. Ilang beses pa akong kumurap para makumpirma kung totoo ba 'tong nakikita ko.


Dahan-dahan kong nilingon si Stell.

“Will you marry me?” He said while one of his knees is kneeling on the ground.


———————————————___________

A/N: How's the update?

Btw ito yung nakita ni Hope

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Btw ito yung nakita ni Hope

Hater to Lover | FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon