Someone's POV:
"Good morning, yaya." Masayang bati ni Lolita sa kanilang katulong.
"Good morning rin sayo ma'am."
"Yaya, ano yang binabasa mo?"
"Ah, ito dyaryo to ma'am. At grabi ang nangyari kagabi." Napasign of the cross pa ito.
"Bakit naman?" Kumunot ang noo nito.
"Kasi, may natagpuang patay na katawan sa tambakan ng basura isang Attorney, si... Attorney Ramerez. Nako ma'm, hubo't hubad pa ito at putol ang ari, maraming sugat-sugat sa iba't-ibang parte ng katawan, at mukhang pinaulanan ng bala." Mahaba na kwento nito sa kanyang amo.
Hindi umimik si Lolita sa mga sinasabi ng katulong. Tumabi na lamang ito ng upo.
"Tapos ito pa ma'am may nakalagay pa na parang karatula na nagsasabing " HUWANG TULARAN NAKADEPENDE AKO SA KUNG GAANO KA KAYAMAN. RAPIST AKO" kung totoo man yang mga nakasulat ma'am dapat lang sa kanya yan." Pagpapatuloy ng katulong.
"Oo naman, yaya. Walang lugar ang katulad nya dito sa mundong ginagalawan natin." Medyo pabulong nitong sabi.
"Ma'am may sinasabi ka?"
"Wala yaya, pakitempla lang ako ng kape."
- - -
"Sinasabi ko na sa inyo, buhay nga ang babae yun. Alam kung isa naman sa inyo ang isusunod nya. Maniwala kayo."
"Ano ka ba Harold hanggang dito ba sa puntod ni James dinadala mo pa rin yang kapraningan mo?" Dismayadong sabi ni Martin.
Nasa sementeryo sila ngayon mismong nasa harap ng puntod sila ni James na kakalibing lang nag-uusap.
"Di mo ba nakikita, pare ang sugat na natamo ko at ang sugat ni James ay parehong-pareho." Sabay turo sa kanyang mga peklat sa braso.
"Kung totoo man yang sinasabi mong buhay sya hindi ako natatakot Harold. I'm the Governor, no one can touch me!" Pagmamalaki nito.
"So, sinong susunod? If you are the Governor, I'm the Mayor wala ring sinuman ang makakalapit sa akin. Baka ikaw na Robert kasi paniguradong hindi ka poprotektahan ng mga rebulto mo sa simbahan." Pananakot nito sa kanyang kaibigan.
"Wag kang mag-alala kung ako man ang susunod alam kung isa din sa inyo ang kasunod."
"Hindi! kailangan nating mahanap yang babaeng yan." Seryosong sabi ni Harold sa kanyang mga kaibigan.
- - -
"Philip, hindi ka ba nagtataka pareho ang petsa noong pinasok si Harold sa bahay nya at ang petsang pinatay si James." Sabi ng isang kapwa pulis ni Philip."At sa parehong araw pa." Dagdag ng pangalawang kapwa pulis.
"Hindi kaya isang tao lang o grupo ang may pakana nito?" Sabi nung naunang pulis.
"Yun nga ang iimbestigan natin. Tsaka tingin ko nagkataon lang yun baka sa kay Attorney James, ang mga kalaban nya sa kaso ang may gawa nito at iba kay Harold." Tugon ni Philip sa kanyang mga kasamahang pulis.
"Ayos na rin yun kung tutuosin maraming tao ang nasiyahan ngayon sa pagkamatay nya. Hindi yan malinis magtrabaho kahit kriminal pinapanalo ang kaso basta mayaman at kahit inosenting tao pinapakulong lalo na pagmahirap." Sagot naman pangalawang pulis.
"Nababawasan na rin ang mga salot sa lipunan." Saad ni Philip
- - -
"Sabihin mo ang iyong mga kasalanang nagawa." Mahinahong utos ng pari sa kakaupo lang na babae sa kabilang parte ng telang puti.
BINABASA MO ANG
TUNOG NG KAMATAYAN
Mystery / ThrillerISANG TAONG NAGBAGO SA KANYA ANG LAHAT. GUMUHO ANG MGA PANGARAP AT NAPALITAN NG GALIT AT PAGHIHIGANTI. KADA BUWAN MAY MAMATAY SA PAREHONG PETSA, ARAW, ORAS AT SA PAREHONG PARAAN. MAGBAYAD, ANG DAPAT MAGBAYAD! SINGILIN ANG DAPAT SINGILIN! "WALANG LUG...