Someone's POV:
Dali-daling pumasok si Harold Sy sa kanyang sasakyan kasama ang kanyang dalawang maleta.
"Tatakas ka Mr. Sy?"
Halos mapatalon si Harold sa gulat ng nalaman nyang may ibang tao sa loob ng kanyang sasakyan.
"Pasenya ka na pero hindi ka na makakatakas."
Kahit nasa likod ni Mr. Sy ang taong nagsasalita ay alam nya kung sino ito.
"Ta-tapos na yung akin diba? Pwedi na s-siguro akong umali?" Takot nitong sabi.
"No! Hindi pa kasi hindi ka pa patay."
"P-pero diba nagawa ko naman yung inutos mo sa akin na sabihin sa mga kaibigan kong buhay ka."
"Oo, wala akong sinasabing kapag ginagawa mo yun mabubuhay ka."
"Anong ibig kong sabihin?"
"Mr. Sy wala ng maraming tanong. Paandarin mo na ang sasakyan may pupuntaha tayong masaya." Ngisi nitong sabi.
Habang nagmamaniho si Harold ay may hinahalungkat naman ang kanyang bakanting kamay.
"Hinahanap mo ba tu Mr. Sy?"
Tumingin sya sa salamin na nasa harap niya upanf makita niya ang sinasabi ng babae.
"Tss. Bilib na talaga ako sayo." Iling nitong sabi.
"Salamat. Dito na tayo." Signal nya kay Mr. Sy.
"Ano, dito?"
"Bakit? Anong masama dito? Ayaw mo ba sa sementeyo Mr. Sy?
"Anong gagawin natin dito?"
"Ako kunti lang naman pero ikaw marami."
Naglakad sila papasok sa sementeryo. Naunang naglakad si Harold Sy habang tinutokan siya ng baril sa babaeng nakasunod sa kanya.
"Bakit may pala at semento dito?" Taka na tanong ni Mr. Sy pagkarating nila sa loob ng sementeryo.
"Para sayo yan." Simpleng sagot ng babae.
"Ano, ililibing mo akong buhay?" Tawa nitong tanong pero kita pa rin sa mukha nya ang takot at kaba.
"Hindi na man ako ganon kasama Mr. Sy. Una maghubad ka, pangalawa kita mo yang upoan umupo ka dyan lagyan mo ng semento mga paa mo hanggang tuhod tapos pangatlo iposas mo ang iyong sarili."
"Ano, baliw ka ba?"
"Gagawin mo o ililibing talaga kitang buhay?" Banta nito.
Dahil sa takot ni Mr. Sy ginawa niya ang gusto ng babae naghubad siya, umupo siya sa silyang kahoy na katabi ang bagong masa na semento, sinemento at pinosas ang kanyang sarili.
"Anong mangyayari sa akin? Bakit may camera?" Tanong nya nang nakita nyang may siniset up na camera ang babae.
"Simple lang sabihin mo lahat ng ginagawa nyo sa akin ng gabing yun, sabihin mo lahat ng kademonyohang ginagawa nyo." Sabi nito sa mahinang boses pero kita pa rin ni Mr. Sy ang galit sa mga mata ng babae.
"Kung hindi ko gagawin yan anong mangyayari?"
"Babalatan lang na man kita at pag hiwahiwain hanggang sa magsalita ka." Sabi nito sabay pakita nya sa kanyang dart knife na palagi nyang ginagamit.
"Hindi ako mag sasalita." Pagmamatigas nito.
"Mapilitan akong gawin tu sayo." Agad nitong pinalipad sa ere ang hawak na dart knife at sapul ang kaliwang braso ng lalaki.
"Aaahhhhh! T*ng ina! Aaahhh!" Sigaw nito.
"Ano? Magsasalita ka o hindi?" Sabay hugot niya sa kutsiyong nakabaon sa braso ng lalaki.
"Kahit anong gawin mo hindi pa rin ako magsasalita." Pagmamatigas pa rin nito.
"Okay." Mabilisan niyang ibinaon sa kaliwang hita ng lalaki ang dart knife.
"Aaaahhhh, walang hiya kaaaa!" Sigaw ulit nito.
Sinubukan nitong gumalaw para masuntok ang babae ngunit hindi niya maabot dahil sa nakasemento ang kanyang paa at nakaposas ang kanyang mga kamay dahilan upang nahihirapan syang gumalaw.
"Ayaw mo talagang sabihin?"
"Hindi ako magsasalita!"
"Hindi talaga?" Binigyan sya ng dalawang magkasunod na sipa sa mukha ng babae.
"ANO?" Akmang susuntokin na sana sya ng babae nang bigla syang nagsasalita.
"Magsasalita na ako." Mabilisan nitong tugon.
"Simulan mo na ng hindi ko tuloyang mabasag ang mukha mo."
Lumapit ang babae sa nakaset up na camera at pinindot ang start recording botton. Umupo ang babae sa malapit na nitso at hinihintay ang pag amin ni Mr. Sy sa harap ng camera.
"A-ko si Harold Sy. Magkaibigan kami nila James, Robert, Martin at Marcos..." pasisimula nito.
- - -
Habang nasa kanyang silid si Lolita seryoso nyang pinanood ang isang video. Hindi nya alam na nanonood pala sa kanya ang kanyang ama dahil nakalimutan nyang isara ang pinto.
- - -
Nagising si Philip ng marinig nya ang sigaw ng kanilang katulong.
"Anong nangyari yaya?" Taranta nitong tanong.
"Sir si Harold Sy na-nasa TV. Bilis tingnan mo sir." Kaladkad ng katulong sa kanyang amo papunta sa hatapan ng TV.
"A-ko si Harold Sy. Magkaibigan kami nila James, Robert, Martin at Marcos. Nakagawian ba naming mangbiktima ng mga babaeng taga probinsya na bagong santa lang sa syudad natin. Sasaktan at gagasahasain namin ang biktima ng paulit-ulit. Kapag nagsawa na kami papatayin namin at itapon sa tambakam ng basura. Isa sa mga biktima namin ang na buhay at ang may kagagawan nito sakin at sa mga kaibigan ko."
Hindi maipinta ang mukha ng katulong nila Philip habang nakatingin sa mukha at kalagayan ni Harold. Kita nilang basag ang mukha ni Harold puro dugo habang nakasemento ang paa.
"Una na ming na biktima yung babaeng nagtatrabaho sa isang restaurant, yung iba hindi ko na matandaan. Pero kahit magsisi man ako sa ginawa namin o hindi alam kong mamamatay pa rin ako." Pagpapatuloy ni Harold.
Napakuyom ng kanyang kamao si Philip sa kanyang nakita hindi dahil naawa siya ni Harold kundi dahil napatunayan na talaga nya at sigurado na syang sila Harold ang gumahasa at pumatay sa kanyang ate.
"Pero kahit mamatay man ako hindi ako hihingi ng tawad hindi rin ako nagsisisi sa ginagawa ko." Tumawa ito habang nagsasalita.
"At nakuha mo pang tumawa hayop ka!" Tiimbagang sambit ni Philip.
Napatakip ng bibig ang katulong sa kanyang nakikita kitang kita nya na pinaulanan ng bala si Harold sa babaeng nakatalikod sa camera.
- - -
Iba-iba ang komento ng mga tao sa kanilang napanood sa TV. Ngunit maraming nasiyahan dahil nabawasan na ang mga salot sa lipunan.
- - -
"Salamat, anak." Sabi ni Philip habang niyakap niya si Lolita na nakatalikod.
"Saan po?" Kunot noong sagot ni Lolita sa kanyang ama.
"Sa pagbigay ng hustisya sa aking kapatid." Maluhaluha nitong sabi.
"Hindi po kita maintindihan, ama."
"Alam kung ikaw ang babaeng iyon." Tapik nito sa balikat.
"Po?"
"Alam ko lahat ng plano mo. Alam kung wala kang amnesia. Alam kong alam mo na hindi kita anak. Lahat ng lakad mo sinusundan kita hindi ko nga lang alam kung paano mo sila pinatay." Pinahid muna nito ang mga luha. "
BINABASA MO ANG
TUNOG NG KAMATAYAN
Mystery / ThrillerISANG TAONG NAGBAGO SA KANYA ANG LAHAT. GUMUHO ANG MGA PANGARAP AT NAPALITAN NG GALIT AT PAGHIHIGANTI. KADA BUWAN MAY MAMATAY SA PAREHONG PETSA, ARAW, ORAS AT SA PAREHONG PARAAN. MAGBAYAD, ANG DAPAT MAGBAYAD! SINGILIN ANG DAPAT SINGILIN! "WALANG LUG...