Someone's POV:
"Hindi pa rin ako makapaniwala Philip na ang tinaguriang "The untouchable persons" sa lugar natin unti-unting nalalagas." Sabi ng kaibigan ni Philip.
Naglalakad sila ngayon papunta sa kanilang mga sasakyan galing sila sa presento.
"Talagang may kanya-kanya tayong araw Jack." Sagot ni Philip.
"Grabe! Pareho ang araw, petsa, oras at pamamaraan ng pagpatay, paano nya kaya ginagawa yun?"
Hindi pa rin makapaniwala si Jack sa nangyaring krimen sa kanilang lugar at saktong ang mga tao pang naghaharian at halos kinamumuhian ng lahat lalo na ang mga taong naagrabyado sa mga ito.
Huminto si Jack sa paglalakad kaya napahinto na rin si Philip.
"Tingin mo, Philip sino kayang may kagagawan sa lahat ng ito?"
"Wala pa akong lead. Oh sya umuwi kana lagot ka na naman sa asawa mo." Tawa nitong sabi papasok sa sasakyan nya na tila ba'y ayaw na nyang humaba pa ang usapan nila tungkol dito.
Naunang umalis si Jack sakay ng kanyang sasakyan.
"Pasensya ka na Jack kahit magkaibigan tayo hindi kita pweding pagkatiwalaan." Bulong ni Philip habang nakatingin sya sa papalayong sasakyan ng kanyang kaibigan.
- - -
"Ma'am aalis ka po?" Tanong ng katulong nang makita nyang bihis na bihis ang kanyang amo.
"Ah oo, yaya. Dyan lang ako sa may bagong bukas na resto." Ngiti nitong paliwanag.
"Eh ma'am sa pagkakaalam ko wala na mang bagong bukas na resto dito." Pag-uusisa nito.
Ngumiti lang ang kanyang amo bilang sagot sa kanya at umalis na. Napakamot na lamang ang katulong sa kanyang batok.
- - -
"Good evening sir, more drink?" Bati ng waitress kay Governor Martin Dela Cruz.
"Sir?" Tanong ulit ng waitress nang hindi ito umimik dahil nakatuon lang ito sa babaeng sumasayaw sa stage.
Nasa isang bahay aliwan ang hayok sa laman na si Governor Martin Dela Cruz kasama ang kanyang tatlong body guards.
"Sino sya?" Tanong nya sa waitress.
"Ah, hindi ko alam ang pangalan pero balita ko bago yan dito." Pagbigay impormasyon nya.
"Sabihin mo sa manager nyo na gusto ko sya." Ngiti nitong sabi.
"Sige po."
- - -
"Good evening sir!" Bati ng katulong sa amo nyang si Philip.
"Good evening, manang! Si Lolita saan?" Tanong nito.
"Umalis po sir. Sabi nya po pupunta lang daw sya sa bagong bukas na resto eh wala na mang bagong bukas."
"Ganoon ba!" Sabay talikod nya sa kanilang katulong.
"Sir, aalis ka? Kararating mo lang eh?"
"Oo, may nakalimutan lang ako." Sagot nitong habang nagmamadaling lumabas.
"Ang weirdo talaga nila." Napailing na lang ang katulong.
- - -
Pagkapasok na pagkapasok ni Dela Cruz sa kwartong nirentahan nya agad nyang sinunggaban ng halik ang babaeng sumasayaw kanina sa stage.
"Not so fast, mmmm!" Sabi ng babae sabay tulak nya ni Dela Cruz dahilan upang mapahiga ito sa kama.
"Balita ko bago ka pa lang pero parang kakaiba ka." Ngisi nitong tugon.
BINABASA MO ANG
TUNOG NG KAMATAYAN
Mystery / ThrillerISANG TAONG NAGBAGO SA KANYA ANG LAHAT. GUMUHO ANG MGA PANGARAP AT NAPALITAN NG GALIT AT PAGHIHIGANTI. KADA BUWAN MAY MAMATAY SA PAREHONG PETSA, ARAW, ORAS AT SA PAREHONG PARAAN. MAGBAYAD, ANG DAPAT MAGBAYAD! SINGILIN ANG DAPAT SINGILIN! "WALANG LUG...