Someone's POV:
Pagkauwi ni Philip sa bahay nila. Dinaanan muna nya ang kwarto ni Lolita upang silipin kung umuwi na ba.
"Tulog ka lang ng mahimbing, Lolita matatapos din ang lahat." Sambit ni Philip ng makita nyang tulog na tulog ang kanyang anak.
Habang nasa balkonahe si Philip hindi nya maiwasang maisip ang kanyang Ate.
"Isa-isa na silang nagbabayad ate!" Bulong ni Philip sa hangin na para bang naririnig sya ng kanyang ate sa pamamagitan ng pagbulong nya.
Biglang nanumbalik ang mga nangyayari noon sa isipan ni Philip.
***
"Aling Sinet, hindi pa po ba tumawag si ate sayo?" Tanong ni philip sa kapit bahay nilang may telepono kung saan palaging tumawag ang kanyang ate para magkausap sila.Nasa manila ang kanyang samantalang si Philip ay naiwan sa kanilang probensya. Kahit mahirap sa kanila na mahiwalay sa isa't isa kinakaya nila upang umangat na man ang kanilang estado sa buhay.
Nagtatrabaho ang kanyang ate bilang tagaluto sa isang restaurant habang pinapaaral niya si philip sa highschool.
"Nako! Philip, hindi pa nga eh, nag aalala na ako sa ate mo tatlong linggo ng hindi tumawag."
"Ako nga rin po. Nagtataka nga ako dahil hindi yun mapakali kung hindi makatawag sa akin."
"Philip, may sulat ka binigay sakin yan kanina ng mensahero." Hingal na pagbibigay alam ng kaibigan ni Philip.
"Kanino daw? Baka kay ate yan." Excited na tugon ni Philip.
"Eh, bakit hindi na lang sya tumawag dito?" Pagtataka ni aleng sinet.
Agad nyang binuksan ang sulat upang malaman kung kanino galing.
-Ako si Mela, kaibigan ako ng iyong ate sumulat ako sayo upang ipaalam na wala na ang iyong ate. Isang gabi pauwi na sya galing sa trabaho, ginahasa sya at pinatay. Siguro sa oras na mabasa mo ito ay nailibing ko na ang iyong ate. Wag kang mag alala may pera syang tinabi para sa iyong pag-aaral. Tapusin mo daw ang iyong pag-aaral nang mabigyan ng hustisya ang kanyang kamatayan. Iyan ang kanyang kahilingan."
Pumatak ang luha sa mga mata ni Philip sa nalaman. Hindi sya makapaniwala na ang kaisa-isa nyang pamilya ay wala na. Ang ate nyang mapagmahal, maaruga at para sa kanya ang ate nya ang pinaka the best ate sa buong mundo.
***
"Pa, ayos lang ba kayo?" Tanong ni Lolita ng makita nya ang kanyang ama na malalim ang iniisip."Ah, oo." Kurap-kurap niyang sagot.
"Bakit gising pa kayo? Bumangon lang ako para uminom ng tubig at nakita kita rito."
"Ano, may iniisp lang, wag mo na akong alalahanin. Ikaw okay ka lang ba naging busy ka simula noong mga nakaraang buwan."
"Oo na man po." Sagot nito habang hindi makatingin ng deritso sa kanyang ama.
- - -
"Ma'am, nakita ko tu sa kwarto mo?" Sabay taas ng katulong sa kanyang kamay na may hawak na bagay.
Napataas ng ulo si Lolita, biglang nag iba ang reaksyon nya nang makita niyang isang dart knife ang hawak ng katulong.
Nasa hapag kainan sila ngayon ng kanyang amang si Philip kumakain ng agahan.
Tumingin muna si Lolita sa kanyang ama bago sumagot.
"Ah oo, napanalonan ko yan don sa bagong resto noong nakaraan, amm, may pacontest kasi sila tapos ako yung nanalo." Paliwanang nito.
BINABASA MO ANG
TUNOG NG KAMATAYAN
Mystery / ThrillerISANG TAONG NAGBAGO SA KANYA ANG LAHAT. GUMUHO ANG MGA PANGARAP AT NAPALITAN NG GALIT AT PAGHIHIGANTI. KADA BUWAN MAY MAMATAY SA PAREHONG PETSA, ARAW, ORAS AT SA PAREHONG PARAAN. MAGBAYAD, ANG DAPAT MAGBAYAD! SINGILIN ANG DAPAT SINGILIN! "WALANG LUG...