"Tinext ko si Era tsaka si Yassi, papunta na sila dito. Si Yassi mahuhuli ng konti kasi hindi pa umaalis yung prof niya." Ani Chanel.
Nandito kaming dalawa sa may quadrangle dahil may gala daw kami mamaya. Busy si Chanel mag cellphone habang ako ay gumagawa ng thesis ko para sa defense sa thursday. Nag aya kasi si Era na mag ba-bar daw kami, actually pag bar ang pinag uusapan ay ayokong pumunta dun. Bukod sa iba't-ibang saring amoy ng alak ay hindi ko din gusto ang matao. Hindi ako manang dahil marunong naman ako sa mga fashion, pero sadyang hindi ko trip ang mga bar. Si Era tsaka si Chanel ang mahilig mag bar. Si Yassi naman ay gitna lang sa amin. Lagi siyang go with the flow.
Magkakaibigan na kami since highschool. Ngayon ay third year college na kami. BS Management ang course ko. Si Era ang mas matanda saming apat.
"Sensya na mga bitch, I'm late." Ani Era na kakadating lang.
"It's okay. Halos mamatay lang naman ako sa inip dahil itong si Kleo ay busy sa thesis niya." Umirap si Chanel.
Niligpit ko yung papers ko pati laptop. "Alam mo ikaw? Napaka sinungaling mo! Tinatanong kita kanina kung okay ka lang ba diyan. Tapos sabi mo, oo tuloy mo lang yan! Sapakin kaya kita!" Sabi ko habang inilalagay sa aking bag ang laptop.
"Oa ka lang kamo! Panget mo!" asar ni Era kay Chanel. "Nasan si Yassi pokis?" Hanap niya kay Yassi.
Ganyan talaga ang bunganga ni Era, walang preno kung magsalita. Sanay naman na kami kaya okay lang, Tsaka alam naman namin na ganyan siya magbiro.
"Saan ba gimik niyo?" Tanong ko.
"Atat Sis? Intayin muna natin si Yassi." Ani Chanel.
Maya-maya ay dumating na din si Yassi, hinihingal pa siya dahil tumakbo siya papunta samin.
"Sa Clarkson Bar tayo mamaya. Kasi baging bukas yun malapit sa condo ni Kleo." Simula ni Era.
"Nakahingi na ko kay Stanly ng Vip!!" Masayang Sabi ni Chanel. Tumili naman si Era at Yassi.
"Wait?! Oh my god? The football player?" Gulat na tanong ni Yassi.
"Uhuh!" Ani Era.
Napa wow si Yassi. Si Stanly kasi ay sikat na football player dito sa Fatima University. Well aaminin ko din naman na ang gwapo niya, pero hindi ganun ang mga type ko dahil mayabang.
"Sa condo ni Kleo mamaya. Mag se-sleep over ako dun kle." Ani Era.
Tumango lang ako. "Kahit hindi ka na magpaalam, nandoon ka naman lagi eh."
"Ayaw mo? Sumbong kita kay Tita!" Pananakot niya.
Pinsan ko kasi tong si Era. Sa bahay na siya nakatira kasama si Lemuel, kapatid niya. Since ang mga parents niya ay hindi naman kasal. Si Tita Princess ay nasa bagong asawa. Habang si Tito Jude ay nasa bahay lang kasama ni Mommy sa business.
Pati sila Chanel at Yassi ay dun na din matutulog. Mag pinsan din silang dalawa. Paniguradong mamaya ay sa kwarto ko sila matutulog. Pero okay lang naman dahil kasya kaming apat sa kama.
Pagkatapos ng huling klase ay nagkita-kita kami sa parking lot. Ako ang nagdala ng kotse pati si Yassi. Pagkadating naming condo ay naligo agad si Era. Alas sais na kasi natapos ang klase namin, eight daw ang bukas ng bar kaya kailangan daw magmadali. Naka backless top ako na kulay puti at naka high waist pants. Pinarisan ko siya ng 5 inches heels. Nag light make-up lang ako dahil gabi naman at walang makakapansin sa akin. Hindi naman talaga ako marunong dati, pero dahil may pinsan akong nuknukan ng arte ay walang akong choice kundi matuto. Tsaka okay na din na marunong ako dahil magagamit ko naman 'to.
BINABASA MO ANG
Kleyaranel (Kleo Monteverde)
General FictionKleo Monteverde is a simple girl. Mas focus siya sa kaniyang studies dahil sa company nila. Sa kanilang magkakaibigan ay siya ang mabait at maalalahanin. Ang mga kaibigan niya ay mahilig gumimik sa kung saan. Kahit hindi niya gusto ay go na lang si...