Chapter 7

13 0 0
                                    

"Pumapayag ka na ba?" Kinakabahang sabi niya.

Tinitigan ko siya, hindi ko alam na magkakagusto ako sa lalaking to. Sabi ko pa na hindi ko siya magugustuhan dahil ang yabang niya. Pero ako, nasa harap niya na handa nang magpaligaw.

Ngumiti ako bago tumango. Lumaki ang mata niya at dali dali akong niyakap.

"Yes!" Masayang sabi niya habang yakap yakap ako. Kaya napangiti na rin ako at tumugon ng yakap.

Bumitaw siya ng yakap at tiningnan ako sa mata. Hinawakan niya ang pisnge ko at tsaka ito hinaplos haplos.

"I love you....." He whispered.

Unti unti niyang inilapit ang mukha niya para maabot ang aking mga labi. Pumikit ako at hinigpitan ang hawak sa flowers. Kahit hindi na ito ang unang halik namin pero feeling ko ay ito ang una.

Tuluyan ko nang naipikit ang aking mga mata ng maglapat ang aming mga labi. Maharan ito at talagang hawak niya ang ang aking pisnge.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa bawat galaw ng aming mga labi. Siya ang una kong halik pero parang expert na ko dahil nakakasabay ako sa halik niya. At hindi man lang niya napansin na first time ko ito. Kahit hindi naman ito ang first time ko. Nung sa bar una kaming nag share ng laway!

Ewwww!!!!!

Ako ang unang bumitaw dahil nawalan na ko ng hininga. Pinalo ko nga siya ng tawanan niya ko. Inilapag ko ang bulaklak na hawak ko bago pagmasdan ang buong kwarto.

"Sinong nag design nito?" Tanong ko habang nililibot ang aking paningin sa mga lobo.

"Ako!" Proud na sabi niya.

Nilingon ko siya at nanlaki bahagya ang aking mata. "Legit?! Baka naman niloloko mo ko ha?" Niliitan ko pa siya ng mata.

"Luh! Babe, ako nga nag ayos lahat niyan! Promise pa sa promise." Itinaas niya pa ang kamay niya na parang nag papanatang makabayan. Kulet!

Tumawa ako. "Oo na! Baka umiyak ka eh! Tara sa kitchen kainin natin tong cake." Kinuha ko na yung cake na nasa kama.

"Iba ang gusto kong kainin." Aniya.

Kumunot naman ang noo ko. Ano, ako lang ang kakain nito?! "Huh?! Bakit? Ayaw mo ng flavor nito?"

Parang bata siyang tumango. "Ikaw ang gusto kong kainin. Mas masarap ang flavor mo kesa diyan sa cake! Rawwr!!"

PUTANGINA?!

"STANLY!!! NAPAKA BASTOS MO!!!!" hinabol ko na siya dahil lumabas na siya habang tumatawa.

Nanliligaw pa lang siya niyan ha! Eh pano pag kami na?! Jusko! Nandidiri ako sa naiisip ko!

Sa monday ay maaga akong pumasok sa school dahil ngayon ko ipapasa yung thesis ko. Pagkalabas ko pa lang ng faculty ay nakita ko na agad sila Era.

"BITCH!!!" sigaw ni Chanel bago ako yakapin.

Niyakap din ako ni Yassi at Era. "Sabay tayong mag lunch mamaya? May chika ako!" Maingay na sabi ni Chanel.

"Kelan ka ba hindi nawalan ng chismis?" Sarkastikang sabi ni Era.

"Nadali mo!" Sang ayon ni Yassi.

"Putangina niyo!! Sagad!!" Inirapan sila ni Chanel.

"Una na kami girl! Kita na lang sa cafeteria." Paalam ni Era. Tumango ako bago dumertso sa unang klase ko.

Hindi pa ko tuluyang nakakapasok ay nakita ko na si Stanly sa pintuan ng classroom ko habang nakapamulsa. Mukhang iniintay ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kleyaranel (Kleo Monteverde)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon