Chapter 6

17 0 0
                                    

Nandito ako sa library para sa papers na pinapagawa ni Sir Darwin. May meeting kasi siya kaya pinapunta niya kaming library.

"Kleo." Napalingon ako kay Rose na kakaupo lang sa tabi ko. She's my classmate.

"Kayo na ba ni Stanly? Nakita ko kasi kayo nung Saturday nung fatima party." Sabi niya.

Napalunok naman ako. "Hindi. We're just friends." Pilit akong ngumiti bago tingnan yung librong nasa harapan ko.

"Hindi daw? Ang sweet niyo nga nung party eh! Ang dami ngang  nagsasabi na kayo na daw eh."

"Hindi nga." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa libro.

"Okay sabi mo eh!" Aniya bago tumayo.

Napabuntong hininga naman ako dahil alam na ata ng lahat na may something samin ni Stanly. Hindi ko siya nakita ngayong araw. Mas okay na din na hindi na siya magpakita para hindi na ko masaktan. Ayokong magustuhan siya lalo dahil sa huli ay ako ang kawawa.

Tinapos ko na agad kaya ako ang unang nakalabas. Meron pa kong 30 minutes bago ang next class ko. Pupunta na lang ako sa canteen dahil nakaramdam ako ng gutom. Hindi na kasi ako nakapag breakfast dahil na late ako ng gising.

"Kleo!" Napalingon ako sa kumalabit sa akin. Napangiti ako ng makita si Yassi.

"Hey. Wala kang klase?" Tanong ko sa kaniya bago kunin yung tray.

"Wala. Kakain din ako! Hindi ako nakakain sa bahay eh." Aniya bago sabihin kay ate yung pagkain niya.

Kaya inintay ko pa siya bago kami naupo. "Girl! Kalat na sa buong campus na may something kayo ni Stanly." Panimula niya.

"Masyado kasing bulgar ang isang yun! Grabe makayakap! Kala mo kayo talaga!" Dugtong niya bago sumubo.

"Hayaan mo na! Mawawala din ang issue na yun." Sambit ko bago sumubo.

Kumunot ang noo niya kaya nagtaka ako. "Hindi mo pa siya nakikita?" Tanong niya.

Umiling ako bago ulit sumubo. "Na Ghost ka girl! Diba? Sabi na eh! Masakit magkagusto sa babaero! Nalaman mo na kasi ang plano niya kaya lumayo. Tsk tsk tsk." Sabi niya habang umiiling.

Napanguso naman ako. "Makapag salita ka! Na ghost ka rin naman!" Sabi ko.

"Luh! Parang ikaw pa ang hindi nakaka move on kesa sakin ah?" Sarkastikang sabi niya.

Inirapan ko na lang siya bago sumubo. Una siyang umalis dahil pupunta pa daw siyang library. Umalis na din ako dahil p.e na ang susunod kong klase. Inilagay ko muna sa locker ko yung bag ko bago magbihis.

Naabutan ko sila leyza at stacy na kakatapos lang magbihis.

"Bihis ka na. Sabay tayong pumuntang gymnasium." Sabi sakin ni Leyza. Tumango lang ako sa kaniya bago pumasok sa cr.

Pinusod ko ang aking buhok pero naging messy bun siya. Kulay gray at green ang kulay ng pe uniform namin. Paglabas ko ay tapos na sila.

"Tara na." Kumapit sila sa braso ko. Silang dalawa ang close ko sa loob ng room. Kung wala sila Era ay sila ang kasama ko.

"Kayo na ni Stanly?" Kilig na tanong bigla ni Leyza habang naglalakad kami.

Napatingin ako sa kaniya bago umiling. "Hindi." Tanggi ko.

"Indenial ka! Gwapo kaya ni Stanly. These past few days nga ay hindi ko na siya nakikita na may kasamang girl. Kaibigan niya kasi si Kuya kaya nakilala ko na siya. Oo babaero siya pero ngayon ay wala na siyang babae na kasama bukod sayo." Sabi ni Stacy bago bumalik ang tingin sa dinadaanan.

Kleyaranel (Kleo Monteverde)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon