Chapter 2

13 1 0
                                    

Ang sakit ng ulo ko pag gising ko. Halos hindi ako makabangon sa sakit ng ulo ko. Pinilit kong tumayo dahil gusto kong maligo. Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako. Wala akong maalala kagabi dahil ata sa sobrang kalasingan. Ang huling natatandaan ko ay yung pinainom ako ni Era ng alak then after that wala na kong maalala.

Pag labas ko ay wala ng tao kaya nagluto ako ng tinola para sa kanila. Uminom na din ako ng pain reliever para sa ulo ko dahil sobrang sakit. Saktong kakatapos kong magluto ay sabay-sabay silang lumabas.

"Kain na guys. Para bawas hangover." Nakangiting sabi ko.

Kumunot ang noo ko dahil nakangisi silang lahat sa akin, na parang may ginawa akong kalokohan. Alam nilang tatlo na hindi ako mahilig gumawa ng kalokohan.

"What's with that face? Ang cre-creepy niyo." Ani ko bago umupo at himigop ng sabaw.

"Ganto pala epekto ng halikan niyo ah."

Napatingin agad ako kay Era sa sinabi niya. Anong sinasabi niya?! Kahalikan?!

"What are you talking about?!" Naguguluhang sabi ko.

"Nag ka amnesia ka ata? Wala ka bang naaalala sa ginawa mo kagabi?" Ani Chanel.

Oh my god?! Anong ginawa ko kagabi?!

"What?! Anong ginawa ko?! I swear, wala akong maalala." Natataranta na ko dahil baka malaman ni Mommy jusko.

"As in wala talaga?! Magkaka jowa na sana ako kaso nakita kitang kahalikan mo si Stanly kaya inuna kita." Ani Yassi.

"Tapos sabi ni Era na nagmimilagro kayo ni Stanly." Dugtong niya pa.

OH MY GOD?! STANLY?! KAHALIKAN KO KAGABI?!

pilit kong inisip yung nangyari kagabi. Tuluyang nanlaki ang mata ko ng maalala ko yun.

"Oh my god! Ayoko na! Bakit ko ginawa yun?!" Sigaw ko sa sobrang taranta.

"Pokis ka! Marunong ka na pala humalik ah? Welcome to the club bitch." Ani Era at nagtawanan sila.

"Atleast naka experience ka na. Hindi ka na manol haha." Ani Chanel.

"Dapat pinigilan niyo ko. Lasing ako nun at hindi ko alam ang ginagawa ko. My god I really hate alcohol." Sabi ko bago tumayo at pumunta sa kwarto ko.

Nagtalukbong ako ng comforter. Naiiyak ako sa hiya bwisit. Bakit ko ginawa yun?! Jusko sa lalaking kinaaayawan ko pa. Nagka jowa ako pero hindi ako nagpahalik ni isa sa kanila. Tapos ang hahalik lang sakin ay yung lalaking babaero na yun?! Hindi ako gumalaw ng lumubog ang kama ko.

"Kle, sorry. Sana hindi ka namin hinayaan." Ani Era.

"Dapat nung nakita ko na kayo sa dancefloor ay dapat inalis na kita dun." Ani Yassi.

"Don't worry, di na tayo mag ba-bar." Ani Chanel.

"Bakit kaya mo?" Kontra ni Era sa sinabi ni Chanel.

"Hehe, hindi." Ngiting aso si Chanel.

Natawa ako kaya inalis ko yung comforter. Nakanguso sila ng makita ako.

"Sorry." Sabay-sabay na sabi nila. Niyakap nila ako kaya napatawa ako.

"Hey, okay na. Nahiya lang ako sa ginawa ko." Ani ko.

"Talaga? Sa 'min ka pa talaga nahiya?" Asar ni Era.

"Sa sobrang supportive mo ay hinayaan mo kong gawin yun." Singhal ko sa kaniya.

"Ayaw mo nun? Para naka experience ka din." Ani Yassi.

"Sabihin mo? Masarap ba siyang humalik?" Asar ni Era.

Kleyaranel (Kleo Monteverde)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon