"Tigang ka na naman ano? Hanap ka babae dito. Marami dito oh!" Sabi ko bago ituro lahat ng babaeng makita ko.
Hinila niya ko paalis doon. "Ayoko sa kanila." Aniya. Hindi ko makita reaksiyon niya dahil nakatalikod siya.
"Arte mo! Andaming magaganda oh."
Tumigil siya bago ako nilingon. Tumaas ang kilay ko ng makitang seryoso siya.
"Bakit?" Nakangusong tanong ko.
"Anong silbi ng ganda nila kung ang mata ko ay ikaw lang ang nakikita."
Umiwas agad ako ng tingin. Di ako ready nun ah! Namumula ata ang mukha ko. Pero madilim naman kaya hindi na niya siguro mapapansin.
"Nice jo-joke." Peke akong tumawa.
"Kinilig ka ba?"
Inirapan ko siya. "Hindi." Kahit sa totoo ay hindi na ko magkandaugaga. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Bakit ang tagal niy--- ohh?"
Kinuha ko agad ang kamay ko. Hindi ko namalayan na nasa harap na kami ng table.
"Bakit magka holding handds?" Asar sakin ni Era na may hawak na bote.
"Oo nga? Ano na bang status niyo? Isa sa mga rule natin ang no secrets to each other right?" Ani Chanel.
"Paupuin niyo muna si Kleo. Bago niyo tanungin." Ani Yassi.
Dali-dali naman akong pinaupo ni Era at Chanel.
"Spill the bean girl." Ani Chanel.
Napailing na lang ako dahil sa dalawang to. Si Yassi din ay nag iintay ng sasabihin ko.
"Walang kami okay? We're just friends." Sabi ko.
Nakatinginan silang tatlo kaya kumunot ang noo ko.
"Ahh. Friends with benefits." Sabay sabay nilang sabi.
"Hindi rin." Tanggi ko.
"Ahh. Same feelings but no label." Sabay ulit nilang sabi.
Nasapo ko na lang ang noo ko. "Hindi ko siya gusto." Kunwaring nandidiri ako.
Nag make face silang tatlo. "Talaga ba?" Pang aasar ni Era.
Tumango ako dahil ayoko ng magsalita.
"Ay hindi naman pala. Oh dahil diyan inumin mo 'to." Ibinigay sakin ni Chanel yung baso ng alak na may yelo.
Ngumiwi ako. "Bakit ang dami?!"
"Tanga. Dahil sa yelo."
"Natanga pa ko ah?" Inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako.
"Sorry." Nag peace sign pa siya bago tunggain yung basong nasa isa niyang kamay.
"Boys hunting?" Pag yayaya ni Chanel.
"Pass." Ani Era bago uminom.
Napa ohh si Yassi tsaka si Chanel. "Himala! Bakit kaya?!" Asar ni Chanel sa kaniya.
Nag middle finger si Era bago tumungga. "Ipagpasalamat na lang natin na nagbago na ang ating Era." Ani Yassi.
"Rest day ko ngayon." Ani Era.
Ngumiwi si Chanel. "Kaya naman pala." Sabi niya.
Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. Sabi ko na eh! Napahinto kami sa tawanan ng biglang tumabi sa akin si Stanly.
"That's enough." Inagaw niya sakin yung boteng hawak ko.
"Strict si boyfriend." Pang aasar ni Era.
BINABASA MO ANG
Kleyaranel (Kleo Monteverde)
Fiction généraleKleo Monteverde is a simple girl. Mas focus siya sa kaniyang studies dahil sa company nila. Sa kanilang magkakaibigan ay siya ang mabait at maalalahanin. Ang mga kaibigan niya ay mahilig gumimik sa kung saan. Kahit hindi niya gusto ay go na lang si...