Chapter 4
"Yassi, walang kami okay?" Paliwanag ko.
Ito na nga ba ang sinasabi ko e! Pahamak talaga tong isang to.
"Anong hindi kayo? E bakit nakayakap siya sayo?" Takang tanong niya bago ngumisi.
"Wag mo nang ideny Kle! Congrats! May jowa ka na ulit! After 3 years." Niyakap niya ko kaya wala na kong nagawa.
Ipapaliwanag ko pa sana sa kaniya pero umalis na siya para sa susunod niyang klase. Bumili lang siya ng frappe bago pumasok.
Masama kong tiningnan si Stanly na ngayo'y nakangiting aso habang nakatingin sakin.
"Anong ngini-ngisi mo?! Tigilan mo yan! Mukha kang tanga." Inirapan ko siya bago ligpitin ang laptop ko. Kinuha ko na din yung frappe ko. Mabuti na lang ay naubos ko na din yung cake tsaka brownies kaya pwede na kong gumora.
"Hey? Where are you going?" Tanong niya.
"Sa malayo sayo!" Sigaw ko.
Tumakbo na ko para di niya ko maabutan.
"Yan na ba pinaka mabilis mo?"
Napalingon ako sa kaniya. Hinihingal ako na huminto dahil naabutan niya ko. Runner ba siya?
"Ano ba?! Bakit mo ba ko sinusundan?!" Singhal ko.
"Ihahatid na kita sa next class mo." Aniya bago hawakan ang kamay ko.
Hinigit ko ang kamay ko pero nahawakan niya pa rin.
"Bitawan mo ang kamay ko." Sigaw ko.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan din ako at the same time. Bakit ko ba 'to nararamdaman?
Hindi na ko nagpumiglas dahil ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. Pero hindi naman ako nasasaktan. Hindi siya nagsalita hanggang makarating na kami sa lab kung saan ang klase ko.
"Umalis ka na." Pagtataboy ko.
Tumango siya habang nakapamulsa. "Are you going to the party later?" Tanong niya.
"Baka hindi na ata. Bakit?" Tanong ko.
Umiling siya. "Nothing. Pasok na." Ngumiti siya kaya muling tumibok ng mabilis ang aking puso.
Hindi na ata maganda 'to.
Buong klase ay lutang ako. Wala akong naintindihan sa sinasabi ni prof. Palagi siyang pumapasok sa isip ko na pilit kong pinipigilan pero patuloy ko siyang naiisip.
Tamad akong nagligpit ng aking gamit. Gabi na dahil 7:00 na nang gabi. May meeting pa kasi kami kaya inabot ako ng alas siyete.
Kahit sa paglalakad palabas ay lutang ako. Ngumuso ako ng maalala yung nangyari kanina. Bakit ba ko nagkaka ganito? Naiinis ako!
Napahinto ako ng makita siya na nakaupo sa hagdan palabas.
Anong ginagawa niya dito?
"Stanly." Tawag ko.
Napalingon agad siya sa akin. Nilapitan niya ko habang pinapagpagan an kaniyang pantalon.
"Bakit ngayon ka lang?" Inis na tanong niya.
Bakit galit to? Inano ko siya?
"Bakit ka galit? Ngayon lang natapos ang klase ko." Inis na singhal ko sa kaniya.
Jusko! Nagkakasala ko sa lalaking to!
"Akin na gamit mo." Hindi na niya ko pinag intay na pumayag dahil kinuha niya na ito.
BINABASA MO ANG
Kleyaranel (Kleo Monteverde)
Aktuelle LiteraturKleo Monteverde is a simple girl. Mas focus siya sa kaniyang studies dahil sa company nila. Sa kanilang magkakaibigan ay siya ang mabait at maalalahanin. Ang mga kaibigan niya ay mahilig gumimik sa kung saan. Kahit hindi niya gusto ay go na lang si...