Chapter 3

18 1 0
                                    

Chapter 3

"Babe, please talk to me." Malambing na sambit niya.

Jusko! Hindi ba siya nandidiri sa sinasabi niya? My ghad! Kung siya hindi nandidiri, pwes ako oo. Hindi na siya nahiya. Nasa harap kami nila Chanel at Era. May pa babe, babe pa siyang bwiset siya.

Humarap ako sa kaniya bago siya taasan ng kilay. "Alam mo ikaw? Kung tigang ka, maghanap ka ng ika-kama mo! Wag ako!" Bulong ko dahil baka marinig ni Era na nasa tabi ko lang.

Tumawa siya kaya napatingin sa'min sila Steven, pati na rin sila Chanel. Napalunok ako ng wala sa oras.

"Mukhang nagkakamabutihan kayo ah?" Nakangising sabi ni Chanel.

Tumawa si Stanly. "Nadali mo Chan." Mayabang na sabi niya.

Napangiwi ako dahil dun. "In your dreams." Kinuha ko yung bag ko bago tumayo.

"Saan ka girl? Akala ko ba vacant mo pa?" Tanong ni Chanel.

Sasagot na sana ako pero inunahan ako ni Era. "May klase na daw siya. Malapit na mag 1 for her next class." Kinindatan niya ko dahil alam kong gusto kong umalis. Ngumiti ako sa kaniya bago makipag beso sa kaniya.

"Utang yon." Bulong niya habang magkadikit ang aming pisnge.

Inirapan ko siya bago lumapit kay Chanel para bumeso. "Mamaya ah? Puntahan ka namin sa unit mo. Party ulit." Aniya bago ako paalisin.

Gosh! Party na naman! May meeting kasi lahat ng prof para sa programme sa pakalawa. Paniguradong magiging busy na naman ako.

Masaya akong naglakad papalayo sa kanila. Siguro tatambay na lang ako sa starbucks dahil mamayang 3 pa ang klase ko. Walang gate itong school namin, kaya pwedeng lumabas anytime.

Umorder lang ako ng java chip frappuccino tsaka five pieces of fairtrade chocolate brownies. Favorite ko ang brownies. Inilabas ko ang laptop ko para manood ng movie series na pinapanood ko. Tapos na kasi ako sa defense paper ko kaya pa petiks petiks na ko ngayon. Naka earphone ako kaya mas maganda ang panonood ko. Gusto ko sanang umuwi kaso ang baka malate pa ko kung uuwi akong valenzuela. Nandito kasi ang unit ko sa makati. Tuwing weekend lang ako umuuwi sa bahay. Pero minsan ay hindi dahil sa dami ng gawain sa school.

Napaangat ako ng tingin ng may magtanggal ng earphone ko. Tumaas agad ang kilay ko dahil nasa tabi ko na si Stanly. Isinalpak niya sa kaniyang tenga ang isang pares ng earphone. Bago tumingin sa laptop na kunwaring nanonood.

"Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko.

Inosente niya kong tiningnan bago ngumuso. "Kakain? Tsaka nandito ako para samahan ang girlfriend ko." Seryosong sabi niya.

Girlfriend? Siguro ay yung babaeng na kasama niya sa cr nung gabing yun.

"O' eh, bakit ka nandito? Puntahan mo ang girlfriend mo. Ayokong pagbintangan ako na kabit mo." Masungit na sabi ko bago kunin sa tenga niya yung earphone.

"Pinuntahan ko na. Katabi ko na nga." Nakangiting sabi niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Pero hindi ko yun pinansin. Sa mga salita niyang mga ganyan ay madadala na ko? Hell no! Pupusta ako na sinasabi niya din yan sa mga babae niya.

"Tigilan mo ko. Hindi ako pumapatol sa may aids." Inirapan ko siya bago kunagat ng brownies.

"Wala nga akong aids!"

"Baka sa mga past mo na kinama ay baka may aids." Muling sambit ko.

"Wala pa kong naika-kama." Seryosong sabi niya.

Kleyaranel (Kleo Monteverde)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon