Taking advantage
Unang tingin palang alam ko na bakit hindi mo ibigay yan sa mas karapatdapat?
Ang mga sinabi niyan iyon ay namamahay padin sa utak ko 2 araw na ang nakakalipas at 2 araw nalang tapos na kolektahin ang boto lamang padin naman ako kaya talagang naguumpisa nako magkabisado ng lines dahil iyon din ang bilin sakin nila Melliza dahil garantisado na daw na mananalo ako at akin at akin lang ang role kagaya ng unang napagusapan
Ibigay sa mas karapatdapat?
" Hoy Ashrille!!" sigaw ni Aki nagising ako sa reyalidad bigla
Nasa batibot kami silang tatlo ay nagaaral habang ako nagkakabisado ng mga linya ko
" A-Ano? " utal na ani ko
" Ano bang iniisip mo kanina kapa namin tinatawag tulala kalang" inis na ani ni Aki sinulyapan naman ako ni Kleyr at Sai na masama nanaman ang mood
" Ano bang sinasabi niyo kase " inis na bawi ko
" Inaabutan kita ng pagkain tuleg ano bang nangyayare sayo " inis na ani ni Aki
" Wag mong sabihin na si Deluna nanaman ang iniisip mo ? " tanong ni Kleyr diko siya sinagot at napabaling naman ako kay Sai na pinangigilan nanaman ang ball pen nung isang beses nabali niya ang parker pen niya ganoon siya kalakas nakakatakot lang
" Hoy Sai baka mabali mo nanaman yan" ani ko niluwagan niya agad ang hawak niya doon tsaka nagumpisa ulit magbasa
" Guys may itatanong ako sa inyo " seryosong ani ko binalingan naman nila akong tatlo
" Wag lang tungkol sa math baka sapok lang ang isagot ko sayo " ani ni Aki tumawa naman yung dalawa
" Hindi yon bwiset ka talaga ! " inis na ani ko
" Eh ano nga " aniya
" Ano kase hindi bako karapatdapat sa role na Juliet? " seryosong ani ko nagkatinginan naman silang tatlo na parang nagagawa nilang magusap usap sa pamamagitan noon at ako lang ang hindi nakakarelate
" Sinong nagsabi noon sayo! " gitil na ani ni Saiyren parang ready to fight nanaman
Pano niya naman nalaman na may nagsabi non sakin?
" A-Ano wala! , beh ano ba tinatanong ko lang " natatawang ani ko
" Wag mo kaming tokshitin " inis na ani ni Kleyr tsaka sinarado ang libro na hawak
" Sino nga?" ani ni Aki napamaang naman ako sa kanila
" Masama ba magtanong nagtatanong lang naman " pilit na ngiting ani ko
" Hindi mo kami tatanungin nang ganya kung walang nagsabe sayo , hindi ikaw yan Ashwin " may diing aniya ni Aki nagbaba ako ng tingin
" Kahit kailan di ka nawalan ng kompyansang di ka karapatdapat sa kintatayuan mo " dagdag ni Kleyr
" Tsh this is bullshit I have to go " ani ni Saiyren tsaka nagmamadaling iligpit ang gamit
" San ka naman pupunta " ani ko
" Kay Jairus mauna nako " aniya tsaka naglakad palayo
" Kay Jai? wait- , hoy Saiyren ikaw ah kaya mo yan " pahabol na sigaw ko naks lumalablayp pala ang isang iyon
" Don't change the topic sinong nagsabi nun sayo" seryosong ani ni Kleyr
" W-Wala nga " napapahiyang ani ko ayoko sabihin dahil pag nagkataon may panibago nanaman silang dahilan para di gustuhin si Benj para sakin
BINABASA MO ANG
Disdainful Dream (Lincoln Academy Series #3)
Storie d'amoreAshwin Brille Anzures a happy go lucky with a little bit savage kind of girl isa sa mga pinaka sikat na babae sa Lincoln Academy , she has a strong personality and she's very straightforward and loud person in their group she's the most talkative a...