Kirsten POV
Lub dub..
Lub dub..
Payag lang naman siyang ilibre ko ng street food, iyon lang yun pero bakit ang lakas ng tibok ng puso ko.
Hindi ako makapaniwala at parang may bumara sa lalamunan ko kaya di ako makapagsalita. Tumingin ako sa mga kaibigan ko mga nakataas na ang kilay at sa ganong tingin nila ay humihingi na ng paliwanag.
" Ano teh? Anong eksena ng Zaden?at may pag payag na naganap?" nagtataray na sabi ni martina.
" Kasi ano.. Hmm pumayag lang siya kumain ng street food.." sagot ko at natulala na naman nasa isip ko pa din ang gwapo niyang mukha.
" Pumayag siya kumain ng street food? Baka mamatay yon !" hindi makapaniwalang sabi ng madaldal.
Napabungisngis naman yung apat at nanunuksong tumingin sa'kin.
" Inakit mo siyang kumain ng street food? For what? At close na pala kayo ng mayabang na 'yon?" sunod sunod na tanong ni JD , nakatingin lang siya sa pagkain at masama ang tingin niya don.
" Nakakapagtaka nga eh, di naman siya naging mabait kay kikiam at di ba mula grade one palang lagi niyang pinapahiya at inaasar si kikiam" kunot-noo na ani amery may point naman siya don kaya nga kahit ako nagtataka din.
" Binigay niya kasi sa'kin ang lumang cp niya at bilang pasasalamat sabi ko libre ko nalang siya , wala nga akong binanggit na street food pero buti nahulaan niya kasi yon naman talaga ang ililibre ko, iyon lang naman kaya ng budget ko eh! " mahabang paliwanag ko.
" HAHAHAHAHA!!" nagtawanan sila
" A..anong nakakatawa? " inis na asik ko sa kanila.
" Magugulat pa kami kapag sa mamahaling restaurant mo kami ilibre." natatawang sabi ni martina, sinamaan ko naman siya ng tingin.
" Ang sama niyo! " nagpout ako at kumain nalang ng patata.
" Aba! Aba! Dalaga na ang aming anghel" lalo pa nila ko pinagtawanan sa sinabi ni martina. Si JD naman ay natahimik lang parang malalim ang iniisip.
" Gusto mo samahan kita? Baka mamaya kung anong kalokohan lang gawin sayo non! " concern na sabi ni JD.
" Wag na mai-istorbo mo lang ang date nila" sabi ni Daldalita
" A.. Anong date! Hindi yun date, at sasamahan niyo ako. " nauutal na sabi ko ngayon palang parang kinakabahan na ako pag naiisip kong kaming dalawa lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/230741420-288-k678067.jpg)