Chapter 5

28 1 0
                                        


Kirsten POV



Lumabas na ako ng kwarto at naglakad papuntang kusina, nagsisimula pa lang ako magluto ng dumating si nanay.

" Oh nay! Ayos lang po ba kayo?" lumapit agad ako sa kanya, kinuha ang mga dala niyang basket at bilao.

" Oo anak, magluto ka na magpapahinga muna ako." pagod na pagod na aniya.

" Opo nay." naaawa akong sinundan si nanay ng tingin, umupo ito sa sala at tinaas ang paa sa mesa para masahehin.

Saktong natapos ako magluto ng dumating naman si Kuya Zenus, pagod na pagod din itong umupo sa sala katabi ni nanay at minasahe naman ang kanyang sentido. Araw-araw ganito ang kaniyang nasasaksihan kaya ako na ang gumagawa ng ibang gawaing bahay.

Naghain nalang ako sa hapag kainan, bago ko sila tinawag.

" Kuya, Nay ! Kakain na po" aya ko.

Tumayo na sila at nag kanya-kanyang upo na sa silya. Nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain.

" Kamusta ang pag aaral mo kate?" tanong ni kuya habang kumakain.

" Ayos lang po kuya," tugon ko at kumuha ng isda.

" Wala ba kayong mga bayarin o project?" tumingin siya sa'kin ng nakataas ang kilay.

" Wala pa po kuya," umiwas ako ng tingin.

" Nadinig ko kanina sa mga schoolmate mo meron kayong field trip ,anong date yon?" aniya,tumigil siya sa pagkain at mariin akong tiningnan.

" September 18 po kuya," buntong-hininga na sagot ko, tiyak na alam niya na talaga ang date 'non hinuhuli niya lang ako kung magsasabi ng totoo. Dahil last year pinapasama niya ako dinaya ko ang date para hindi ako makasama ayaw ko siyang gumastos para don, aksaya lang ng pera pwede namang gumawa nalang ako ng project.

" Natapat pala sa birthday mo, sumama ka.. last year mo na sa high school kaya sulitin muna. May sasahudin naman ako sa sunday." ngumiti siya sa'kin, maswerte ako at nagkaroon ako ng kapatid na gwapo, mabait at masipag.

" Tama ang kuya mo anak, mahirap man tayo pero kung kaya naman namin ibigay, para sayo ibibigay namin. Ako na ang bahala sa baon mo may sobra pa akong pera." emosyonal na ani nanay.

Madrama talaga minsan si Nanay,  kamukhang kamukha ko daw siya noong kadalagahan niya, bagama't may mga konting puti na ito sa buhok dahil sa edad niya nananatiling maganda at makinis pa din. Dating modela si nanay pero ng magbuntis siya kay kuya at pakasalan ang aming ama mas pinili niya nalang ang simpleng buhay... Ngunit hindi nakontento ang aming ama kaya naghanap ng iba at kapapanganak lang sa'kin ng tuluyan niya kaming iwan. Dahil maganda nga si nanay madami ang sumubok na ligawan siya ,wala siyang sinagot kahit isa lahat ay tinanggihan niya ang dahilan naman niya ay sapat na kami ni kuya.

" Salamat kuya at salamat nanay mahal na mahal ko po kayo" emosyonal ko ding sabi, tiningnan ko sila pareho napakaswerte ko dahil naging ina at kapatid ko kayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wild Street TasteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon