"Aizen! anong oras na't may pasok ka pa!"
Napatakip ako ng unan sa aking mukha dahil naiirita akong marinig ang nakakabinging tawag ni Nanny sa'kin.
"Aizen? mal-late ka na at isa pa, nauna na si Yohan kasi ang tagal mong gumising."
Hindi pa rin ako umiimik pero nagulat na lamang ako ng bigla niyang kilitiin ang taligiran ko.
"Nanny! stop! babangon na ako!" huminto na rin ito.
"Bilisan mo na nako! pag nalaman ito ng Mommy mo siguradong magagalit 'yun at alam mo naman siguro kung paano magalit ang Mommy mo diba?" napangisi naman ako sa sinabi niya.
"I'm not scared, si Daddy lang ang takot sa kanya at wala akong kinakatakutan." napabuntong hininga na lamang ito at lumabas ng kwarto.
Tumayo na ako't dumiretso sa cr para maligo, umabot pa ako ng kalahating oras dahil tinatamad talaga akong pumasok ngayon.
"Aizen? anong oras ka pa lalabas diyan! 7 am na at late ka na!"
Mga ilang minuto pa bago ako magsalita. "Okay lang yan nanny, akong bahala."
"Anong ikaw ang bahala? nako kang bata ka, hindi naman siguro porke anak ka ng Perez at Tiu ay magagawa mo na ang gusto mo, naalala mo pa siguro noong isang araw na pinagalitan ka ng Daddy mo dahil bumili ka raw ng AK 47 at sarili niyang account ang ginamit mo."
Kinuha ko ang tuwalya at itinapis ito sa aking katawan sabay lumabas na ako't nginisian niya.
"It's okay, ayaw niya naman akong bigyan ng sarili kong allowance eh." tinaasan niya ang kanyang kilay ngunit hindi ko ito pinansin, kinuha ko ang aking uniform at sinuot ito.
"Paano ba naman eh ginagamit mo ito sa pagbili ng mga baril eh hindi ka nga pwedeng gumamit no'n at isa pa, ilang beses ka ng sinabihan ng Daddy mo na hindi ka pwedeng maging miyembro ng Mafia Organization dahil masyadong mapanganib ang trabahong 'yun at isa pa, babae ka."
Matapos kong makapag suot ng medyas ay sinuot ko ang paborito kong yellow pikachu jacket na gawa sa cotton, mahilig kasi ako sa mga malalambot na damit at lalong-lalo na ang pikachu design!
"Oh? mag j-jacket ka? tsaka mo nalang suotin 'yan dahil may meeting pa na magaganap!"
Hindi ko na pinansin pa si nanny, kinuha ko ang puti kong eye patch at nilagay ito sa kaliwang mata ko't kinuha ang bag kong pikachu sabay agad na tumakbo palabas.
"Aizen! nako kang bata ka! bumalik ka rito't kinakausap pa kita!"
Nakakaasar lang dahil si Yohan may sariling kotse samantalang ako wala! pwede naman sana kahit pang display ko lang dahil nakakailang kotse na rin ang nasisira ko kasama na do'n kina Mommy, Daddy at uncle Marcos.
Pero hindi ko naman kasalanan na ayaw sa'kin sumunod no'ng kotse kaya pinasabog ko 'yun gamit ang bazuka ni Grandpa Marvic at syempre mas lalo lang nagalit si Daddy.
"Aizen! sakay na." napangiti ako ng makita si Grandpa Enzo. Siya ang kapatid ni Grandpa Robert at ang asawa ni Nanny na Mommy naman ni kuya Clarkson.
"Grandpa!"
Agad akong sumakay sa kotse nito't pinaandar niya naman agad ito. Simula pa noong tumuntong ako ng labing dalawang taon ay si Grandpa Enzo ang nag train sa'kin kung paano gumamit ng baril at kasama ko doon si kuya Clarkson. Gustuhin ko mang kunin kay Uncle Marcos ang sniper na tinago ko sampung taon na ang nakakalipas matapos ang pangyayaring 'yun pero... magagamit ko lang daw 'yun sa tamang panahon.
Gusto ko ulit maramdaman ang kakaibang pakiramdam ng gamitin ko ang pinaka-makapangyarihang sniper sa buong mundo, kahit na maliit palang ako no'n ay alam kong nakalaan iyon para sa'kin.
BINABASA MO ANG
The Mafia Assassin Heirs
Teen Fiction•This is the sequel of The Mafia Husband and The Assassin Wife •This story was written in Taglish #17 in action 12/23/2017 Date Revision Started: July 2 2020 Date Officially Ended: