Chapter 4

170 10 0
                                    

Itinaas ko ang aking kamay bilang senyales na susuko na ako. "Fine, paki-baba na niyang kutsilyo mo."

Sinunod niya ang utos ko pero hindi pa doon nagtatapos, humarap ako rito't hinawakan ang kanyang kamay sabay siniko ito sa tagiliran.

"What the hell are you doing?!" takang tanong niya habang nakahawak sa kanyang tagiliran. Nginitian ko lamang ito habang ang mga tao'y nakatingin sa'min.

"Can't believe na ang bilis mong utuin, akala mo siguro tapos na? nagsisimula palang tayo, Aizen."

Sinugod niya ako ngunit hindi siya nagtagumpay na saksakin ako dahil mabili ko lamang itong naiilagan.

"Ang unfair mo!"

"Kung totoong laban 'to, edi sana patay kana."

Patuloy lamang ang pag sugod niya sa'kin habang ako naman ay paatras na umiilag hanggang sa kamuntikan na rin kami masagasaan ng sasakyan.

"Pinapaalala ko lang Aizen, magmumukha lang na isa kang serial killer dahil sa ginagawa mo, such a reckless." natawa ako ng mahina ng kagatin niya ang kanyang pang-ibabang labi at sabay tinago ang kutsilyo sa kanyang bulsa't patuloy niya akong sinugod.

"Para ka rin talagang ama mo, susugod nalang ng basta-basta at walang iniisip, pero dalawa lang ang alam kong bagay na mag-kaiba kayo."

Kasabay ng pagtapon niya ng kanyang suntok sa'kin ay hinawakan ko ang kanyang kamay at pinalapit sa'kin habang ang aking bibig ay malapit sa kanyang tainga.

"Mas magaling sa strategy ang ama mo at mas malakas siya kaysa sayo, kaya naman hindi ka mananalo."

Matapos kong sabihin ito ay nabigla ako ng hawakan niya ako sa aking tiyan at itinulak ako pahiga sa kalsada, sinubukan kong kumawala pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa'kin.

"Ang hina nga talaga ng kokote mo." walang ganang sabi ko.

"Oo na, mahina ako sa ganito pero..." humarap ito sa'kin ng nakasalubong ang parehong kilay, nanlaki ang mga mata ko ng ngumiti ito na para bang may ibang ibig sabihin.

"Pero... hindi ako ganito makipaglaban, kaya magpasalamat ka rin na buhay ka pa hanggan ngayon."

Ikinuyom ko ang aking mga kamay at nakaramdam ng kakaiba sa kabila ng mga ngiti niya, hindi ko rin alam kung anong ibig niyang sabihin pero... bakit parang may kung anong awra ang nakapalibot sa kanya? katulad ng kanyang ina, ang isang dahilan kung bakit nakakaramdam ng takot ang kalaban niya, pero bakit sa kanya? anong meron sa batang 'to?

"Hoy! tama na yan!"

"Boys! hulihin yan!"

Biglang umalis si Aizen at gayun rin ako, sabay kaming kumaripas ng takbo sa mga pulis hanggang sa makatakas kami sa mga ito.

"Phew."

Humarap ako rito ng nakangisi, gusto ko talagang malaman kung may tinatago siya.

"Anong ibig mong sabihin kanina? na hindi ka ganun makipag laban?"

Tumingin ito sa'kin at ngitian akong muli pero sa pagkakataong 'yun ay wala akong naramdam kung ano, normal lang ang sitwasyon ngayon.

"Bakit ko sasabihin ang secret ko sa kalaban ko pa mismo? duh!"

Napabuntong hininga ako't umiwas ng tingin.

Aizen's Point Of View

Ang weird, hindi naman nangyayari sa'kin 'yun pero... sana lang hindi siya nakahalata.

"Ate Aizen!"

Sabay kaming napalingon kina Lalaine, kasama niya rin sina Yohan at Irus na as usual mga naka poker face.

The Mafia Assassin HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon