"Ate Aizen." rinig kong tawag sa'kin ni Laine.
"Ano 'yun?"
"Handa ka na ba? bukas na mag bubukas ang kompetisyon."
Masaya akong tumango rito at gayun rin siya. Muli akong napatingin sa mga kasamahan kong sina Ferion at syempre, sa loob ng isang buwan ay hindi pa rin nila alam na sasali ako sa kompetisyong iyon. Napatingin ako sa aking orasan, naalala ko tuloy ang baril na ginamit ko noon, gusto kong gamitin ulit 'yun.
"Laine, samahan mo muna ako."
"H-Huh?! S-Saan?"
"Basta! May kukunin lang akong importante."
Pumunta ako sa likod ng building at tinawagan si Jin.
[Yow princess?]
"Jin? ikaw lang ba yung nandyan?"
[Oo naman Princess!]
"Kailangan ko ng back-up, pumunta ka sa location na isesend ko."
[Huh? Anong gagawin natin? mag d-date ba tayo? ikaw Princess ah, hindi ko alam na may pag tingin ka pala s---]
"Baliw! hindi 'yun ang ibig kong sabihin! Basta sundin mo nalang ang sinasabi ko, dalhin mo yung sasakyan mo." sabay binabaan ko na ito.
~ ~ ~
"Princess." tawag ni Jin ng makarating sa tapat namin, nasa labas na rin naman kami ng University. Pwede kaming lumabas dahil may ganap na Event sa Campus. Sumakay na kami ni Laine sa kotse.
"Doon tayo sa Mansion, yung unang bahay namin!"
"Eh? anong gagawin natin doon Princess?!"
"Basta! Naka lock kasi 'yun kaya kailangan natin ng mahusay na hacker." nakangiting sabi ko habang nakatingin kay Lalaine.
"Kaya pala."
Nang makarating kami sa Mansion, as usual may mga nakabantay dito. Bumaba na ako ng kotse't nilapitan ko ang guard.
"Oh? Miss?! Kamusta po kayo?" magiliw na bati nito.
"May kukunin sana ako sa loob."
"Ano po 'yun?"
"Naiwan kong gamit."
"Pero Miss, sinabihan kami ng Daddy niyo na hindi namin kayo pwedeng papasukin sa loob at pag nag pumilit kayo ay tatawagan namin siya." saad niya't ipinakita pa ang cellphone niya.
Napatingin ako kay Jin at sinenyasan itong gulpihin ang guard na naka harang sa'min at ginawa niya naman. Itinali niya ito sabay nginitian ko siya ng malademonyo.
"Kapag nalaman ito ni Daddy..." nilapit ko ang aking mukha sa kanya. "Papatayin kita at ang buo mong pamilya, Hahaha!"
Panay ang tango nito habang nakagapos.
"Ate, ang bad mo." saad ni Lalaine.
"No choice tayo." bulong ko't binalik muli ang atensyon sa guard.
"Okay! Papasok na kami sa loob!" saad ko at pumasok na sa Mansion.
"Namiss ko 'tong bahay niyo ate! naalala ko noong naglaro tayo ng Bomb Smoke tapos nag prank pa tayo kay Ninong Zav."
"Naalala ko rin 'yun, yung mga panahong kinalimutan niya yung bunso naming kapatid, kaasar lang!"
"Wow! First time kong pumunta sa unang bahay niyo ah, ang ganda pala talaga dito." manghang sabi ni Jin.
Pumunta ako sa isang kwarto ni Mommy, alam kong nandoon ang M40 Assault Rifle kaya naman sa tulong ni Laine ay nagawa niya itong i-hack. Nang makapasok kami sa loob ay natigilan kami ng may makita kaming tao sa loob na ikinagulat namin ni Laine.
BINABASA MO ANG
The Mafia Assassin Heirs
Teen Fiction•This is the sequel of The Mafia Husband and The Assassin Wife •This story was written in Taglish #17 in action 12/23/2017 Date Revision Started: July 2 2020 Date Officially Ended: