Chapter 5

185 11 0
                                    

Someone's Point Of View

"Anong meron?" tanong ng isang Principal, kasama rin nito ang apat pang mga Principal na nanggaling sa iba't ibang Unibersidad.

"Sir, may nag-aaway po." sabay turo nito sa dalawang babaeng naglalaban. Dali-daling pumaroon ang Principal ng P.University ngunit sa kasamaang palad ay nasipa pa ito ni Amber sa mukha.

"Hala!"

"Mr Castillo? Ayos lang po ba kayo?" kabadong tanong ng Ni Mrs Miranda, Principal na nagmula sa South University.

"A-Ayos p-pa naman---teka! Siyempre hindi! Anak ng tokwa sinong nang sabing pwede kayong mag away dito?!" iritang tanong niya.

"Mr Castillo, nanggaling sa Unibersidad ko si Amber Lewis, ako na mismo ang magpapaumanhin para sa kanya." paumanhin ni Mr Cohence ng West University.

"Kung hindi lang talaga ito utos ni Madam Arian, hinding-hindi kayo mag tatagal sa University na 'to!"

"Hehe... sir, kaya nga nagpapaumanhin ako sa inyo, eh?" inilagay ni Mr Cohence ang kanyang kamay sa kaliwa nitong poketa ng kanyang damit.

"Mr Castillo, baka pwedeng pag pasensyahan mo nalang siya?" magalang na tanong ni Mrs Miranda.

"Anong pag pasensyahan?! baka gusto niyang magpatayan pa kami dito!"

Napatingin kami sa kanan ng marinig ang hagalpak na tawa mula kay Whisky. Ang pinaka batang Principal ng East University, nasa 21 palang ang isang 'to.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan bata?! hindi ka man lang nakasuot ng pang pormal!" iritang tanong ni Mr Castillo.

"Ang saya niyo lang pag masdan... lahat." saad niya habang nilalaro ang kanyang ballpen.

Agad na pinuntahan ni Mr Castillo si Whisk at hinawakan ito sa kwelyo.

"Pwede bang huwag kayong gumawa ng eksena dito? kapag dumating si Ma'am Arian ay siguradong mananagot kayo." seryosong sabi ko ngunit hindi sila nakikinig.

Inilabas ni Mr Cohence ang baril na ikinagulat ng lahat. Itinutok niya ito kay Mr Castillo na ikinatakot niya naman. Napaatras ang ilang mga estudyante pero...

"Walang kikilos, maliwanag ba boys and girls?"

Natagilinan ang mga ito habang binalik naman ni Mr Cohence ang kanyang tingin dito.

"C-Cohence... w-wag mong ituloy 'yan... tandaan mo... nasa University na ito ang mga anak nila Madam at pag ito nakarating sa---"

"Isa."

Natigilan siya't nanginig sa kanyang kinatatayuan habang si Whisky ay tumatawa.

"Dalawa."

"H-Hoy C-Cohence..."

Kahit ako ay natataranta sa ginagawa niya.

"Mr Gyro, gusto mo bang mauna?" nakangiting tanong nito dahilan para matahimik ako. Muli niya namang tinignan si Mr Castillo na ang pawis nito'y sunod-sunod na tumatagaktak.

"Ito na ang huli, Mr Castillo... paalam sayo."

Hihilahin niya na sana ang gatilyo ng sipain ito ni Aizen.

"Humanda ka! magbabayad ka sa ginawa mo!" sabay sinugod niya ito, pinagsisipa't pinagsusuntok niya ang katawan niya, pero hindi pa dito natatapos.

Muling nakuha ni Mr Cohence ang kanyang baril pero naagaw ito ni Aizen at itinutok niya ito sa kanyang mukha.

"Oops... nakakatakot naman." natatawang sabi ni Mr Cohence.

Nagsipag hiyawan ang mga estudyante at nakasuporta sa kanya.

The Mafia Assassin HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon