Chapter 2

233 27 5
                                    

Sa ikalawang araw ng klase ay dumiretso ako sa opisina kung saan naroon si Yohan, President naman siya ng University na 'to at isa pa, malaya rin akong gawin kung ano ang nais ko.

"M-Miss Tiu? bakit po kayo gumagala sa gitna ng klase?"

"Excuse me! hindi ako gumagala! may importante akong pupuntahan kaya 'wag mo 'kong papakealaman!"

Umiwas ito ng tingin at dali-daling nag lakad, agad naman akong pumunta sa kinaroroonan ni Yohan at doon ay nakita ko ang ilan sa mga kababaihan na miyembro ng SSG Officers at syempre, hinaharot siya ng mga 'to.

"Hoy Yohan, hindi ka ba naglilinis ng Office mo? ang daming langaw rito eh." walang ganang sabi ko't agad na nagsipag-alisan ang mga ito.

"We're just having a short meeting."

"Fine, fine... gusto ko lang pag-usapan ang tungkol sa competition. Feeling ko kasi hindi tayo papapasukin ng mga 'yun kung wala tayong registration form."

"So you're still planning on joining huh."

"Eh bakit ba! ikaw nga gusto mo rin eh!"

"It would be too waste if you become my partner."

"Eh sino naman gusto mong maging partner ko?!"

"Baka ako, pwede."

Nabigla ako ng may kung sino ang pumasok sa loob, naka-itim na tuxedo ito't may sumbrero na sigurado'y isa siyang anak ng Mafia Boss dahil na rin sa napakabata ng itsura niya.

"Jin, what are you doing here?" tanong ni Yohan.

Kung hindi ako nagkakamali, anak siya ni ninong Jc?

"Kamusta Princess!" pumasok rito sina Aeron at Denver.

"A-Anong ginagawa niyo rito?!" iritang tanong ko.

"Kami ang bago mong mga butler, Princess." sagot ni Aeron.

"Oo nga, kami na ang bahala sa iyo, binibining mahal na prinsesa." saad ni Denver habang nakaluhod.

"Hoy mga ugok, baka nakakalimutan niyong ako ang pinaka-leader dito." iritang sabi ni Jin.

Hindi ko talaga siya namukhaan, huli ko lang siyang nakita noong nag 11th birthday kami ni Yohan, doon ko lang nakilala ang tatlo, ang madalas ko lang makausap yung dalawang ito pero ni minsan hindi niya ako kinakausap tapos ngayon ang laki ng pinagbago niya na parang sobrang close namin, ano bang problema ng isang 'to?

"Ako ang personal butler ng prinsesa." dagdag pa nito.

"Teka nga, paanong ikaw ang magiging personal butler ko kung simula dati hindi mo naman ako kinakausap?" mahina kong pinitik ang kanyang ilong at dito'y para itong namula.

"N-Narinig ko kasi na... sasali ka sa competition kaya... kung gusto mo... ako nalang ang maging... partner mo."

Medyo naiilang pa ito ngunit hindi ko ma-imagine sarili ko na makipag partner sa kahit na sino sa kanila.

"Ayoko nga! Hoy Yohan, 'wag mong sabihing pinapunta mo 'tong mga 'to para maging partner ko?! tandaan mo, isusumpa talaga kita pag ginawa mo 'yun!"

The Mafia Assassin HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon