Kinaumagahan ay nakatanggap ako ng isang mensahe mula sa Under Crime Community Officials, siguradong pinasok na kami ni Lalaine doon pero ang tanging iisipin nalang namin ay kung paano kami mag d-disguise. Mga hindi totoong pangalan ang nilagay namin doon kaya kami nakapasok.
"Please come here tommorow at 6am with your partner and be ready."
Nakaukit na rin sa ibaba ang lokasyon nito pero ang nakakapagtataka lang... bakit sa gubat yung location? at hindi pa 'yun, delikado ang lugar na 'yun dahil siguradong may mga patibong doon.
Ilang saglit lamang ay tumunog na ang bell at senyales na breaktime na. Lumabas ako't pinuntahan sina Irus at Lalaine para ayaing mag recess, pumayag naman sila pero hinanap muna namin si Yohan bago ang lahat, hindi naman ako nahirapan dahil sa likod ako ng building dumaan, nakita ko siyang may kausap na babae.
Wala akong ideya kung bakit nandito siya, hindi rin naman siya estudyante pero hindi kaya... girlfriend niya 'yun?
"Noted." mahinang sabi ko habang kinukunan sila ng litrato.
"Anong ginagawa mo ate Aizen?" bulong ni Laine na nasa likuran ko.
"Sshh... baka marinig tayo." natahimik naman siya't napahawak sa kanyang bibig.
"What do you want Aizen?"
Halos mapatalon ako sa gulat ng hindi ko napansing nasa harapan ko na pala si Yohan.
"So she's your twin sister huh? you're not look a like." takang sabi ng babae.
"We're fraternal twins." walang ganang sagot ni Yohan.
"Oh, she looks adorable though."
Pumaharap ito sa'kin at tsaka kinindatan ako ngunit sinamaan ko lamang ito ng tingin.
"Hi sweetie, you look like your Daddy, I'm Artemis, your brother's girlfriend."
"What the hell? you're just my partner." iritang sabi ni Yohan na ikinainis ko naman.
"You should stop denying it."
"Shut the fuck up Artemis or I'll cut our deal."
"Fine I'm just kidding." humarap ito sa'kin at napabuntong hininga. "Hindi man lang mabiro itong kapatid mo." bulong niya.
"Anong partner?! Anong deal?! Anong pinagsasabi mo Yohan?! Akala ko ba mag partner tayo?" nakangusong tanong ko na halos mapaluha na.
"Come on, it's a different thing. We're not a partner from that competition."
"Pero---"
Hinaplos niya ang aking ulo't napabuntong hininga pa ito.
"Cut it out, Aizen. You're my partner from that competition and not her."
Madalas kaming nag-aaway at madalas rin akong nagsusungit sa kanya pero minsan tumataas yung pride niya kaya mas lalo kaming nag-aaway pero kadalasan rin nagiging sweet siya dahil ayaw niya lang patagalin yung sitwasyon na ganun kami, in short, he's the best brother!
"But I don't intend on saving you if ever you get in trouble."
Biglang napawi ang aking ngiti ng sabihin niya iyon at tinignan ito ng masama, binabawi ko na ang naisip ko kanina, he's the worst brother!
BINABASA MO ANG
The Mafia Assassin Heirs
Teen Fiction•This is the sequel of The Mafia Husband and The Assassin Wife •This story was written in Taglish #17 in action 12/23/2017 Date Revision Started: July 2 2020 Date Officially Ended: