Napunta sila Lauren sa ibang mundo,tinanong ni Valeria kung nasan sila ,sinabi ni Carlos na anong lugar ang nakikita nila at pano sila napunta don.Naalala ni Valeria ang porselas na isinuot ni Lauren,sinabi ni Valeria kay Lauren na baka dahil sa porselas kaya sila napunta sa ibang lugar,sinabi din ni Carlos na nakita nila na nagliwanag ang porselas na baka nga dahil sa porselas kaya sila napunta sa ibang lugar."Baka nga dahil sa porselas" sabi ni Lauren,sinabi ni Valeria na baka may magic word na kaylangan sabihin o gawin sa porselas ,ngunit matamlay na sagot ni Lauren ay "Wala na,wala na ang porselas bigla itong naging abo at naglaho kasama ng hangin".Dahil sa narinig napaiyak si Carlos at sinabi na pano na pano sila makakabalik sa pinanggalingan nila,"ano ba,Carlos magpakalalaki ka nga "sabi ni Valeria,biglang may gumulat na pana sa tatlong magkakaybigan, ang pana ay tumama sa puno,napatingin sila sa pinanggalingan ng pana at nakita nila ang isang grupo ng mga tao ,tao na ang ulo ay ulo ng isang nakakatakot na halimaw at ang mga ito ay may buntot kagaya ng sa leyon.Sa gulat nila Lauren ay nanlaki ang kanilang mga mata ,napatigil sa pagiyak si Carlos .Nagsalita si Lauren at inihiyaw na "Takbo!!!",si Carlos ay hindi parin kumikilos sa kinatatayuan niya at nakatulala sa mga taong halimaw na tumatakbo patungo sa kinaroroonan nila,hinila nila Lauren at Valeria si Carlos ,sinabi ni Valeria na "bakla halika na ,papapatayin nila tayo".Habang sila Lauren ay tumatakbo ,patuloy naman silang pinapana ng mga taong halimaw hangang sa matamaan ng pana si Valeria ,natamaan ng pana sa hita si Valeria at siya ay nadapa ,tumigil sa pagtakbo si Lauren at Carlos pinagtulungan nilang buhatin si Valeria,tinanong ni Carlos kay Lauren na pano nila matatakasan ang mga taong halimaw na humahabol sa kanila.Hindi nakasagot agad si Lauren ,natanaw ni Lauren ang isang water falls at sinabi niya kay Carlos at Valeria na doon sa water falls sila tutungo,Sinabi ni Valeria na "ano?masyadong mataas yan".Sinabi ni Lauren na walang ibang paraan para matakasan ang mga taong halimaw kundi tumalon sa water falls .Sumang ayon sila Valeria at Carlos dahil wala nang ibang pamimilian ,malapit na silang abutan ng mga taong halimaw.Malapit lang sa kinaroroonan nila Lauren ang water falls kaya mabilis silang nakarating,ngunit nang tatalon na sila ay nag alinlangang tumalon si Carlos dahil natatakot siya ,sinabi ni Valeria kay Carlos na "hay.... ano ba bakla ,tara na ako napana pa ang sakit kaya di ako makalakad",sinabi din ni Lauren na "Carlos magpakalalaki ka naman ,wala tayong ibang pamimilian".Ngunit sa kanilang paguusap ay biglang napana sa ulo si Carlos at bumagsak ang katawan nito sa lupa ,nanlaki ang mga mata nila Lauren at Valeria ,napatingin silang dalawa sa mga taong halimaw at ang mga ito ay maabutan na sila.Umiyak sila Lauren pero wala na silang magagawa hindi na nila mababago pa ang nangyari kay Carlos ,tumalon na sila Lauren at Valeria at tuluyan nang iniwan ang walang buhay na si Carlos.Hindi na nasundan pa ng mga taong halimaw sila Lauren dahil natakot ang mga ito na tumalon sa mataas na water falls.Rumaragasa ang tubig sa water falls at nahihirapang lumangoy si Lauren habang nakakapit sa kanya si Valeria,hindi makalangoy si Valeria dahil sa iniindang sakit nang nakatagos na pana sa kanyang hita.Tuluyan ng natangay ng malakas na rumaragasa na tubig sila Lauren at Valeria ,hindi na magawa ni Lauren na makalangoy dahil sa lakas ng pwersa ng rumaragasang tubig,sinabi ni Lauren kay Valeria na kumapit ng mabuti .Isa parin palang water falls ang kanilang tinalunan at natanaw nila ang nakakalulang taas ng lalaglagan nila.Sinabi ni Valeria na "Ang taas!",sinabi naman ni Lauren na "ano batong nangyayari satin" at tuluyan nang nahulog sila Lauren at Valeria sa water falls ,sobrang taas ng kanilang binagsakang tubig.Samantala ang wala nang buhay na katawan ni Carlos ay Kinatay ng mga taong halimaw at iniluto sa ibat ibang putahe ,nagkakasiyahan ang mga taong halimaw habang kumakain nang biglang may dumating na mga kawal na nakasakay sa kabayo sila ay may kasamang makisig at may matipunong pangangatawan na lalaki ito ay may malaking pilat sa kanyang kanang mata ,ang lalaki ay may ibang kasootan na parang siya ang pinuno ng mga kawal.Pumorma ang mga taong halimaw at inilabas ang kanilang mga sandata,tumango ang pinuno ng mga halimaw na hudyat ng pagsalakay ,sumugod ang limang halimaw .Sinabi ng lalaki na iba ang kasootan na "Ako na ",sinabi ng kawal na "opo kamahalan",kinuha ng lalaki ang kanyang espada at sa loob lamang ng tatlong pung segundo ay napatay na niya ang limang halimaw,ang limang halimaw ay bumagsak ang mga katawan nang nakahiwalay na ang mga ulo.Nagsalita ang lalaki at sinabi na "Ibabalik nyu ba ang mga ninakaw nyo o papatayin ko kayong lahat".Sa takot ng pinuno ng mga taong halimaw ay agad nito inilabas ang ninakaw nilang mga armas at isang kakaibang dyamante.Mabilis na iniabot ng pinuno ng mga taong halimaw sa lalaki ang mga ninakaw nila ,ngumiti ang lalaki at tumalikod ,lumakad ito at ibinulong sa kawal na "Patayin silang lahat",pinatay ng mga kawal ang mga taong halimaw habang ang lalaking may kakaibang kasootan ay sumakay na sa kanyang kabayo at pinanood ang mga kawal habang pinapatay ang mga taong halimaw,may isang batang taong halimaw na nagtangkang panain ang lalaking may kakaibang kasootan pero nahuli ng kamay ng lalaki ang pana at sinabi na"masyadong mabagal",inihagis pabalik ng lalaki ang pana sa batang taong halimaw at tumagos sa ulo ng batang halimaw ang pana.
BINABASA MO ANG
THE DARK BLUE
FantasyMay kakaibang pangyayari sa buhay ni Lauren na hindi niya maipaliwang .Siya ay Napunta sa ibang panahon o lugar na puno ng kakaibang nilalang ,kapahamakan at ......to be continue