Chapter 6

51 9 0
                                    


Nakarating na si James at Lauren sa entrada nang gate sa bayan ng Adanes,sila ay magtutungo na sa bayan ng Gregor.Isang oras ang biyahe patungo sa bayan ng Gregor gamit ang kabayo at aabutin naman ng dalawang oras o higit pa kung lalakarin.Habang nasa daan tinanong ni Lauren si James kung may alam ba ito na paraan para makabalik sa lugar nila na Manila,sinabi naman ni James na wala siyang alam dahil hindi niya alam kung saan ang Manila at hindi pa siya nakakarating doon,"ah Lauren pano kayo napadpad ng iyong kaybigan sa kagubatan?" tanong ni James kay Lauren,sinabi ni Lauren na may kakaibang nangyari na nasa iskwelahan sila ng kanyang mga kaybigan at isinuot niya ang porselas na nakalagay sa paso na nabili niya sa isang antique shop at bigla nalang sila napunta sa kagubatan ,"antique shop? Ano yon? Saka porselas? Nasaan na ang porselas?" Sabi ni James ,sinabi naman ni Lauren na "antique shop,tindahan ng lumang gamit at ang porselas ay naging abo na sa di malamang dahilan,basta naging abo ito bigla",sinabi ni James na kakaiba nga ang mga nangyari ,"Nung bata ako ay may usap usapan sa buong bayan na may maliligaw dito na taga ibang mundo at siya ang magiging dahilan ng malaking pagbabago ,totoo kaya yon at kayo yon ng kaybigan mo?" Sabi ni James,"anong kakaiba ang mangyayari?" Tanong ni Lauren ,"ewan?hindi ko alam?kung galing man kayo sa ibang mundo baka totoo ang usap usapan noon pero ang importante sakin ..nakilala kita Lauren","ha?"sabi ni Lauren,sinabi naman ni James na "wala" sabay tawa.Samantala si Harry ang prinsipe ng Gregor at ang pinuno ng mga kawal ay nakarating na sa bayan ng Gregor at sila ay naniningil na ng buwis ,si Harry ay nakasakay lamang sa kanyang kabayo at pinanonood ang mga tauhan niya na naniningil ng buwis ,siya ay naka soot ng lumang kasootan na hood .Hindi alam ng mga tao sa bayan ng Gregor na kasama sa paniningil ng buwis ang kanilang prinsipe dahil natatakpan ng hood ang muka nito.Sila James at Lauren naman ay nakarating na sa bayan ng Gregor  ,para makapasok sila sa entrada kailangan nila ipakita ang kasulatan ng hari ng Adanes na sila ay mamamayan ng Adanes na kaalyado ng Gregor.Kinuha ni James ang kasulatan sa kanyang bag at ipinakita sa nagbabantay sa entrada ng Gregor at sila ay pinagbuksan na ng gate,pagkapasok nila James at Lauren sila ay bumaba na sa kabayo at inumpisahan na ang pamimili ,"James ano ba ang mga kailangan nating bilhin" sabi ni Lauren,"eto " sabi ni James,ipinakita ni James ang papel kay Lauren sinabi din ni James na "ikaw na Lauren ang maghakaw ng isang kopya pero sumunod kalang sakin,wag tayong maghiwalay dahil marami ring kawatan at masasamang tao sa bayan ng Gregor".Nagtungo sila James at Lauren sa tindahan ng mga halaman at inumpisahan ng hanapin ang kanilang mga kailangang bilhin ,habang naghahanap si James ng kanilang kailangan,si Lauren naman ay panay ang libot ng mata sa paligid hanggang sa napansin niya ang isang nagtitinda ng mga palamuti sa bahay ,nagpunta si Lauren sa pwesto ng nagtitinda ng palamuti ,"excuse po ,am...magkano po dito" sabi ni Lauren,sinabi naman ng tindera na "trenta piso lang dyan iha ,kakaiba ang iyong pananalita isa kabang dayuhan","opo at sinamahan kopo ang kaybigan ko na mamili dito","ganun ba " sabay ngiti ng babaeng tindera,masayang tumitingin si Lauren ng mga panindang palamuti nang bigla niyang napansin na may nagkakagulo sa entrada ng bayan ng Gregor.May nakapasok na mga taong halimaw na may kasamang isang higanteng oso na may malaking sungay ,pinatay ng mga halimaw ang nakabantay sa entrada kaya sila naka pasok,gamit ang ibang linggwahe sinabi ng halimaw na tao na "Ito ang bayan ng pumaslang sa ating mga kasama sa kagubatan at talagang nagiwan pa sila ng sulat at nakalagay ,Mula sa prinsipe ng Gregor", galit na nanggulo ang mga halimaw at isa isa nilang pinapaslang ang mga tao .Nakagulo na ang mga tao sa bayan ng Gregor dahil sa nangyari ,"Lauren! Lauren!" Hiyaw ni James hinahanap niya si Lauren ngunit  hindi niya ito makita ,si Lauren naman ay nagtataka kung bakit maraming nagtatakbuhang tao at bigla naman siyang tinawag ng tindera na nasa loob ng mas malaki netong tindahan na gawa sa makapal na kulob na tent,"iha marami pa dito dahil mabait ka bibigyan kita ng libre pumili kana ng isa" sabi ng tindera,"wow talaga po ,salamat po" nakangiting sabi ni Lauren at siya ay nagmadaling pumasok sa tindahan ng ale.Nakita ng prinsipe ng Gregor at ng mga kawal na nagkakagulo ang mga tao ,hinawakan sa damit ni prinsipe Harry ang isang lalaki na tumatakbo at sinabi na "anong nangyayari?",sinabi ng lalaki na may nakapasok na mga halimaw,"mahal na prinsipe hindi sila natakot sa iyong banta " sabi ng pinuno ng mga kawal,"kung ganon sasamahan na nila ang kanilang kasama na nasa impyerno" sabi ni prinsipe Harry.Hindi na alam ni James kung saan niya hahanapin si Lauren dahil sa mga nagkakagulo na tao ,nakita ni James ang isang taong halimaw na papalakulin ang isang matandang nagtitinda ng isda,inihagis ni James ang kanyang espada at natamaan sa ulo ang taong halimaw,nilapitan ni James ang matanda at tinanong kung ok lang ito ,"ayus lang ako salamat iho","wala po yun" sabi ni James,hinugot ni James ang kanyang espada mula sa ulo ng taong halimaw nang biglang dumaan ang kabayo ng prinsipe ng Gregor kasunod ng mga kawal ,nakipaglaban ang mga kawal ng Gregor sa mga halimaw,"ako na sa hinganteng oso" sabi ni prinsipe Harry sa pinuno ng mga kawal.Bumaba si prinsipe Harry at hiniyawan ang higanteng oso at sinabi na "hoy damulag na oso",galit na lumungin ang oso at nagmadaling tumakbo patungo sa prinsipe(ang oso ay kasing taas ng dalawang palapag na bahay at may matabang katawan),ipinorma ni prinsipe Harry ang kanyang espada at ang halimaw naman ay bumuwelo para sipain ang prinsipe ,naputol ng prinsipe ang daliri sa paa ng higanteng oso pero siya ay tumilapon sa lakas ng pagkakasipa ng oso.Samantala walang kamalay malay sila Lauren at ang ale na may mga halimaw sa labas ,habang namimili si Lauren ng palamuti ay may biglang humampas ng malakas sa tent ng tindahan dahilan para ito ay masira ,nabagsakan si Lauren ng tumilampon na prinsipe ng Gregor at sila ay tumumba sa malalambot  na tela na imbak na produkto ng ale,paharap na nasalo ni Lauren ang prinsipe ng Gregor at sila ay nakatitigan habang nakahiga sa mga malambot na tela ,biglang sinampal ni Lauren si prinsipe Harry at sinabi na "bastos!!!",kumunot ang noo ng prinsipe at sinabi na "ano?",sinabi naman ng ale na "buti nalang malambot ang binagsakan nyo".


THE DARK BLUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon