Nagising si Lauren sa dalampasigan ng water falls,naalala niya agad si Valeria ,tumingin si Lauren sa paligid hindi niya makita kung nasaan si Valeria,Valeria!..Valeria!..' hiyaw ni Lauren,si Valeria ay nagising ng marinig ang hiyaw ni Lauren .Si Valeria ay natatakpan ng malaking bato kaya hindi siya makita ni Lauren ,sumigaw si Valeria at sinabi na "Lauren!",narinig ni Lauren ang tinig ni Valeria at agad siya nagtungo sa pinangagagalingan ng boses ni Valeria,nakita ni lauren si Valeria,si Valeria ay hindi makatayo dahil namamaga na ang kanyang hita na may nakatagos na pana.Sinabi ni Lauren na kailangan nang tanggalin ang pana sa hita ni Valeria para humupa ang maga at baka maimpeksyon pa,ayaw pumayag ni Valeria na tanggalin ang pana na nasa hita niya dahil alam niya na matindi ang sakit na mararamdaman niya at natatakot siya ,sinabi ni Lauren na hihilahin niya ng mabilis ang pana para hindi maramdaman ni Valeria ang sakit ,wala nang ibang pamimilian si Valeria alam niyang delikado kapag mas magtagal pa ang pana sa kanyang hita "sige ,tanggalin muna" nanlalambot na sagot ni Valeria.Dahan dahang binali ni Lauren ang dulo ng pana na may patalim ,pagkatapos ay agad na niyang hinila ang pana ,napahiyaw ng malakas si Valeria dahil sa sobrang sakit at sinabi na "best...dika manlang nagbilang",sinabi ni Lauren na lalo lang siyang kakabahan kung magbibilang pa sya.Kaylangan lagyan ng benda ang sugat ni Valeria at mapigilan ang pag durugo nito,"yung bag ko" sabi ni Lauren,may mga ekstrang damit sila Lauren para sa kanilang p.e sana kung hindi sila napunta sa lugar na iyon,inilibot ni Lauren ang mata niya at natanaw niya ang kanilang bag na nakalutang sa tubig ng water falls.Sinabi ni Lauren kay Valeria na kukunin lang niya ang bag nila para makuha ang damit na panali o pambenda sa sugat niya,dali daling lumusong si Lauren sa tubig ng water falls at nilangoy ang kanilang bag,pagkakuha niya ng bag ay agad niya ito binuksan at kinuha ang damit at ibinenda sa sugat ni Valeria.Pagkabenda ni Lauren sa sugat ni Valeria siya ay agad umiyak at nang hingi ng tawad kay Valeria ,sinabi ni Lauren na kasalanan niya kung bakit namatay si Carlos at kung bakit siya napana na kung hindi niya sana binili yung paso at isinuot ang porselas ay hindi mangyayari ang mga bagay na iyon at hindi mamamatay si Carlos,sinabi naman ni Valeria na walang kasalanan si Lauren dahil walang may gusto sa mga nangyari .Habang naguusap sila Lauren ay biglang nagliparan ang maraming ibon mula sa kagubatan malapit sa water falls na kinaroroonan nila, tumigil sa pag iyak si Lauren nang makita ang mga nabulabog na ibon at sinabi na "Valeria hindi maganda ang kutob ko tila natakot ang mga ibon kaya sila nabulabog",sinabi din ni Lauren na ipapasan niya si Valeria para makaalis na sila at makahanap ng ligtas na lugar ,"kaya ko ,lumakad " nanghihinang sagot ni Valeria,halatang hindi talaga kayang maglakad ni Valeria kaya sinabi ni Lauren na mas mabilis silang makakahanap ng ligtas na lugar kung papasanin niya si Valeria.Sinubukang tumayo ni Valeria pero hindi siya makatayo dahil sa sugat niya na parang natapyas ang buto niya sa hita,"best..mabigat ako" sabi ni Valeria kay Lauren at sinabi naman ni Lauren na "best magaan kalang,tara na",ipinasan na ni Lauren si Valeria.Samantala sa parte ng gubat kung saan may lumipad na maraming ibon ay may mga halimaw na naghahanap ng kanilang makakain,nilalantakan ng mga halimaw ang iilang ibon na nahuli nila.
Sa pag lalakad ni Lauren habang pasan si Valeria ay halata na nahihirapan at pagod na si Lauren,"Lauren ibaba mo nako nahihirapan kana" sinabi ni Valeria kay Lauren at sinabi naman ni Lauren na "ano kaba ,hindi ako nahihirapan no",nang biglang may bumungad na isang taong halimaw sa harapan nila Lauren at ito ay may dalang malaking palakol,natumba sa gulat at takot sila Lauren .Nakatulala sila sa halimaw at hindi alam kung ano ang gagawin ,akmang papalakulin na ng halimaw sila Lauren ,biglang naalala ni Lauren ang pagpatay ng mga taong halimaw sa kaybigan niyang si Carlos at siya ay nakaramdam ng galit,biglang nagkulay blue ang mata ni Lauren at nagkulay itim ang puting parte ng kanyang mata,napa atras sa takot ang halimaw ,sa pag atras ng halimaw ay may biglang pumugot sa ulo nito na isang gwapo at makisig na lalaki.Sa pagpatay ng lalaki sa taong halimaw ay biglang nagbalik sa dating kulay ang mga mata ni Lauren,sinabi ng lalaki kila Lauren na "sino kayo parang ngayun kolang kayo nakita at kakaiba ang kasootan ninyo",sinabi ni Lauren na taga Manila sila na alam ba ng lalaki kung pano makabalik sa kanilang pinanggalingan,sinabi ng lalaki na hindi pa niya naririnig ang lugar na Manila at sinabi din ng lalaki na "delikado dito sa gubat ,sumama kayo sakin matutulungan ng mangagamot sa aming bayan ang iyong kasama,mukang hindi na maganda ang lagay niya namumutla na siya",napatingin si Lauren kay Valeria at nakita niya na hindi nanga maganda ang kalagayan ni Valeria,si Valeria ay nawalan na ng malay.Kahit hindi kilala ni Lauren ang lalaki ay tinanggap niya ang alok nito ,isinakay sila Lauren sa kabayo nito at sinabi ng lalaki na "ako nga pala si James,James Goner wag kang magalala hindi ako masamang tao",sinabi naman ni Lauren na "salamat sa pagtulong mo samin,James",ngumiti si james at sinabi na "walang anuman ,papadilim na at kailangan ng bilisan ng aking kabayo ",tinanong ni Lauren kung ano ba ang mangyayari kapag dumilim na,sinabi ni James na twing gabi lumalabas ang mga Orct mga halimaw na malalaking paniki na lahat ng may dugo ay kanilang kinakain.
BINABASA MO ANG
THE DARK BLUE
FantasyMay kakaibang pangyayari sa buhay ni Lauren na hindi niya maipaliwang .Siya ay Napunta sa ibang panahon o lugar na puno ng kakaibang nilalang ,kapahamakan at ......to be continue