Chapter 1

108 12 0
                                    


Nakakasawa na talaga, araw araw paulit ulit nalang, papasok sa school,uwi sa bahay,ingay sa bahay ,kakain ,matutulog,gagayak ,papasok sa school .Hayyyyy buhay hindi naman sa nagrereklamo pero naiisip kolang kung ganito lang ba ang buhay, oo mahal ko naman ang pamilya ko masaya ko pero parang may kulang na hindi ko maintindihan,love life,siguro pero hindi ako naghahanap,dalawang beses ko na naramdaman ang love yung hindi kayo nagkaroon ng mutual understanding na ako lang ang nagmahal at ako lang din ang nasaktan .Kapag naiisip ko ang cycle ng buhay ay hindi maalis sa isip ko kung  ano ang silbi ko magaaral,magtatrabaho,magaasawa tapos baka masaya naman,mamatay ng wala manlang nangyayaring makabuluhan sa buhay ko ,Oo alam ko ganyan talaga ang buhay pero hindi ko alam kung ano ang hinahanap ko sa buhay siguro yung kakaiba ,panong kakaiba? hindi ko alam.

Ako nga pala si Lauren ,Lauren Hale Gomez isang  third year college student ,isa akong masungit at mainitin ang ulo na tao hindi ko alam kung bakit , baka depende sa tao na nakakasalamuha ko o depende sa araw.Isang umaga nagising nalang ako na may kakaiba akong pakiramdam,pakiramdam na may kakaibang mangyayari sa araw na ito ,pero hindi ko nalang pinansin dahil alam ko na wala naman talagang kakaibang mangyayari.Tumunog na ang Bell sa eskwelahan break time na ,kasama ko lagi twing break time ang dalawa kong best friend si Valeria at si Carlos ,si Valeria ,Valeria Montana ang best friend kong sobra ng daldal pero may sense naman ,si Carlos ,Carlos Ortegar ang gwapo kong bestfriend kaso gwapo din ang hanap niya.Habang kami ay kumakain napagusapan namin na gumala pagkatapos ng klase, dahil maaga ang uwian syempre gala mode muna tutal wala naman kaming ibang gagawin.Napag usapan naming kumain sa isang bagong bukas na unli kainan.Mabilis na lumipas ang oras at nag uwian na,habang naglalakad kami patungo sa bagong bukas na kainan ay napansin ko ang isang antique shop meron silang super sale na up to 90% off at dahil sa 90% napukaw ang aming atensyon at kami ay pumasok sa antique shop nang biglang bumungad sa aking harapan ang hambog kong manliligaw na si Edward,Edward Sades Alba gwapo naman siya kaso sobrang bagyo ng ugali niya agad kong pinalayas sa aking harapan si Edward medyo napalakas yata ang boses ko at medyo ring napahiya ko si Edward at siya ay agad lumabas ng shop.Hindi kona mababawi ang nagawa ko kaya hinayaan ko nalang,sa aming pagmamasid sa shop ay pumukaw sa aking atensyon ang isang paso o vase mukang flower vase na may maganda at kakaibang disensyo dahil sa kagandahan ng paso ay binli ko ito.Lumabas na kami ng shop nalibang kami sa pagtingin sa mga item kaya hindi namin namalayan ang oras,at dahil nagtagal kami sa antique shop ay nawalan na kami ng oras para kumain dahil gagabihin na kami.Nagpasya nalang kami na umuwi na at sa aming paglalakad ay may biglang tumahol na nakataling aso, nagulat ako at nabitawan ko ang paso at ito nga ay nabasag.Sinabi ng kaybigan kong si Valeria na sayang naman ang ibinayad mo dyan maganda pa naman ,nanghihinayang talaga ko dahil sobrang ganda ng paso maganda sanang i display sa loob ng kwarto kaso basag na at imposible nang mabuo.Napansin ni valeria ang isang porselas na nakasama sa mga basag na parte ng paso ,nagtataka kami kung saan nanggaling ang porselahas ganung wala naman laman yung paso ,siguro inilagay ito sa loob ng ilalim ng paso habang ginagawa dahil medyo makapal ang ilalim nito,pero nakakapagtaka bakit naman maglalagay ng porselas so loob ng ilalim ng paso .Bigla kong narinig ang sigaw ng aking Nanay na tinatawag ang pangalan ko ,agad kong inilagay sa aking bag ang porselas at kinausap ang aking nanay ,pinasabay nako ni nanay sa aming sasakyan kaya iniwan kona sa kalsada ang aking mga kaybigan.Kinabukasan pag pasok ko sa iskwelahan na late ako dahil tinanghali ako ng gising buti nalang wala pala kaming first class .Mabilis lumipas ang oras at kami ay naguwian na at dahil hindi maaga ang uwian ay hindi namin naituloy ang pag punta sa bagong bukas na kainan na unli kaya nagkwenthan nalang kami habang iniintay ang mga sundo namin.Napansin kong wala ang payong ni Carlos naiwan nya pala ito sa loob ng class room at dahil wala pa ang sundo namin sinamahan namin siya na umakyat sa 2nd floor sa english class room namin .Habang nasa english class room tinanong sa akin ni Valeria kung ano ang ginawa ko sa porselas na nakita namin,bigla ko nalang naalala ang porselas ng binanggit sa akin ni Valeria .Kinuha ko sa bag ang porselas ,ang porselas ay kulay tanso ang yari na malambot at makinis sinabi ni Carlos na isuot ko nalang ang porselas dahil maganda naman at hindi rin na sayang ang pinambili ko ng paso .Isinuot ko ang porselas ngunit pagsuot ko ng porselas ay may kakaibang nangyari biglang nagliwanag ng sobra ang porselas at ang liwanang ay kulay pula na biglang naging kulay asul nang napatingin kami sa paligid ay wala na kami sa aming class room kami ,kami ay napunta sa ibang lugar ,lugar na mapuno na parang gubat na maraming malalaking puno ,puno na parang libong taon na ang tanda ang itsura,hindi kami makapag salita sa sobrang gulat.Napatingin ako sa isinuot kong porselas ito ay biglang nagkulay itim na dati ay kulay tanso at ito ay biglang nadurog at naging abo na tinangay ng hangin.

THE DARK BLUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon