Chapter 4

59 11 0
                                    

Bago dumilim ay nakarating na sila Lauren sa bayan ni James,sinabi ni James na "bilisan natin ,kaylangan na natin madala sa mangagamot ang iyong kaybigan ,nang makarating na sila sa manggagamot ay pinagpahinga na ni James si Lauren dahil alam niya na pagod at gutom na si Lauren,"pano si Valeria ang kaybigan ko" sabi ni Lauren kay James,sinabi naman ni James na "wag kang mag alala si Lola Emma na ang bahala sa iyong kaybigan ,mabuting magpahinga ka muna at bukas tiyak kong ok na ang iyong kaybigan".Inihatid na ni James sa kabilang kubo si Lauren sa tabi ng bahay ng manggagamot na si Lola Emma ,sinabi ni James na  "magpahinga kana ,ako ay uuwi na sa aming bahay ,iniintay nako ng aking ina at siya nga pala pagmamay ari ng aming pamilya ang iyong tutuluyan kaya wala kanang dapat isipin pa",tumalikod si James at lalakad na sana paalis ng sabihin ni Lauren na "James!",lumingon si James at tinanong kung bakit ,sinabi ni Lauren na "salamat ulit ,ako nga pala si Lauren",ngumiti si James at sinabi na "Lauren magandang pangalan ,magandang gabi sayo Lauren bukas nalang uli,bibisitahin ko kayo ng kaybigan mo",tuluyan ng umalis si James at iniwan na si Lauren sa kubo.Pagpasok ni Lauren sa kubo ay agad siyang naupo at iniisip ang mga nangyayari na baka nananaginip lang siya,kinurot ni Lauren ang kanyang sarili at siya ay nasaktan  ,don niya nasabi na hindi panaginip ang lahat ,bigla namang may kumatok sa kubo na tinutuluyan ni Lauren ,pag bukas ni Lauren ay may isang batang babae na may dalang damit ang bumungad sa kanya,sinabi ng bata na "eto po ang mga damit ,pinabibigay po ng aming ina",nagpasalamat si Lauren at tinanong kung sino ba ang iyong ina ,hindi na sumagot ang bata at tumakbo na pauwi sa kanila.Inihiyaw ni Lauren na "teka !,bata!,may mga damit nako sa aking bag!,hindi na narinig ng bata si Lauren dahil mabilis na itong nakauwi sa kanila,ibinaba ni Lauren ang binigay na damit ng bata sa tabi ng kanyang higaan at kinuha niya ang kanyang bag ,pag salat ni Lauren ng bag ay sinabi niya na "basa nga pala lahat ng gamit ko ".Nagtungo na si Lauren sa Palikuran ng kubo para maglinis at magbihis dahil basang basa ang suot niyang damit,napilitan narin siyang gamitin ang ibinigay sa kanyang damit ng bata na isang makalumang kasootan na parang bistida na may panali sa bewang at may magaspang na tela.Kinabukasan tanghali  ng nagising si Lauren ,hindi na siya nakakain ng nakahain na pagkain sa kanyang lamesa dahil sa sobrang pagod niya sa mga nangyari sa gubat,pagkamulat ng mata ni Lauren ay napatanong siya kung nasaan siya ,pagkabangon niya ay pinagmasdan niya ang paligid at naalala na napunta nga pala sila sa ibang lugar o mundo .Biglang naalala ni Lauren si Valeria kaya agad agad niyang isinuot ang natuyo nang sapatos niya at agad siyang natungo sa bahay ng manggagamot na si Lola Emma ,nakaawang ang pinto ng bahay ng manggagamot at pag bukas niya ng pinto ay agad niyang nakita si Valeria na kumakain ng prutas ,niyakap agad ni Lauren si Valeria at sinabi na "best ,Valeria salamat at ligtas kana",sinabi naman ni Valeria na "salamat kay lola ang bait bait niya ,saka tingnan mo natahi na niya ang sugat ko at ang sarap nga pala ng prutas dito fresh ",napangiti si Lauren dahil magaling na si Valeria ,nakaramdam na din ng gutom si Lauren at sinaluhan na niya si Valeria sa pagkain.Samantala sa Palasyo ng Gregor ay iniabot ng lalaking may pilat sa kanang mata ang isang kakaibang dyamante sa reyna ng Gregor na si Reyna Rada,sinabi ng Reyna na "magaling anak ,nabawi mo ang makapangyarihang bato ,ikaw ang susunod na magiging hari ng Gregor kapag ako ay nawala na",sumagot ang lalaki at sinabi na "salamat ina,ako po ay aalis bukas muli para maningil ng buwis sa ating mamamayan",sinabi ni Reyna Rada na bakit hindi nalang iutos sa pinuno ng mga kawal ang paniningil ng buwis ,sinabi ng lalaki na kasama niya maniningil ang pinuno ng mga kawal dahil tyak niyang gaganti ang mga taong halimaw dahil sa pagpaslang niya sa isa sa mga pinuno nito.Samantala Pagkakain nila Lauren ay nilinis ni Lauren ang kanilang pinagkainan ,dumating si Lola Emma na may dalang mga prutas at gulay, sinabi ng matandang mangagamot na siya na ang gagawa dahil mga panauhin sila ,sinabi naman ni Lauren na "Lola Emma tutulungan ko napo kayu sa mga gawain nyu po dahil wala naman po akong ibang gagawin at kabayaran narin po sa pagtulong nyu po sa kaybigan kopo,maraming salamat po ",ngumiti ang matanda at nagpasalamat ,tinanong ni Lola Emma kung saan nanggaling sila Lauren dahil kakaiba ang kanilang kasootan at pananalita,sinabi ni Lauren na galing sila ng Manila at hindi nila alam kung pano makauwi ,nang ikwekwento na ni Lauren ang tungkol sa porselas ay bigla namang dumating si James at kinumusta ang kanilang lagay,sinabi ni Lola Emma na maayos na ang lagay ng kaybigan ni Lauren ,sinabi ni Valeria na "ako nga pala si Valeria ,pasensya napo hindi agad ako nakapagpakilala,maraming salamat po Lola sa pagtulong nyu po sakin kahit hindi nyu po kami kilala",sinabi ni Lola Emma na ang panggagamot ay para sa lahat at wala siyang hinihinging kapalit dahil masaya siya sa panggagamot ,nagpakilala rin si Lauren at sinabi na "ako naman po si Lauren ikinagagalak po namin kayo makilala Lola Emma" ,ngumiti muli ang matanda at natuwa dahil ang gagalang daw nila Lauren .Sinabi ni James na ang Lola niya ang pinakamagaling na manggagamot sa kanilang bayan,bayan ng Lope .Inutusan naman ni Lola Emma si James na mamili ng mga sangkap sa mga ginagawa niyang gamot sa bayan ng Gregor ,tinanong naman ni James si Lauren kung gusto nitong sumama sa kanyang pamimili para makita at malibot narin ang kanyang bayan ,sinabi naman ni Lauren na hindi niya pwedeng iwan si Valeria dahil hindi pa ito masyadong nakakalakad,sinabi naman ni Valeria na sumama na si Lauren kay James dahil hindi naman siya mapapano sa bahay ni Lola Emma,sinabi din ni Lola Emma na "samahan mo na iha Lauren ang aking apo na si James,ako na ang bahala sa iyong kaybigan na si Valeria" at hindi na nakatangi pa si Lauren.


THE DARK BLUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon