Itinulak ni Lauren si prinsipe Harry at sila ay nagmadaling tumayo,"anong sinabi mo?bastos,bastos ako?" Inis na sabi ni prinsipe Harry ,sinabi naman ni Lauren na "oo,ikaw hay...maang maangan pa",natitigan ng tindera si prinsipe Harry at ito ay yumuko at nagbigay galang at sinabi na "mahal na prinsipe ,pagpasensyahan nyu po siya hindi nya kayo kilala dahil siya ay isang dayuhan",nakatitig ang prinsipe kay Lauren at hindi nagsasalita, sinabi naman ni Lauren na,"prisipe yan ,pano?","anong pano?" Sabi ni prinsipe Harry ,papalapit na sa pwesto nila Lauren at prinsipe Harry ang higanteng oso ito ay medyo na papaika dahil sa naputol na tatlong daliri sa paa,"pasalamat ka hindi ako pumapatol sa babae" sabi ni prinsipe Harry,"at ako pa ang magpapasalamat ikaw ngatong manyak" sabi ni Lauren kay prinsipe Harry ,napakamot nalang sa ulo ang tindera dahil kay Lauren nang biglang nadapurakan ng paa ng higanteng oso ang tindera at ito ay napirait at namatay,napatingin sila Lauren at prinsipe Harry."Ale..." nakatulalang sabi ni Lauren.Hinahanap ni prinsipe Harry ang kanyang espada dahil alam niya na sila na ang aatakihin ng higanteng oso ngunit hindi niya ito makita ,tumingin ang higanteng oso kila Lauren at sila ay hahampasin ng armas nitong makapal na bakal na parang baseball bat na may mga bakal na tinik,hinawakan ni prinsipe Harry ang kamay ni Lauren at sinabi na "wag kang bibitaw" ,mabilis na kinuha ni prinsipe Harry sa kanyang bulsa ang mahiwagang dyamante at binigkas ang salitang "ETERNA" at silang dalawa ni Lauren ay naglaho, napatigil ang higanteng oso at hindi na naituloy ang paghampas hinahanap niya sila Lauren at prinsipe Harry.Sila Lauren at prinsipe Harry ay naging invisible dahil sa kapangyarihan ng mahiwagang dyamante na pinadala ng reyna ng Gregor kay prinsipe Harry,"natakot kaba?wagka mag alala hindi niya tayo makikita ,ilalabas kita dito saka ko siya haharapin" sabi ni prinsipe Harry kay Lauren,"kinabahan lang ako ,matagal kona gustong pumatay ng halimaw para maipag higanti ang kaybigan ko" sabi ni Lauren,sinabi naman ni prinsipe Harry na limang minuto lamang ang tinatagal ng kapangyarihang maglaho ng dyamante at ito ay mauulit muli makalipas ang kalahating oras.Nagmadali nang tumakbo sila Lauren at Harry para madala sa ligtas na lugar si Luren ng biglang natalisod si Lauren at nakabitaw sa kamay ni prinsipe Harry ,ang kapangyarihan ng dyamante ay gumagana lang sa kung sino ang may hawak dito at bibigkas ng mahiwagang salita ,nakita si Lauren ng higanteng oso dahil nakabitaw siya kay prinsipe Harry kaya hindi na siya invisible.Nagmadaling tumakbo ang halimaw at susugurin na si Lauren ,nakita narin ni prinsipe Harry ang kanyang espada at ito ay dali dali niyang dinampot ,siya ay tumuntong sa lamesa ng tindahan at nilundag ang higanteng oso ,sa paglundag ng prinsipe ay nawala narin ng bisa ang kapangyarihan ng dyamante na maglaho .Nakita ng higanteng oso ang pasugod sa kanya na si prinsipe Harry ngunit wala nang nagawa pa ang halimaw dahil mabilis na nilaslas ni prinsipe Harry ang kanyang leeg at sabay tusok ng espada sa noo nito,bumagsak ang patay na katawan ng halimaw .Natulala si Lauren sa nakita niya at medyo natakot siya ,sinabi niya sa sarili niya na "ang galing nya",naglalakad naman palapit kay Lauren si prinsipe Harry at sinabi na "sa ulo dapat pinatatamaan ang halimaw dahil nandun ang puso nila kasama ng utak", bigla namang may tumawag sa pangalangan ni Lauren ,"Lauren nadito kalang pala salamat at ligtas ka" sabi ni James kay Lauren,"ah oo" sabi naman ni Lauren ,tumingin naman si prinsipe Harry kila Lauren sabay lumakad paalis,"hoy! ikaw anung ginawa mo kay Lauren" hiyaw ni James kay prinsipe Harry,lumingon si prinsipe Harry at hindi na nagsalita pa ,tinalikuran ni prinsipe Harry si James ,sinabi naman ni Lauren na "James wala siyang ..." ,hindi pa tapos magsalita si Lauren ay sinugod naman agad ni James si prinsipe Harry at sinabi na "Hoy! saan ka pupunta! sumagot ka" ,hinarang si James ng mga kawal at ang isa dito ay tinutukan sya ng espada at sinabi na "hangang dyan ka nalang",hinabol naman ng lakad ni Lauren si James at sinabi na "James niligats niya ko,hindi pa ko tapos magsalita kanina ,ang bilis mong lumakad","ganun ba ,akala ko may ginawa sayong masama yung lalaki nayon",iniwan na ng mga kawal si James at sumunod na sila kay prinsipe Harry .Napatay na ng mga kawal ng Gregor ang mga halimaw ,bihira lang magtangkang sumalakay ang halimaw dahil alam nila na malakas ang pwersa ng Gregor at magaling sa pakikipaglaban ang prinsipe nito .Sumakay na sa kabayo sila Lauren at sinabi ni James na "ang yabang ng lalaking yon", sinabi naman ni Lauren na "mayabang talaga",naalala ni Lauren ang muka ni prinsipe Harry at nun lang niya napansin ang malaking pilat nito sa kanang mata at sinabi na "ano kaya nangyari sa kanang mata niya"
![](https://img.wattpad.com/cover/231053651-288-k332145.jpg)
BINABASA MO ANG
THE DARK BLUE
FantasyMay kakaibang pangyayari sa buhay ni Lauren na hindi niya maipaliwang .Siya ay Napunta sa ibang panahon o lugar na puno ng kakaibang nilalang ,kapahamakan at ......to be continue