𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 27

135 4 0
                                    

Cindy's Pov.


          
         Nasa kotse na kami ngayon pauwi na pinag masdan ko si Ariel tahimik lang siyang nag mamaneho. Nakita ko kanina kung pano siya nagulat nung makita niya ulet si Careen ramdam ko ding hindi siya komportable kanina habang kumakain. At ang nararamdaman ko ngayon? Nasasaktan ako. Dahil alam ko naman na hindi ako ang mahal niya at hindi niya ako natutunang mahalin kahit kailan mag kasama kami, kasal kami. Pero hindi ako ang mahal niya. Naalala ko yung nangyari 2 years Ago.




FLASHBACK

         Pag katapos ng kasal namin ay napag desisyunan naming mag sama sa iisang bahay, buntis ako non bago ang kasal ko lang nalaman humingi ako ng Favor kay Ariel na mag panggap kaming siya ang Ama ng bata pumayag sya hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya ng mga araw na yon pero wala din akong magawa buntis ako at nakakapag taka naman kung hindi namin papalabasing si Ariel ang Ama e kasal kami? Ang Ama ng bata ay ang Anak ng CoSyockholders nila mommy na dapat ay papakasalan ko may nangyari samin nung gabing nalasing kami pareho dahil hindi namin gustong mag pakasal sa isat isa ang tanga ko ng mga araw na yon.

Nangmagsama kami ni Ariel hindi naman niya ako pinabayaan nag paka Ama siya at Asawa pero ang nakakatawa? Kasal kami pero hindi kami mag kasama sa iisang kwarto kapag nanjaan lang ang parents ko ay nag papanggap kaming magasawa HAHA! ang funny no? Saming dalawa ako lang ang nag mamahal. Mahal ko naman talaga si Ariel kaya nga ayaw kong mag pakasal sa iba e dahil siya ang mahal ko.


Gabi gabi siyang umiinom non gabi gabing umiiyak at nasasaktan ako tuwing makikita siyang umiiyak kung makikita niyo si Ariel ay hindi mo aakalaing nag susuffer siya gabi gabi magaling syang mag tago ng emosyon. Tinulungan ko siyang makalimot pareho naming ginugol ang sarilu sa trabaho nag tulungan kaming iaangat ang company now ako na ang CEO at sya naman ang Vice President ng Company. Maraming nag bago sa dalawang taon na lumipas.

END OF FLASHBACK








dahil don I hate Careen naiinis ako sakanya dahil sinayang niya si Ariel ginawa ko ang lahat para matulungan siyang makalimot kay Careen nabawasan naman ang kaso ay alam kong si Careen parin hanggang ngayon.  Hindi ko namalayan na nasa bahay na pala kami kaya naman mabilis akong bumaba nawala ako sa mood nag lalakad na ako papasok sa bahay sana ay gising pa si Baby Sol nabubuhay ang diwa ko kapag nakikita ko ang anak ko stress reliever ko siya nagagawa niya kong pasayahin ganon pala talaga siguro kapag nanay kana at may anak na.







Pag pasok ko sa loob ay nakapatay na ang mga ilaw at ang lamp shade nalang ang bukas pumunta ako sa kusina at ini on ang switch ng ilaw kumuha ako ng tubig at uminom. Natanaw ko si Ariel na umaayak ng hagdan baka mag bibihis na sya. Pag kainom ko ay pinatay ko na ang ilaw at umakyat narin sa taas pumasok ako sa kwarto ni Baby Sol at natutulog na siya sa Crib niya ang yaya naman niya ay nasa kama na katabi ng Crib niya at nag papahinga narin kaya naman umupo ako sa isa maliit na bangko at pinag masdan si Baby Sol na natutulog napangiti ako ng makita siyang ngumingiti ngiti habang natutulog nananaginip siguro sya. Ang cute cuye niya hawig ko siya at may pag kahawig siya sa tatay niya kung tititigan mo siyang mabuti. Hinaplos haplos ko ang ulo niya nalaglag ang pacifier niya kaya naman binalik ko ulet yon bibig niya. Napangiti ulit ako at hinalikan siya sa Noo. Mommy loves you anak! Bulong ko sakanya at tumayo na nag lakad na ako papunta sa kwarto namin ni Ariel.





Pag pasok ko sa kwarto ay nakita ko siyang nangunguha ng damit sa closet niya wala siyang suot pang itaas hindi na ako nagulat dahil nasanay nakong makita siyang walang suot na tshirt napatingin siya sakin ng mapansing pumasok ako.

Mag bihis kana babe, pag katapos ay mag pahinga kana rin oras na. Sabi niya sakin at sinuot ang sando na kinuha niya.

Hmm. Maliligo lang ako mag papahinga narin ako sagot ko sakanya

Ang laki na ng pinag bago ni Careen no? Tanong ko sakanya at napatingin naman siya sakin. Hindi siya umimik senyales na ayaw niyang pag usapan kaya naman hindi nalang ako ulit nag tanong. Baka mag away pa kami alam ko naman na wala din siya sa mood at naiinis ako sa hindi malamang dahilan. Lumabas na siya ng kwarto syempre hindi naman kami tabing natutulo sa guest room siya natutulog baka doon na siya pupunta kaya naman naligo na ako ng mabilisan at nag pahinga narin.













Ariel's Pov.

          Palabas nako ng kwarto ni Cindy gusto ko na ring mag pahinga pero bago ako pumunta sa GuestRoom ay sinilip ko si Baby Sol na mahimbing ng natutulog. Kaya naman dahan dahan kong isinara ang punta upang hindi makagawa ng ingay. Bumaba ako saglit sa kusina at kumuha ng FreshMilk nag lagay ako sa baso at binitbit yon papunta sa kwarto. Umupo ako sa isang chair katapat ng table binuksan ko ang loptop ko at nag simulang mag trabaho.





Ang secretary ko ay sinisend sakin lahat ng mga nangyayari sa company habang wala kami ni Cindy. Nag tatrabaho ako kahit sa bahay kahit sabihin natin na nag leave kami ay hindi ko padin maiwasang hindi mag trabaho sa loob ng 2 years ay naging work alcoholic ako makaiwas man lang sa pag iisip mag tatype na sana ako ng biglang pumasok sa isip ko ang muka ni Careen kanina kaya napapikit ako at sumanda sa bangko.





Malaki ang pinag bago ng itsura niya ganon na din ang buhok mahaba ang buhok niya noon at ngayon ay mas humaba na nag curley pa at isa yon sa dahilan para gumanda sya lalo pumikit ako ulit at umiling uling hindi ko maiwasang isipin siya. Hindi parin ako makapaniwalang sa ganong pag kakataon kami mag kikita kamusta na kaya siya? Simula ng nag hiwalay kami ay wala na akong balita sa kanya at hindi ko alam kung anong nagyayari sakanya sa loob ng dalawang taon. Hindi naman ganon kadaling makalimot oo nasaktan niya ako pero mas nangingibabaw parin sakin ang pag mamahal ko sakanya. Gusto ko siyang kausapin kanina ngunit ramdam kong hindi siya komportable ni hindi nga kami nag pansinan kanina HAHA nakakatawang dahil ang lumalabas ay parang wala kaming pinag samahan kahit papaano nakakatawa lang talaga. At nag simula nanaman ang luha kong tumulo. "With all the smiles you brought me, I never thought that you could cause me so many tears."  -PQ
Sabi ko sa isip ko habang umiiyak simula ng iniwan niya ko naging palaiyak ako.

Destiny (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon