Tatlong araw nang nakakalipas nung nagsimula ang intrams namin. Medyo wala akong ganap ngayon kasi wala naman akong sinalihang ni isang sports. Di naman kasi ako magaling sa ganyan kaya di ako sumali.
Isa yun sa dahilan kung bakit ang bored kong tao. Di lang kasi talaga ako marunong. Wala sa vocabulary ko ang sports sa music lang ako mahilig.
Sa paglalakad ko sa may hallway bigla naman akong nabunggo sa may likong daan. Halos matilapon ako sa sobrang lakas ng pagkakabunggo ko kaya napaupo ako bigla sa sahig at buti nalang agad ko ding naitukod ang dalawa kong kamay hudya't na hindi ako napahiga.
Tumitig ako ng masama sa bumunggo sakin.
Nung makita ko sya, isang lalaki ang nakatayo sa harapan ko at nakatitig din sya sakin ng matalim.
Medyo may katangkaran at medyo malaki ang katawan nya.
Agad naman akong tumayo at nagpunas ng mga kamay ko.
"Humaharang ka kasi sa daan!"Sabi sakin nung lalaking nakabunggo ko at ngayon ay kaharap ko na.
Teka, ako pa ang may kasalanan ngayon?!
"Bakit kasi sa dinaraming paglalaruan dito.
dito ka pa talaga sa daan naglalaro ng basketball?!"Iritado kong sabi sa kanya.
Sh*t ang sakit ng pwetan ko.
Naka-Jersy shirt kasi sya at pawisan pa. Galing pa atang laro. Pero bigla syang tumitig ng masama sakin at salubong na salubong ang dalawa nyang kilay. Tinaasan ko naman sya ng kilay at nakipagtitigan sa kanya.
Kala siguro di ko sya papatulan. Pero nabigla ako nung nagsalita sya.
"Nagagwapuhan ka sakin no! Wag mo na akong titigan kung gusto mo naman kuhanin ang number ko. Ibibigay ko naman e!."Sabi nya sakin sabay taas baba ng kilay nya.
Teka seryoso sya?! Hindi ko nga sya kilala tapos aastahan nya ako ng ganyan. Ang laki naman pala ng ulo nitong hayop na to!
Napatawa nalang tuloy ako sa kanya.
"Tsk! Seryoso ka dun?! Alam mo, imbis na mag-sorry ka na lang sa ginawa mo...
Nagawa mo pang purihin yang sarili mo na hindi naman dapat."Seryoso kong sabi sa kanya
Kalma Mig's. Kumalma ka lang.
Naiinis ako sa kanya kasi binangga nya ako na hindi man lang nagso 'sorry.
Magsasalita pa sana ako nung may bigla akong nakarinig na tilian sa likuran ko at agad naman akong humarap sa kanila.
Pero bago pa man yun, nabangga na nila ako ng tuluyan at tumilapon ako sa gilid. Nakakabwiset!
Aaarrgghh! Habaan mo ang pasensya mo mig's! Hingang malalim! Wag mo na silang patulan pa. Bulong ng isip ko.
Parang isang grinder ang iritan at sigaw ng mga babae na sobrang sakit sa tenga.
Tumingin ako ng masama sa kanila. Pero nung napadpad ang tingin ko dun sa lalaki ngumiti lang ang g*go.
"See!"Kibit balikat nung lalaking naka-jersy sabay tingin sakin.
Dahil sa sinabi nyang yun. Biglang umikot ang mata ko at akmang aalis na sana nung hinawakan nya ang braso ko.
Sa ginawa nyang yun. Tinitigan ko ulit sya ng masama. Gusto ko syang sapakin!
"Wag mo nga akong hawakan!."Matalim kong sabi kasabay nun bigla nya akong inakbayan. Dahil sa bilis ng pangyayari di kaagad ako nakakilos...
BINABASA MO ANG
Till my last breath (ongoing)
Teen FictionWhat does the word Love mean to me? Is the thing that is giving without expecting anything in return. It's not about age and gender at all. It's about love. love is love. And It's the love that has no rules and no limit.