Mig's POV*
"Sir ano po ba ang maitutulong ko?"Tanong ni lynne sakin.
Nandito kami ngayon sa bahay at nagaayos ng mga lulutuin. Ngayong araw kasi ang birth day ni bunso kaya kasalukuyan akong nagluluto ng pansit.
"Yang mga gulay pakihiwa nalang."Sabi ko sabay turo sa mga gulay na nasa mesa.
Napatingin naman ako kay lynne na nagkakamot ng ulo nya.
"Ang dami pala nito. Lulutuin mo ba to lahat?!"Sabi nya.
Tumingin ako sa kanya.
"Diba sabi mo tutulungan mo ako ngayon. Sige na. Simulan mo na yang paghihiwa jan."Natatawa kong sabi.
Nagprisinta kasi tong si lynne na tutulungan nya ako sa pagluluto at sa pagprepare ng lahat. Gusto ko kasing maging special ang araw na to para kay bunso.
"Oo na. Your wish is my command!"Sagot nya.
Katulong din namin si mamu sa pagluluto at kasalukuyang naghahanda ng mga plato na gagamitin mamaya.
Ininbitahan ko na din sila Ivan, hannie at Ianna. Pero mamaya pa sila makakapunta dahil hapon pa naman ang party. Humingi na din ako ng tulong dun sa tatlo para asikasuhin ang mga bata sa palaro. Naihanda ko na rin yung mga gagamiting palaro at prize gifts sa mga kaibigan ni jacob na ininbitahan din nya sa party.
Matagal ko ng sinabihan yung tatlo tungkol dito at pumayag naman sila sa idea ko at sila na daw ang bahala dun. Hinayaan muna namin si bunso na makipaglaro muna sa labas habang may ginagawa kami. Syempre gusto namin na i-enjoy nya muna yung pakikipaglaro nya sa labas dahil araw nya naman ngayon.
Kinuha ko na yung manok sa plastik para hugasan yun. Magluluto din ako ng chicken curry dahil paboritong ulam yun ni jacob at si mamu naman ang bahala sa menudo.
"Nga pala migs, nakapag-apply ka na ba dun sa restaurant na papasukan mo?"Biglang tanong sakin ni lynne habang naghihiwa sya ng carrots.
"Hindi pa. Sa susunod na araw nalang siguro."Sagot ko habang hinuhugasan yung manok.
Tumingin ako sa kanya. "Bakit mo naman naitanong."
"May kakilala kasi ako dun sa restaurant na gusto mong pasukan. Nakausapin ko na din yun para madali kang makapasok sa kanila. Tsaka, sabi nya sakin hiring naman daw sila."Sagot naman ni lynne.
"Di ka na dapat nag-abala pa, pero salamat."Sabi ko.
"Okay lang yun maliit na bagay. Alam kong masarap ka talagang magluto kaya madali kang matatanggap dun sa restaurant."Sabi nya.
Ngumiti nalang ako sa kanya. "Salamat."
Lumapit sakin si lynne para iabot sakin yung carrots at patatas na hiniwa nya kanina. Agad ko din namang kinuha yun para ilunod na sa niluluto kong chicken curry.
"Pero tanong ko lang. Di ka ba napapagod?"Tanong nya sakin sa tabi ko.
Tinignan ko sya.
"Hindi. Bakit naman ako mapapagod?"Sabi ko habang naghahalo.
"Ang dami mo kasing ginagawa sa buhay mo. Pero minsan ba, naiisip mo ring magenjoy man lang kahit paminsan-minsan? Napapagod ka pero di ka man lang nagrerelax kahit na konti."Sagot nya sakin.
"Sinong may sabing di ako nag-eenjoy. lynne masaya ako sa ginagawa ko at wala akong pinagsisisihan kahit gaano pa kabigat ang trabaho namin. Tsaka nag-eenjoy naman ako ah, nag-eenjoy akong kasama kayo at masaya na ako dahil nakakausap ko kayong lahat."Natatawa kong sagot sa kanya.
BINABASA MO ANG
Till my last breath (ongoing)
Teen FictionWhat does the word Love mean to me? Is the thing that is giving without expecting anything in return. It's not about age and gender at all. It's about love. love is love. And It's the love that has no rules and no limit.