°•°2•°•

14 0 0
                                    


5:42am ako gumising. Medyo madilim pa nung bumangon ako sa kama. Kinusotkusot ko ang mata ko at lumabas na ng kwarto para makapaghanda sa pagpasok ko ng school.

At maghahanda rin ako ng susuotin ni bunso sa pampasok nya ng school.

Nagluto na ako ng breakfast ng kapatid ko at ni mamu. Oo sila lang pinagluto ko kasi di naman ako nagbibreakfast.

Umiinom lang ako ng Milo pagkagising ko ng umaga.

Feeling ko kasi masusuka ko lang ang kakainin ko. At masasayang ko lang din ang pagkain kaya di na ako nag aalmusal sa umaga diretso lunch na agad.

Siguro sanay na ako ng ganun.

Ginising ko na si mamu at bunso para makakain ng umagahan. Lagi ko kasi tong ginagawa tuwing umaga bago pumasok sa school.

Ako na ang nagaasikaso lahat.

"Oh anak!

Di ka ba sasabay saming kumain?" Tanong ni mamu sakin.

"Di na po mamu. Baka bumaliktad lang sikmura ko.

Tsaka nakapag-Milo naman ako. Kaya okay na ko." Sabay kuha ng tuwalya.

Hindi na umimik si mamu kasi alam nya na di talaga ako nagbibreakfast kaya kumain nalang sya.

Habang kumakain na si bunso at si mamu naligo na rin ako para makapagbihis na.

-
"Nga pala beks, pwede ka ba mamaya?" Natanong bigla ni Ivan.

Nandito na kami sa klase namin.

Medyo nabobored ako ngayon araw buti nga kahit papaano dinadaldal ako nitong si Ivan.

"Di ako pwede...

Kasi may rehersal ako mamaya sa music club namin.

Tsaka di pwedeng wala ako dun." Sabi ko kay Ivan habang nakikinig sa prof.

Lam nyo na. Para di kami mahalata na nagdadaldalan kami during discussion.

"Ay sayang naman. After nalang ng rehersal mo!

Pwede?" Dagdag nya pa.

Ano kaya nakain nitong si Ivan?

Ni minsan naman di nag aaya to...

"Sige, pero san naman tayo pupunta at naisipan mong mag aya?" Nagtataka talaga ako. Anong meron.

"Yhey! cge cge...

Kita nalang tayo sa labas ng school mamaya"Natutuwang sabi nya.

Sa pagsabi ni Ivan ng Yey!

Napatingin bigla yung prof namin sa gawi namin. Napalakas siguro yung boses nya.

"If there something wrong mister Santiago?" Tanong bigla ng prof namin kay Ivan.

Lahat ata ng attention napukaw namin.

kasi lahat ng classmate namin nagtitinginan saming dalawa ni Ivan.

Nakakahiya.

"Nothing sir." Nahihiyang sabi ni Ivan.

Natawa tuloy ako sa kanya. hahah. Tumingin kasi ako sa mukha nya at nakita ko na parang naiilang sya sa reaksyon nya.

-
Malapit na pala kaming magperform.

Pero di ko pala alam kung anong tutugtugin namin at kakantahin.

Sakin kasi pinaassign ng president ang magiging concept ng event ng music club...

Till my last breath (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon