°•°7•°•

10 0 0
                                    

Louvert's POV*

Naalimpungatan ako sa alarm ng cellphone kaya agad ko namang kinapakapa yung study table para patayin yung ingay na nagmumula dun. Nung napatay ko na, bumalik naman ako sa pagkakatulog ko sa kama.

Pero maya-maya palang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Sir, luto na po yung breakfast nyo!"Katok ni ate lorna.

Napasubsob naman ako sa unan ko. "Five minutes pa!"

"Sir. Mala-late po kayo sa school nyo."Sabi pa ni ate lorna. Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumayo na sa kama habang pupungas-pungas akong pumasok sa banyo.

Naligo na ako, lahat nang pwede kong gawin para makapag-ayos ginawa ko na.

Nung natapos na ako kaagad din akong bumaba para kumain. Pagkapunta ko sa dinning area, hindi na ako nagulat nung si ate lorna lang ang naabutan ko sa kusina.

Maaga kasing naalis ang parents ko para magtrabaho at laging ganito ang set up ng buhay na meron ako. Naiintindihan ko naman sila dahil para din naman samin yun. Minsan madalas din silang late na kung umuwi sa gabi lalo pa't may problema sa kumpanya nila daddy ngayon.

"Nakaalis na po ba sila?"Tanong ko kay ate lorna nung nakaupo na ako para kumain.

"Ay Oo kanina pa."Sagot ni ate lorna.

Kaya nagumpisa nalang ako sa pagkain ko at hindi na nagsalita pa. Nung natapos na ako kunuha ko na yung gamit ko para pumasok na.

Pagpasok ko sa school, agad naman akong sinalubong nung tatlo.

"What's up! Bro."Si Gerald.

Ngumiti lang ako sa kanila. Agad naman ako inakbayan nung dalawa si Jasper at Danny at tinapik-tapik yung likuran ko.

"Balita namin may pinaiyak ka na naman daw na babae nung isang araw ah?!"Si Danny.

Tumingin lang ako sa kanila.

"San mo naman nabalitaan yan?"Tanong ko kay danny.

"Oh come 'on bro! May pakpak ang balita. Kalat na kaya sa school yung ginawa mo!"Bulyaw naman ni jasper.

Kunot noo lang akong napatitig sa kanilang tatlo, maging sila ay nakatitig rin sakin na parabang naghihintay ng sagot ko.

To be honest, marami na akong niligawan na babae pero di lahat nagtagal. Lahat kasi nang natitipuhan ko, sex lang ang habol sakin kaya binibigay ko lang kung ano ang
gusto nila. Pero never akong na-inlove o nagseryoso sa kahit na anong relasyon at marami na din akong napaiyak sa kanila. Marami ang nagagalit sakin dahil playboy daw ako, pero wala akong pakialam sa kanila. Well sila naman ang may kailangan sakin kaya bilang ganti, kinukuha ko din kung ano ang gusto ko sa kanila kaya patas lang.

"The hell I care. Wala akong ginagawang masama at isa pa sila tong lumalapit sakin, sila ang may gusto nun at hindi ako!"Sabi ko naman sa kanila.

"Di ka ba nag-aalala? na baka isang araw, karmahin ka nalang bigla?!"Sabi ni danny.

Tumawa nalang ako ng marahan.

"Louvert! Louvert! Louvert!..

Darating din ang araw na makakahanap ka rin ng katapat 'mo."Singit naman ni gerald sa likuran namin.

Hindi ko nalang sila pinansin pa at naglakad nalang.

Back to normal ang lahat nung matapos ang exam namin. Naging sunod-sunod rin ang pagta-training namin sa raimon soccer club dahil nalalapit na ang tournament. Hilig ko na talaga ang maglaro ng soccer kahit nung na sa elementary palang ako. Ini-enjoy ko nalang ang pagiging high school life kasi pagtungtong ko sa college, lilipad na ako papuntang US at doon ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Yun kasi ang pangako ni mommy sakin kahit labag naman sakin yun, wala akong ibang choice kundi ang sundin sila. Pero minsan ba inisip nila kung ano ang gusto ko? Inisip ba nila kung masaya ako sa idea nila na ilayo ako? Buong buhay ko lagi akong sunodsunuran sa kanila kahit yung mga gusto ko di ko makuha kasi gusto nila ang nasusunod lagi. Marami akong gustong gawin sa buhay ko pero mga magulang ko na mismo ang kumukuha sakin ng kalayaan at kaligayahan ko. Wala akong ibang magawa, kasi anak lang naman nila ako. Minsan sumasama ako sa gimik nung tatlo para lang matakasan ko ang lahat. Yun lang kasi ang paraan na alam ko para makapag-enjoy man lang kahit na papaano. Kaya minsan para makaiwas kila mom at dad, umuuwi na ako ng gabi sa bahay. Kung makauwi man
ako ng gabing-gabi sa bahay di na nila ako pakikialaman dahil alam kong natutulog na sila dahil sa pagod.

Till my last breath (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon