Mig's POV*
Marami ang nagsasabing bakit nagagawa ko pang ngumiti sa kabila ng lahat ng pang iniinsulto ng ibang tao sakin dahil sa itsura ko.
Masakit man. kahit na natatapakan na nila ang pagkatao na meron ako pero di ko nalang yun pinapansin.
kasi alam kong wala rin naman patutunguhan kung papatulan ko pa sila.
"Lalim ng iniisip natin aahhh." Inangat ko ang ulo ko.
Pero ngiti lang ang isinagot ko kay Ivan.
Si Ivan lang ang kaisa isa kong kaibigan dito sa school na pinapasukan ko.
Kahit na ganun. Alam ni Ivan ang sitwasyon ko sa buhay at lagi nya kong dinadamayan sa lahat miski sa problema ko.
"Okay ba tayo jan tih?" tanong bigla ni Ivan sakin.
Bumuntong hininga ako sa tanong nya.
"Eto. nabully nanaman." sagot ko bigla.
"Ano bang bago jan tih? sa lahat naman ng tao dito sa school kaw lagi tong kota na sa pambubully ng iba." Pagtataray nya.
Pero nanahimik lang ako habang tinitignan ang mga pasa at galos na natamo ko sa pambubully.
Alam kong hindi na tama yung ginagawa nila sakin. Pero ayaw ko lang naman lumala pa ang gulo.
"Sya nanaman ba ang gumawa nyan sayo?". Usisa nya sa mukha ko. Tinignan ko sya.
Sabay tumango sa naging sagot ko.
"Aarrghh! sabi ko na e. kahit kaylan talaga bwiset yang babae na yan!." Naiinis nyang sabi.
"Kaylan ka ba titigilan yang hayop na yan!
ano bang ginawa mo sa kanya para gawin sayo yan!
tsaka di ba sya nagsasawa mambully?!" sunod-sunod na tanong ni Ivan sakin.
"Yaan mo na. Tsaka kasalanan ko din naman kasi.
Masyado akong nagpadala sa emotion ko kanina." Paliwanag ko sa kanya.
Alam kong galit talaga si Ivan sa nangyari. Natural lang naman siguro sa kaibigan ang magalit lalo na't binubully ng ibang tao ang kaibigan nya.
Kahit naman siguro ako ganyan ang magiging reaksyon ko.
Maiinis. Magagalit. Tataas ang boses.
Daig ko pang nasermonan ng magulang sa inaasta nya ngayon.
"Myghod Friend!
Ano!
gaganyan ka nalang huh! Di ka nalang kikibo sa ginawa nya sayo?!...
ay di naman ata tama yun tih!" Naiinis nyang sabi sakin.
"Okay lang naman ako tih!" Sabay kamot sa ulo ko kahit di to makati.
"Okay?!
tignan mo nga yang itsura mo. Bakla ka!
Mukha kang baklang nag aalok ng Bearbran dahil jan sa itsura mo ngayon?!" Di ko alam kung nang iinsulto ba sya o ano.
Tumingin ako ng masama sa kanya.
Parang mas masakit pa ata yung sinabi nya sakin kaysa sa mga pasa at sugat ko.
"Pwede bang wag mo ng banggitin kay mamu ang nangyari?" pakiusap ko sa kanya.
Alam ko kasing magaalala si mamu sakin.
BINABASA MO ANG
Till my last breath (ongoing)
Novela JuvenilWhat does the word Love mean to me? Is the thing that is giving without expecting anything in return. It's not about age and gender at all. It's about love. love is love. And It's the love that has no rules and no limit.