"Gulay po! Bili na po kayo dito! Sitaw... Kalabasa! Petsay... Upo... Patola! at iba pa!! Sariwang sariwa po lahat!"Sigaw ko.
Dahil walang pasok ngayon, tumutulong ako kay mamu ngayon dito sa palengke pati na rin si bunso kasama namin. Ako ang nagtatawag sa mga suki, si bunso naman ay taga timbang at si mamu naman ang taga sukli. Halos ganito ang ginagawa namin tuwing wala kaming pasok sa school.
"Lapit na mga suki! Bagong pitas po lahat ng gulay! Bili na po kayo ng isda! Murang mura lang po ang kilo at sariwa pa!."Halos magmukha akong mega phone dahil sa lakas ng boses ko.
"Oy miggy!"Si ate Irish.
"Kamusta na po ate Irish?! Ngayon ko na lang po ulit kayo nakita ah?"Bati ko kay ate Irish.
"Oo nga eh. Medyo naging busy na ko, lam mo na luma-love life na ang ate Irish mo!"Natatawang sabi ni ate Irish.
"Ano po bang bibilhin mo ate Irish? Sariwa po lahat ng gulay namin bagong pitas pa lahat. Alam ko pong ipagluluto nyo ang boyfriend nyo ngayon kaya bili na po kayo! Isda po?! Gusto mo po bang bumili? Galunggong, tilapia, tulingan pati bangus. Sariwa po lahat ng yan! Bili na po."Sunod-sunod kong alok kay ate Irish.
"Kilalang kilala mo talaga ako miggy! Cge na nga bibili na ko. Ano ba pwedeng masarap lutuin ngayon?!"Nakangiting tanong ni ate Irish.
"Sinigang na tilapia po tsaka inihaw na bangus! Perfect po yun para sa boyfriend nyo. Lagyan nyo po ng maraming kamatis at sibuyas yung loob ng bangus bago nyo po ihawin!"Sabi ko habang kinukuha ko na lahat ng ingredients na kaylangan ni ate Irish.
"Oh sige sige. Bibilhin ko na! Alam ko naman na magaling ka talaga pagdating sa pagluluto pati sa pagpili eh. Kaya bilib ako sayo!"Sabi nya pa at itinimbang ko na yung gulay at isda.
"Kaya po pala lalo kayong gumanda ngayon ate Irish kasi may bisita ka pala. Maraming salamat po ng marami! Sa uulitin po. Balik po kayo!"Nakangiti kong sabi at ibigay na ang plastic na hawak ko.
"Sus! Nambola ka pa. Oh sya sige salamat din!"Paalam ni ate Irish samin.
Doble kayod talaga kami ngayon lalo pa't malapit ng mag birth day itong si bunso. Kaya lahat ng paraan na alam ko para makabenta ginawa ko. Gusto ko kasing maging special ang kaarawan ni jacob. Isang buwan nalang kasi at darating na ang araw na yun. Balak ko na din mag apply sa malapit na restaurant dito samin para dagdag kita na rin at makatulong din yun sa gastusin sa bahay. Sinabi ko na rin yun kay mamu kaya hindi na sya nakipagtalo pa sakin. Alam naman kasi nya na mapilit talaga ako kaya di sya makatanggi. Minsan nga, pinagsasabihan na ako ni mamu na wag ko daw masyadong inaabuso ang katawan ko sa trabaho at mag focus nalang daw ako sa pag-aaral namin. Pero syempre wala naman akong rason para tumigil lang sa bahay. Mas gugustuhin kong tumulong kaysa naman na kahiga lang maghapon sa bahay. Pinagiipunan ko na rin kasi yung pang kolehiyo ko kahit medyo dalawang taon pa para makatungtong sa college. Mas mabuti na ngayon palang paghandaan ko na yun kaysa naman mamoblema pa si mamu sakin. Ayaw ko ng gumastos pa si mamu sa pang kolehiyo ko.
"Naks! laki ng pangangailangan ah!"Bungad sakin ni Lynne sa may likod ko.
Kaibigan ko tong si lynne dito sa palengke. Kahit na medyo maingay dito sa pwesto namin sa palengke, umaalingasaw ang bibig nya sa sobrang ingay.
"Kung gusto mo lang mang asar ngayon wag mo ng balakin! Baka itusok ko lang sa lalamunan mo tong hawak kong kutsilyo!"Bulyaw ko naman agad sa kanya.
"Ito namang si friend ang brutal pagdating sakin! Di mo ba ako namiss?!"Sabi nya na nakapamewang pa.
"Bakit naman kita mamimiss? Araw-araw naman kitang nakikita dito palang sa palengke! Diba nga ka uri mo to?!"Sabi ko sabay taas ng isang pirasong tilapia.
BINABASA MO ANG
Till my last breath (ongoing)
Teen FictionWhat does the word Love mean to me? Is the thing that is giving without expecting anything in return. It's not about age and gender at all. It's about love. love is love. And It's the love that has no rules and no limit.