One week pa bago ang midtrem exam namin kaya todo review ako sa lahat ng subject. Hindi ko na inaalala ang bayarin sa tuition ko kasi may scholarship naman ako kaya di na masyadong mabigat para sakin. Tsaka may ipon naman ako kaya yun nalang ang gagamitin ko para sa tuition. Medyo nagiging mahirap na ang mga lesson namin lalo pa't malapit na ang exam at naglo-look forward na din ako sa pwedeng mangyari.
"Okay class, that's all for today and don't forget to submit your project until friday morning. Class dismiss."Pagtatapos ni Ms. Morgan sa klase.
"Goodbye ms. morgan!"Sabi namin.
Nag-aayos ako ng mga gamit ko sa bag nung bigla akong tawagin ni ms. morgan.
"Mr. Dela Cruz!"Tawag ni ms. morgan.
"Yes po?!"
"Pwede mo ba akong tulungan sa mga ito at ilagay sa table ko sa may office?"Sabi nya sabay turo sa mga assignment notebook namin.
"Opo, sige po."
Kaya agad naman akong pumunta sa harapan at kinuha yung mga notebook sa table. Sumunod na ako kay ms. morgan sa paglalakad kaya sinabihan ko rin si Ivan na mauna na sa canteen at dun nalang ako hintayin.
Nung nakarating na kami dun sa faculty office ay inilagay ko naman agad yung notebook sa table ni ms. morgan at nagpaalam na. Habang naglalakad ako papuntang canteen may biglang humarang sa dadaanan ko. Kaya agad akong tumingin sa kanila.
Tatlong babae.
"Oy ikaw na lalaki ka, san ka pupunta?"Sabi nung babae sa harapan ko.
Teka sila yung tatlong babaeng bumangga sakin nung nakaraang araw. Well sila nga. kaya kakausapin ko na din sila sa ginawa nila sakin.
"Anong kaylangan nyo sakin?"Tanong ko naman sa kanila.
"Diba ikaw yung sinabihang asawa ni yoshi last time? Remember?"Natatawang sabi nung isang babae.
Kaya kumunot naman agad ang noo ko.
Teka, yoshi?.
Pero nanlaki naman agad yung mata ko nung marealize ko yung taong tinutukoy nila. Si yoshi, yung lalaking nameet ko dun sa may playground at sya rin pala yung mayabang na basketball player.
"Hindi ako yun."Tanggi ko.
Hindi ko alam kung papaano magreact. Alam kong lagot ako kung aamin ako sa kanila.
"Liar!"Sabi pa nung babaeng na sa likod.
Ano bang sasabihin ko? Patay ako ni'to. Lagot na.
"Malinaw naming natatandaan yung nangyari kaya wag mo ng ikaila pa!"Sabi pa nung babaeng na sa harapan ko.
Kitang kita sa mga mukha nila yung galit na parang gusto nila akong bugbugin. Hindi naman ako makakilos sa kinatatayuan ko dahil di ko alam kung pano sila lulusutan.
"Sorry pero hindi ko talaga matandaan kung ano ang pinagsasasabi nyo sakin at di ko kilala kung sino yung binabanggit nyo."Napakamot nalang tuloy ako sa kahihiyan.
"Talaga?! Ngayon palang binabalaan ka na namin na lubayan mo si yoshi at tigilan mo na ang kakalandi sa kanya, kundi makikita mo 'kung ano ang hinahanap mo!"Sabi nung babae sa may kanan.
"At isa pa. Yang kagaya mo, Tingin mo papatulan ka nya?"Gatong naman nung isa sabay tawa.
Napaikot nalang bigla yung mga mata ko sa sinabi nila sakin.
"Di ko alam kung ano ang pinagsasabi nyo at wala akong pakialam!"Sagot ko sabay lagpas sa kanila.
Aalis na sana ako nung bigla akong hinawakan sa braso nung isa sa kanila.
BINABASA MO ANG
Till my last breath (ongoing)
Fiksi RemajaWhat does the word Love mean to me? Is the thing that is giving without expecting anything in return. It's not about age and gender at all. It's about love. love is love. And It's the love that has no rules and no limit.