Una

12 0 0
                                    

"Takbo! Punyeta, mga inutil"

"Nalintikan na"

Mabilis akong tumakbo paalis mula sa radar ng mga pulis, kung minamalas ka nga naman at may mga rumoronda palang mga parak.

Hinawakan ko ng mahigpit yung bag na nakuha ko mula sa babae.

Lumingon ako at nakita ko na dinumog yung babae, kung hindi ba naman kase tanga. Kung ibinigay na lang sana nya yung bag nya ng matiwasay edi hindi na sana sya sinaksak ni Badong. Kumaripas ako ng takbo papunta sa hideout namin.

"Tabi, punyeta. Sabing tumabi eh" takbo lang ako ng takbo habang tinutulak ang mga taong nagkukumpulan sa plaza, tumingin ako sa likod at napansing malapit na yung parak na humahabol sa amin.

Pumasok ako sa isang iskinita, maraming pasikot-sikot dito kaya panigurado akong hindi ako mahuhuli.

"Tia, halika dito. Bilisan mo!" sabay hila ng kasamahan ko mula sa tambak ng basura sa gilid.

"Asaan na yung dalawa?"

"Lumiko 'yun dito eh"

"Baka doon sila pumunta, halika. Baka makatakas yun"

Sabay naming sinilip ni Aubrey at Badong yung mga pulis, hanggang sa hindi na namin sila makita. Lumabas kami sa pinag taguan namin.

"Mabuti at hindi kayo nahuli ni Badong, paniguradong malalagot kayo kay ama"

Si Ama yung lider ng sindikato na kumukopkop saamin, inampon nya kami, binihisan, pinakain. Pero sa lahat ng iyon ay may kapalit, pinagtratrabaho nya kami, pero ayos lang. Manlilimos lang naman o 'di kaya'y mag nanakaw kami doon sa plaza. Kesa naman doon sa puder ng mga madre, pwe! Hindi ako pwede dun, baka magulat nalang ako isang araw nasusunog nako dahil sa mga kasalanan ko. At tsaka ang boring dun, puro kaartehan walang thrill.

Nakarating kami sa hideout namin. Isang luma at abandonadong gusali na sinimulan ang konstraksyon at hindi na tinapos ng sinuman. Pag pasok palang namin ay nakita na namin yung ibang mga kasamahan namin na nag aabot nang kinita nila kay ama.

Pumila din kami ni Aubrey para ibigay yung mga nadekwat namin.

"Oh, Tia. Kumusta ang kita?" tanong ni ama sabay buga ng usok ng sigarilyo sa muka ko. Tarantado lang eh!

"Malaki-laki yung nakuha namin ni Badong ama, tiba-tiba tayo dito!" sabi ko sabay abot ng bag na nakuha ko.

Isinubo muli ni ama yung sigarilyo nya sabay buhos ng mga laman ng bag. Binukod nya yung mga mapapakinabangan at tinapon sa gilid yung ibang gamit na walang pakinabang. Binilang ni ama yung pera sa pitaka.

"Mahusay ka talaga Tia, oh eto ang parte mo!" sabi ni ama na mukang tuwang-tuwa sa naiuwi namin mula sa maghapong pagdidilehensya.

Dumerecho kami ni Aubrey sa silid at itinabi yung nakuha namin, kinuha ko yung alkansya ko, dinukot ko yung parte ko para sana ilagay sa alkansya ng may mahulog na kwintas----paheart shape sya na kulay gold--- sa bulsa ng short ko. Sinipat ko yung kwintas na hawak ko, at sa huli ay sinuot ko na sa leeg ko.

Lumabas kami ni Aubrey at pumunta na sa kusina.

Naabutan namin na nag kakagulo na ang lahat, nag uunahan sa sabaw na may kaunting malunggay. Tsk, malamang sa malamang tinolang malunggay na naman ang ulam.

Kumuha na kami ni Aubrey ng pagkain at sabay na nilantakan yun. Tumingin ako kay Aubrey na abala sa pagkain, lumingon sya sa akin na nagtataka.

"Oh, anong problema mo!?" tanong ni Aubrey. Umiling lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Ang ganda ni Aubrey, ang tangos ng ilong nya, makinis din yung kutis nya na morena---naalala ko noong unang salta nya dito, napakaputi nya--- pero kahit ano namang kulay nya maganda parin sya sa paningin ko. Hindi ko alam kung kelan nag simula, basta bigla nalang nagbago yung tingin ko sakanya.

Ewan nakakatangina lang, kase diba babae ako tapos yung bet ko babae rin? Aba nalintikan na. Inlab na ata ako sa kapwa ko babae at ang malala sa bespren ko pa. Imbyerna lang.

Inabot ko sakanya yung pitaka---kinuha ko doon sa pinagtapunan ni ama, sayang naman at mukang mamahalin. Tuwang-tuwa si Aubrey.

"Ang ganda talaga nito, pero baka magalit si Ama" tanong nya.

"Basta, huwag mo nalang ipapakita kay Ama at baka kunin nya yang ipon na ilalagay mo dyan" sabi ko at pinagpatuloy na ang pagkain.

Lumipas pa ang mga araw na ganoon parin ang routine namin.

~•~

Nagising ako sa sunod sunod na kalabog at putok ng baril. Dinilat ko yung mata ko at sinilip si Aubrey na pupungas-pungas, halata sa muka nya ang pagtataka at kaba.

"Magsitayo kayo, tumakbo at magtago! Andyan na ang mga parak" sigaw ni Kanor--kanang kamay ni ama.

Tumayo kami ni Aubrey at hindi magkamayaw sa pagtayo at pagkuha ng ipon sa ilalim ng higaan namin. Hindi tumigil ang sunod sunod na putok, kaya panay kami lingon at siksik sa kung saan kami pwedeng magtago.

Nakita namin yung mga kasamahan namin na nagsisitakbo, ang ilan sa kanila ay nadakip na ng mga pulis.

Abala sila Kanor, Baldo---mga tauhan ni Ama sa pakikipagpalitan ng putok ng baril. Lumingon si Ama sa lugar namin ni Aubrey kaya hinila nya kami at tumakbo palabas ng lumang gusali.

Dumaan kami sa likod ng gusali, pumasok kami sa masukal na kakahuyan. Kinakabahan dahil hindi parin humuhupa ang putukan.

Madilim at tanging tunog lang ng baril at ang tunog ng mga tuyong dahon na naapakan namin ang maririnig.

Umihip ang malamig na hangin, napahinto kami sa pagtakbo ng marinig namin ang sigaw ng isang pulis.

"Tumigil kayo, itaas nyo ang mga kamay nyo o magpapaputok ako?" sabi nung Pulis na nakasunod saamin.

"Bata, punyeta kang traydor ka. Nagkita na naman tayo" sigaw ni Ama sa pulis----naalala ko sya, nakuwento ni ama na dating kasamahan daw nya ito, siya yung dahilan kung bakit natanggal si ama sa serbisyo dahil sinuplong nya si ama na sangkot sa mga illegal na gawain sa loob ng kulungan. Sinenyasan kami ni Ama na tumakbo at inilabas nya yung baril nya mula sa bulsa nya.

Hinawakan ko si Aubrey at dahan dahan kaming umatras. Umatras lang kami hanggang sa may narinig kaming lagatok ng tuyong kahoy, tangina.

"Takbo" sigaw ni Ama. Mabilis kaming tumakbo ni Aubrey, magkahawak kamay naming sinuong ang madilim na kakahuyan, napapatalon kami sa tuwing tumutunog ang putok ng baril. At ng medyo malayo layo na ay lumingon kami, nakita namin si Ama na nakabulagta at ang pulis na kanina lang na kausap ni ama ay humahabol na.

Nabitawan ko ang kamay ni Aubrey ng biglang may humigit sa kanya. Napasigaw siya sa bilis ng pangyayari.

Nakita ko kung paano sya hawakan ng pulis sa braso nya, at kung paano bumaba ang tingin ng lalaki mula sa pitaka na nasa paanan nya. Hindi ko alam kung magpapatuloy ako sa pagtakbo o ililigtas ko si Aubrey sa kamay ng pulis na'yon.

Pero pinili ko ang tumakbo, tumakbo ako at iniwan si Aubrey. Nakita ko yung sakit na dumaan sa kanyang mata, pero anong magagawa ko. Labing-pito lang ako, patpatin at walang palag sa pulis na kumuha sakanya.

Pangako, hahanapin kita, babalikan kita. At sa pagbabalik ko, hindi na tayo muling maghihiwalay.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa madilim na kalsada. Lumingon ako sa pinanggalingan ko, humupa na ang putok ng mga baril, payapa na muli ang gabi. Tumakbo akong muli hanggang sa isang nakakasilaw na liwanag ang tumama saakin. Huli na para makaiwas ako dahil sa isang iglap lang. Nagdilim na ang paningin ko.




Votes and comments will be much appreciated♥️

Impetuous PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon